Ang Malambot kong Pag-ibig Chapter 15


.
Tulog na ang lahat ng pumasok si Abby sa bahay, may sarili siyang susi kaya kahit hindi na siya magnggising ay makakapasok siya, masakit ang ulo ni Abby dahil sa kanyang pag iyak, at naalala niya ang taxi driver na sinakyan niya, natatawa ma lang siya sa kanyang sarili, dahil kung bakit ba naman nagbuhos soya ng sama ng loob sa taong noon lang niya nakita, pero kahit papaano daway naging magaan na ang pakiramdam ng kalooban niya at nooy inaalala ni Abby ang mga payo ng taxi driver sa kanya, at samantala namam.
.
Joanne : Joebert anong problema at napasugod ka, at saka bakit taxi ang sakay mo? Huwag mong sabihing pumapasada ka na naman?(natatawang sabi)
Joebert : nasira yong gulong ng kotse ko, kaya ito munang unit ng taxi ko ang gamit ko, at saka naiinip ako eh, kaya eto pumasada ako, halika may pupuntahan tayo.
Joanne : ha saan?
Joebert : Basta halika na.
Joanne : Sandali, baka hanapin ako ni kuya Rudy mo.
Joebert : basta halika na.
Joanne : Ano ba kasi yun?
.
Wala nang nagawa si Joanne kundi ang sumama sa kapatid.
.
Joanne : hay naku, joebert ha naiinis na ako sayo, sabihin mo na kasi kung ano yun, kinakabahan tuloy ako sayo!
Joebert : pwede ba, mamaya ka na magtanong, kailangan nating magmadali.
.
At Hanggang sa makalipas ang ilang sandali ay naroon sila sa isang bar.
.
Joanne : Joebert ano bang kalokohan to?
Joebert : hindi ito kalokohan ate.
Joanne : naku, ikaw talaga baka mamaya may makakita satin dito na kakilala ko, ano na lang sasabihin na sa edad ko nagpupunta pa ako sa ganitong klaseng Bar, eh halos kabataan ang nandito.
.
At hanggang sa nakapasok na sila sa loob ng bar.
.
Joanne : Joebert, sinasabi ko sayo kapag inaway ako ng kuya rudy mo ikaw ang sisisihin ko.
Joebert : Ate, sumunod kana lang sakin, sigurado ako nandito sila.
Joanne : sinong sila?
Joebert : Basta malalaman mo na lang.
.
Kanina pa naiinis si Joanne sa kapatid, matanda si Joanne kay Joebert ng 3 taon, may 100 unit na mga taxi ang inooperate, may kaya sa buhay, pero di mo kakikitaan ng Rangya kahit na isa na itong milyonaryo.
.
At hanggang sa mahagip ni Joebert ang hinahanap, si Vince at ang kasama nitong lalake, na kanina lang ay sakay niya sa taxi niya ang lalaking kasama nito, napick up niya ito sa may Airport at, at nang nasa byahe na sila ay may tinawagan ito sa Celpon at ganun na lang ang pagkagulat niya ng banggitin ng lalake ang pangalan ni Vince, at doon niya napag alaman na ang lalake at ang pamangkin ay may relasyon, at kahit hindi naririnig ni Joebert ang nasa kabilang linya ay naiintindihan niya ang pinag uusapan ng mga ito, at nalaman din niya na pupunta ang dalawa doon sa bar kaya kinaray niya ang kanyang ate roon, at hanggang sa nahagip na din ng mga mata ni Joanne ang anak.
.
Joanne : Vince!!
Joebert : ate, halika sa gawi dun huwag kang magpakita.
Joanne : bakit?
Joebert : may dapat kang malaman kay Vince.
Joanne : ha, ano?
.
Humanap sila ng pwesto ng hindi sila makikita ni Vince, naging maingat ang dalawang magkapatid upang di sila mapansin ng anak., at nagpasalamat sila dahil nakalapit ang magkapatid kila Vince, nasa likuran lang sila ni Vince, si Vince ay walang kaalam alam na nasa malapit lang ang mamaya niya, nakikinig ang magkapatid sa pinag uusapan ng dalawa, at laking gulat ni Joanne ng marinig niya ang pinaguusapan ng dalawa, nalaman niya na bakla ang anak, muntik nang mahimatay si Joanne doon, ngunit hinila na siya palabas ni Jorbert.
.
Joanne : Bakla si Vince, bakla ang anak ko!
.
At nooy ay ikinwento ni Joebert na naisakay niya din si Abby, kinuwento lahat ni Joebert sa ate niya kung gaano kalungkot ang dinadanas ni Abby dahil kay Vince, at doon napagtagni tagni ng dalawang magkapatid ang lahat ng nangyayari sa anak.
.
Joebert : ngayong alam mo na anong gagawin mo.
Joanne : hindi ko alam, Joebert sana atin atin na lang ito, huwag na huwag mong sasabihin sa kuya rudy mo.
.
Lumipas ang mga araw, linggo na masyadong naging abala si Abby sa kanyang Culinary course, at sa kanyang restaurant, ilang araw na din na walang paramdam si Vince sa kanya, ngunit binalewala na lang niya iyon dahil kailangan daw mag-focus muna sa kanyang sarili, at sa kanyang Restaurant na ngayon ay humahataw sa dami ng costumer.
.
Debbie : Wow maam Abby, nag uumpisa pa lang ang restaurant mo patok na patok na sa masa.
Abby : restaurant natin!!! Paanong hindi papatok eh, nandito sa restaurant na ito ang pinakamagagaling na Chef.
.
Si Debbie ay isa sa mga Chef roon, at madami din siyang mga natutunan kay Debbie at kahit sa iba pa niya mga Chef, at hanggang sa lumipas pa ang maghapon, at ang restaurant nila ay inabot na nang alas dose. At dahil dun ay kinailangan na nilang mag hired pa ng dagdag na staff, waitress, waiter, dishwasher, at pina eextra na din ni Abby ang mga classmate niya sa culinary, kabilang na roon si Jayvee, at dahil don ay nag-eenjoy sila dahil, napapakinabangan na nila ang kanilang pinag aaralan sa culinary.
.
Jayvee : Abby, masaya ako dahil natupad mo na yong pangarap mo, heto na may sarili ka ng Restaurant.
Abby : oo nga, di ko din naman akalain na manyayari to.
Jayvee : talagang mabait ang sir Alvin mo.
Abby : oo sobra, sobrang napakabait niya.
.
Sumapit na naman ang gabi at halos madaling araw nang naka-uwi si abby, naroon na siya sa kama niya, sobrang napagod ang katawan niya, pero masaya siya dahil nagiging maganda ang takbo ng kanyang restaurant, ngunit ng mahagip ng isipan niya si Vince ay nakaramdam siya ng lungkot, bakit daw ba hindi siya binibisita ni Vince, gusto na talaga niyang maghinanakit dito, at sabi pa ang isip niya ay busy si Vince sa kanyang mahal na babe na si Macky, at sa isiping iyon ay di maiwasan ni Abby na hindi mainis, at ang nararamdamang inis ay di na niya namalayan na ginupo nasiya ng antok dahil na din sa sobrang pagod, at hanggang sa makalipas ang oras ay kasalukuyang nasa napakagandang panaginip si Abby..
.
Nasa isang magandang lugar siya, magandang kapaligiran, may mga puno na matatas, may mga nakapaligid na mga sariwang bulaklak, hindi mapigilan ni Abby na maglaro sa mga pinong damo na nakalatag sa lupa, tinanggal niya ang kanyang sandals at nagpaa siya na nagtatalon sa mga pinong damo, at gustong gusto niya ang pakiramdam ng mga damo na tumuyusok tusok ng pino sa kanyang talampakan, at nang makaramdam ng siya ng pagod ay naupo siya sa damo, at nakatanaw siya sa mgandang kapaligiran, nakikita niya roon ang ang mataas na bulubundukin, naroon din ang mga asol na karagatan, kay sarap sa pakiramdam niya ang simoy ng hangin, nilalanghap langahp niya ang malamig na sariwang hangin, at hanggang sa nahiga na siya sa damuhan, at mula doon ay tanaw na niya ang magandang asul na langit, ang sarap sa kanyang pakiramdam, at hanggang sa nagulat siya dahil may isang lalake roon na dinadampian siya ng halik sa noo.
.
Abby ; Vince!
Vince : Love!!
.
Nahiga din si Vince sa kanyang tabi, at sabay silang nakatingin sa kalangitan.
.
Vince : Love.
Abby : Hmm..
Vince : Sana laging lang tayong ganito ano, yong magkasama lang tayo, at masaya.
Abby : sana nga love.
.
Tumagilid paharap si Vince kay Abby.
.
Vince : love hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa buhay ko, kasi mahal na mahal kita.
.
Hinalikan ni Vince ang noo ni Abby, at ramdam na ramdam ni Abby iyon.
.
Abby : mahal na mahal din kita love.
.
At muli siyang dinampian ni Vince ng halik, sa noo sa pagitan ng mata, pababa sa ilong, at hanggang sa kanyang mga labi, kay ligaya ng kanyang pakiramdam, sobrang saya niya dahil kasama niya ang kanyang minamahal, si Abby ay tumagilid din paharap kay Vince, at yumakap sya dito ng mahigpit, sinusuklay ng daliri ni Vince ang kanyang buhok, si Abby naman ay nagagalak ang puso niya dahil ang makasama lang daw ang kanyang minamahal ay sapat na sa kanya.
.
Abby : Love dito ka lang sa tabi ko huwag mo akong iiwanan, dito ka lang.
Vince : dito lang ako love, dito lang ako sa tabi mo, dito lang ako na laging magmamahal sayo.
Abby : Kung panaginip ito please huwag mo na akong gisingin, ayokong gumising, natatakot ako na sa pag gising ko ay wala ka na sa tabi ko, mahal na mahal kita Vince.
.
At Hanggang sa ang magandang panaginip ay unti unting naglalaho at hanggang sa nagising na siya.,ngunit di pa siya nagmumulat dahil gusto pa niyang matulog at nagbabakasakali na managinip siyang muli, at gusto niyang magpatuloy ang panaginip niya na kasama si Vince, at nooy ramdam na ramdam niya pa ang kamay ni Vince sa kanyang noo, hinahagod ang kanyang buhok, at nooy ramdam na ramdam pa niya na yakap niya pa rin si Vince, nangiti siya dahil sa saya, dahil ayun at nananaginip ulit siya, hinigpitan pa niya ang yakap kay Vince, at amoy pa niya ang napaka bangong pabango ni Vince, sa pagkakataong iyon daw ay ayaw na niyang magising, ngunit ng nagising na ang kanyang diwa, at narealize niya na siya ay gising na sa mga sandaling iyon, pero bakit nararamdaman pa din niya ang paghagod sa kanyang buhok, at hanggang sa kumilos ang braso at kamay niya, ay bakit parang totoo na may kayakap siya, at nooy nagmulat ng mata si Abby, pagmulat niya ng mata ay nasilayan niya roon sa tabi niya si Vince, napabalikwas siya ng bangon.
.
Abby : Vince!!!!
Vince : Good morning love!!
Abby : n-nandito ka?
Vince : oo.
.
Kinusot ni Abby ang mata, baka naaalimpungatan siya, tinapik tapik niya ang kanyang pisngi dahil baka naman daw na hindi pa siya gising, at baka nananaginip pa din daw siya.
.
Abby : Hindi ba ito panaginip(mahinang sabi niya)
Vince : Hindi love, totoong nandito ako.
Abby : hindi?
Vince : oo love, bakit? Ako ba yong nasa panaginip mo kanina nong nagsasalita ka.
Abby : ha, ano ako nagsasalita?
Vince : oo, sabi mo pa nga, mahal na mahal kita, ako ba yong sinasabihan mo nun.
Abby : uy, hindi ah.
Vince : ah, may ibang Vince pa pala!!
.
At noon ay labis na pinamulahan si Abby ng mukha, ibig sabihin yong sinasabi niya sa panaginip niya ay naisatinig niya, at nooy labis siyang natataranta, kaya nag galitgalitan siya.
.
Abby : Hoy, Vince anong karapatan mong pumasok sa kwarto ko ng walang paalam.
Vince : love nagpaalam ako kay Alvin, at pumayag siya.
Abby : ano?? Pumayag siya!
Vince : at saka ano naman ang sama dun, fiance kita.
Abby : Hoy Vince, baka nakakalimutan mo nagpapanggap lang tayo.
Vince : oo alam ko naman yun.
Abby : at saka, huwag ka basta bastang pumapasok sa kwarto ko, paano na lang pala kung naka hubad pala akong natutulog, e di nakitaan mo na ako, hoy, kahit bakla ka, lalake ka pa din!!
.
At nag alala si Abby, naalala niya na sinabi ni Vince na huwag niyang babanggitin na bakla ito, dahil hahalikan siya nito, mabilis siyang lumayo kay Vince, si Vince naman ay nangingiti sa kanyang isip.
.
Vince : sige, lalabas na ako, hintayin na lang kita sa labas.
.
Hindi na kumibo pa si Abby, sinundan na lang niya ng tanaw si Vince hanggang sa makalabas ito ng kwarto niya, mabilis niyang inilock ang pinto, at nooy nakahinga siya ng mabuti, dahil kanina daw ay para siyang kakapusin ng hangin, dahil talagang ramdam na ramdam niya ang mga dampi ng labi ni Vince sa mukha niya, at sa isiping baka totoo na dinadampian siya ng halik ni Vince habang nananaginip siya, at dahil dun ay nagtutumalon ang puso niya sa kilig at tuwa,
.
Abby : abby, gumising ka, nananaginip kapa, nahihibang pa, nandito sa pilipinas si Macky, at si Macky ang totoong mahal ni Vince, kaya kayo magpapakasal ay para matupad ang gusto niyang mangyari ang maitransffer ang kompanya sa kanya at makasama niya ang kapatid niya, at kapag nangayri na yun, magagawa na niya ang gusto niya,...


ibubunyag na niya ang lihim magpapakatotoo na siya sa kanyang pagkatao, at ikaw iiwanan ka na niya at magsasama na sila ni Macky.
.
Sarili na lang talaga niya ang kanyang nakakausap sa problema ng puso niya, naroon na nman ang bigat ng kanyang nararamdaman, at hindi niya napigilan ang mga luha, lumuluha na na naman siya. At makalipas ang oras ay naihatid nasya ni Vince sa restaurant, ni wala man lang silang usapan na kung kelan ulit magpapakita si Vince sa kanya, at hanggang sa lumipas na nman ang maghapon at sumapit na naman ang gabi. Walang Vince na nagpapakita sa kanya, at hanggang sa oras na naman ng pag uwi niya, iniisip na lang ni Vince na sobrang busy ito sa trabaho kaya madalang na itong magpakita sa kanya, at hanggang sa sakay na ulit siya ng taxi, at nasorpresa si Abby dahil ang taxi driver ay si Joebert ulit.
.
Joebert : abby hija.
Abby : t-tito Joebert!
Joebert : buti kilala mo pa ako.
Abby : opo naman, hindi ko po kayo makakalimutan.
Joebert : kumusta ka na?
Abby : ayos naman po. Kahit medyo nasasaktan ako.
Joebert ; Hija, kung ako sayo ipaglaban mo yong nararamdaman ng puso mo, ipaglaban mo kung talagang mahal mo.
Abby : hindi ko po alam kung kaya kong ipaglaban, parang takot po akong mareject, masasaktan lang po ako.
Joebert : Kapag nagmamahal ang isang tao gagawin ang lahat para makamit niya ang pag ibig nito.
.
Mahal ni Abby si Vince, kaya sa pagmamahal niya dito ay handa siyang magsakripisyo para sa ikaliligaya ng kanyang minamahal, at hanggang sa paglipas ng araw, dumating ang pagkkataon na nakaharap niyang muli ang mama ni Vince., nakaramdam siya ng pag aalala baka daw mamaya kung ano na naman ang sabihin sa kanya ng mama ni Vince.
.
Abby : M-Ma’am!!
Joanne : Abby!
.
Ngunit nagtaka siya dahil mukhang maganda ang awra ng mukha nito ng kaharap siya, wala ang mabalasik na tingin.
.
Joanne : Dito ka nagtatrabaho Abby?
Abby : o-opo ma’am.
Joanne : abby pwede bang makausap ka muna, okay lang ba kung maupo ka muna dito, hindi naman siguro magagalit ang amo mo kung magdedemand ako na kausapin ka.(nakangiting sabi nito)
Abby : ah opo, hindi po magagalit, mabait po ang amo ko dito.
Joanne : halika maupo ka muna.
Abby : Ah sige po ma’am.
.
Naupo si Abby sa tabi ni Joanne, dahil gusto ni Joanne na doon siya maupo, nanginginig si Abby dahil di mawala sa kanya ang pag aalala, dahil minsan na kasi siyang sininghalan ng mama ni Vince.
.
Joanne : masasarap ang mga pagkain dito ah, magagaling yong mga chef dito.
Abby : opo, magagaling po sila.
.
At nooy may isang pamilyar na boses ang narinig ni Abby.
.
Joebert : Abby Hija.
.
Nagulat si abby dahil sa boses. Sa isip ni Abby ay si Joebert iyon ang taxi driver.
.
Abby : tito Joebert ikaw po yan?
Joebert : oo ako nga.
Abby : pasensiya napo, kasi hindi ko po kayo masyadong nakikilala, kasi po gabi kong magkita tayo.
.
At naupo din si Joebert sa tabi nila, mas lalo siyang nakaramdam ng kaba, dahil bakit daw naroon si Joebert, kinabahan siya at mas nadagdagan ang pag aalala niya, dahil ang sekreto nila ni Vince ay nasabi niya dito, at hanggang sa–
.
Joanne : Ah abby si Joebert pala kapatid ko!
Abby : Po k-kapatid po ninyo si Tito Joebert!!
.
Nanginig sa takot si Abb, nabunyag na daw ang lihim nila ni Vince, at nooy di siya nakapag salita, nanlalamig siya sa takot sa mama ni Vince..
Joebert : pasensiya ka na abby ha, hindi ko nasabi agad sayo, na pamnagkin ko si Vince, pasensya na kung hindi ako nakapagpakilla agad sayo.
.
Nakikinig lang si Abby, pero di matanggal ang labis na pag aalala niya, tiyak na daw na baka magalit sa kanya si Vince dhil bunyag na ang kanilang lihim.
.
Joebert : Siguro hindi mo ako natatandaan noon sa bday party ni kuya rudy, pero ako natatandaan kita.
.
At ang tumatakbo sa isip ni Abby ay ang pagkakataong nga naman, totoo ang kasabihan na walang lihim na hindi mabubunyag, at walang baho na hindi sumisingaw ang amoy, ngayon bistado na sila.
.
Abby : Maam patawarin nio po kami ni Vince.
Joanne : Abby, ako ang patawarin mo.
.
Natigilan si Abby, tama daw ba ang narinig niya, humihingi ng tawad ang mama ni Vince.
.
Joanne : patawad kung may mga masasakit na salita akong binitawan sayo, siguro nadala lang ako kay Natalie, ngayon na nalaman ko na ang katauhan ng anak ko, hiyang hiya ako sayo, sorry abby!
Abby : Nangako po ako kay vince na hindi ko ibubunyag ang lihim namin, pero eto po kayo nalaman nio na nang dahil sakin.
Joebert : Hindi abby, bago sayo ay natuklasan na namin.
Joanne : oo abby, mula kay Vince ay narinig ko ang sinabi niya na bakla siya.
.
Gulat si Abby sa narinig niya Kay Joanne.
.
Joanne : nag aalala ako na baka malaman ng papa ni Vince ay matulad si Vince sa kuya niya.
Abby : alam ko na po ang tungkol sa lahat maam.
Joanne : Hindi na ako magtataka abby, matalik kayong magkaibigan ni Vince kaya alam mo na ang lahat sa buhay namin. Abby nakikiusap ako sayo, tulungan mo ang anak ko. At alam kong mahal mo ang anak ko, abby nakikiusap ako sayo, huwag mong sukuan ang anak ko, ipaglaban mo ang pagmamahal mo kay vince.
.
Hindi makapaniwala na sinasabi sa kanya iyon ng mama ni Vince..
.
Joanne : nakiki usap ako sayo abby, patuloy mo lang mahalin si Vince. Ang katulad mo ang kailangan ng anak ko Abby, please abby.
.
Hindi mapigil ni abby ang mga luha, hindi siya talaga makapaniwala na sasabihin iyon ng mama ni Vince. At hanggang sa yakap na siya ng mama ni Vince..
.
Joebert : oh ayan abby, dalawa na kami ni ate na magiging kakampi mo, dalawa na kaming magsasabi sayo na ipaglaban mo ang pag ibi mo.
Joanne : abby, hindi alam ni Vince na alam ko na ang lahat, manatili na lang munang lihim kay Vince na hindi ko pa alam ang pagkatao niya, huwag mo sanang sabihin sa kanya, kasi baka mamaya maglakas ng loob iyon na ipagtapat sa papa niya. Natatakot ako na baka hindi siya matanggap ng papa niya.
Abby : opo makaka asa po kayo.
Joanne : maraming salamat abby!
Abby : wala po yun ma’am,.
Joanne : abby, gusto kong tawagin mo din akong mama, gaya ng gustong ipatWag sayo ng asawa ko na papa, dapat mama din ang itawag mo sakin.
Abby : p-po!!(gulat niyang sabi)
Joanne : oo naman, Hija, alam mo, nakokonsensiya talaga ako sa mga ipinakita ko sayo, kung bakit ba naman kasi yang Vince na yan, kung sinabi lang sana sakin agad di sana, hindi ganoon ang trato ko sayo, ikaw pa pala ang tutulong sa anak ko..
.
Sa pag uusap nila ng mama ni Vince, ay nabawasan ang kanyang inaalala, at natutuwa siya sa mga ipinapayo ng mama ni Vince, at Hanggang sa paglipas pa ng mga araw, nasa isang mall si abby sa furniture store, may nakita siyang di inaasahang tao, si Macky ito at may kasamang babae, at mukhang may binibili din ito, at ganun na lang ang gulat niya ng marinig niyang tawagin si Macky ng babae na Babe.
.
Abby : Ano babe?(sambit niya)
.
At noon ay nakita na siya ni Macky..
.
Macky ; oh hi Abby, nandito ka din.
Abby : o-oo.
.
At nooy mula sa harapan nila ay tinawag ng babae si Macky ng babe, at tinawag din ni Macky ng babe ang babae,
.
Macky : ah babe si Abby, Fiancé ng bestfriend ko, Abby girlfriend ko si Hannah
Hannah : Hi.
Abby : Hi,
.
Hindi nagpakita si Abby ng pagkagulat sa harap ng babae, pero sa isip niya ay gulat na gulat siya! Nagpasalamat si Abby at nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Macky dahil nagpunta ng ladies room si Hannah..
.
Abby : Macky, anong ibig sabihin nun. Niloloko mo si Vince.
Macky : Abby, hindi ko niloloko si Vince, anong gagawin ko may mahal na siyang iba, at saka may mahal na din akong iba, si Hannah,.
.
At nooy naroon na si Hanna kaya nahinto na sila sa pag uusap.
.
Ang pakay ni Abby na bibilhin ay di na niya nabili dahil sa kanyang nalaman kay Macky, nagtatanong ang isip niya kelan pa nagkahiwalay ang dalawa. Parang kay bilis naman yatang naipagpalit ni Macky si Vince, at sino daw ba kaya ang bagong mahal ni Vince, may ibang lalake na naman daw ba kaya sa buhay ni Vince. At sa paglipas pa ng araw, sobrang dami na naman ang mga costumer nila aligaga ang lahat dahil madaming pumapasok na costumer, hamggang sa pagsapit ng gabi ay madami pa ding mga costumer, hindi na nga nakuha ni Abby na lumabas ng kusina at hanggang sa —
.
Waiter : ma’am abby, may costumer po na nagrereklamo sa labas..
.
Abby : ano? Bakit nagrereklamo?
Waiter : hindi ko po alam, ma’am basta po hinahanap po yong may ari.
Abby : sige tawagin mo yong may ari ng restaurant nato.
Waiter : Eh maam diba kayo po ang may ari..
Abby : ha ako ba?
Debbie : naku, baka mamaya gimik lang yan, sasabihin ” hindi ako magbabayad dahil may ipis yong pagkain ninyo”
Abby : eh kung ganun, sabihin mo na huwag na siyang magbayad, libre na natin sa kanya yun.
Waiter : eh ma’am kanina pa po nangungulit sakin yun eh, kapag hindi daw po kayo lumabas dun ay makaktikim daw po kayo ng sapak.
.
Nag init ang ulo ni Abby, pagod na pagod na nga lang daw siya tapos may tinotoyo pang costumer.
.
Abby : sinabi niya yun?
Waiter : opo ma’am.
Abby : ano ba yun babae o lalake?
Waiter : Lalake po ma’am.
Abby : siraulo siya, makikita niya sakin, makakakita siya ng bituin..
.
At hanggang sa paglabas ng pinto si Abby ay biglang nawalan ng liwanag ang loob ng Resaturant,at bakit daw ba wala man lang siyang naririnig na nagsasalita na mga tao kahit na mahina.
.
Abby : nasan ba yong maintenance bakit hindi inaayos ang ilaw, nakakhiya naman sa mga costumer,(malakas niyang sabi)
.
Nasa Isang minuto na walang liwanag sa loob ng restaurant, at Hanggang sa bigla na itong nagliwanag, maliwanag na maliwanag, at laking gulat niya na ang tinatapakan niya ay may mga petals ng rosas na kulay pula. At mula sa dulo ng nakasabog na petals ay naroon si Vince na nakatayo.
.
Abby : V-Vince!
.
May hawak itong isang malaking bouquet of flowers, at hanggang sa palapit ito sa kanya, ilang araw niya rin itong hindi nakita, miss na miss niya ito, at hanggang sa palapit ng palapit si Vince sa kanya.
.
Vince : Hi Love, flowers for you.
.
Kinuha niya ang bulaklak na ibinigay sa kanya ni Vince.
.
Abby : ano to?
Vince : bulaklak.
Abby : ang ibig kong sabihin, bakit may pabulaklak- bulaklak ka pa, at bakit may pa petals kapa?
Vince : ah yun ba..
.
At Hanggang sa nagulat si Abby, dahil bigalang lumuhod si Vince sa harap ni Abby, at tumambad sa paningin ni Abby ay isang kahon na maliit, at iyon ay Binukasan ni Vince. At nakita niya roon ang napakaganda at kumikinang na sising, at malinaw na sa kanya ang nangyayari, nagpo propose si Vince ng kasal sa kanya, namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata, at hanggang sa nahagip ng mga mata niya ang mga magulang ni Vince, at ganun din ang tatay niya, nagulat siya at hindi niya akalain na naroon na naman ang tatay niya, at sa mga oras na iyon ay hindi na niya mapigilan ang luha, nag uunahan ng bumuhos ang luha niya, hindi dahil sa saya, kundi dahil sa nakokonsensiya siya dahil niloloko niya ang tatay niya, wala siyang dahilan na mag saya dahil ang lahat ng iyon ay isang napakalaking kasinungalingan, isang peke!! Iyon ay parte ng kanilang pagpapanggap!!!
.
Itutuloy..
ipagpaumanhin po ninyo ulit ang mga maling spelling, namadali po ako sa pag gawa ng chapter na ito, hindi ko na po ulit inedit, pinost ko na agad.. Salamat.♥️♥️♥️






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Hilda valenzuela

    nakakakilig…next po pls

Leave a Reply


top