Ang Manliligaw kung CAMPUS CRUSH PART 3


Ang Manliligaw kung CAMPUS CRUSH
Writer : Siera Writes
Genre: Teen-fiction, Romance
PART 3
Analisa Pov’
“B-bakit?” tanong ko ng maharap sa kanya.
“Analisa right?”
“H-ha? Oo ako nga.”mahina kung sabi saka napayoko hindi ko siya kayang tingnan lalo n’at may mga matang nakatingin sa akin ng masama.
“E-excuse me.” utal kong sinabi saka tumalikod sa kanya at Nagmamadaling bumaba sa hagdan.
“Ana wait!.” sigaw ni Zara napatigil siya sa harap ko habang humihingal. “Ano bang nangyayari bakit bigla ka na lang tumakbo?”
“W-wala tara na.” sabi ko saka siya hinala.
“Anong wala? Trip mo lang tumakbo ganon?! Ikaw ha hindi moko maloloko” sabi nito at tumigil sa harapan ko.
“H-huwag na lang natin itong pag-usapan t-tara na” pagkumbinsi ko sa kanya.
“Fine! Hindi na kita pipilitin pero pag may problema ka sabihin mo lang sakin ha?” Nag-alala niyang sambit.
Tumango ako saka nagpasalamat.
“Oh siya bye na bukas ulit.” sabi nito at hinalikan ako sa pisngi saka pumasok na sa sasakyan.
Nagsimula na ulit akong maglakad sa gilid ng daanan.
Nang marating ang bahay saka ako kumatok sa pintuan.
“Sandali lang tatapusin ko lang ‘to” sigaw nito kaya umupo muna ako sa gilid habang naghihintay na buksan ang pintuan.
“Oh Anak kumusta ang pag-aaral mo?” bungad na tanong ni mama ng mabuksan na ang pinto.
“Mabuti naman Ma.”sabi ko habang kinukuha ang palad niya at nilagay sa aking noo.
Tumango lang si Mama saka ako tuluyang pinapasok sa loob.
“Magbihis ka na lalabhan ko pa iyang uniform mo.”sabi nito habang nililinisan ang lamesa
“Ako na lang ma. Magpahinga ka na muna alam kong napapagod kana kakalinis dito sa bahay tapos may trabaho ka pa bukas.” i said habang tinatanggal ang suot kung medyas.
“Huwag na aasikasuhin mo na lamang yang pag-aaral mo saka hindi pa ako napapagod.”
“Mama naman kahit sabihin mo pa yan hindi naman ako maniniwala kitang kita ko kaya ang pagod sa mukha mo” sabi ko habang lumalapit sa kanya at niyakap siya sa likuran.
“Sus kahit pa napapagod na ako hindi ko naman iyon maramdaman lalo na’t ikaw ang dahilan.”
“Si mama talaga oh.” sabi ko natawa lamang si mama “Huwag kang mag-alala ma kapag ako nakapagtapos ng pag-aaral hinding hindi mo na kailangan pang magtrabaho ako na ang bahala sa lahat.” nakangiti kong sabi.
“Siguro kung buhay pa ang iyong ama sigurado akong proud na proud siya sayo dahil sa ganyan kana mag isip hindi katulad ng mga kabataan ngayon
umaasa lang sa magulang hindi na iniisip ang magiging kinabukasan nila.”
“Siguro nga ma.” nalulungkot kung sabi.
“Oh siya Magbihis ka na ako na muna ang maglalaba sa uniform mo at magpahinga ka muna galing ka pa sa paglalakad ayaw mo naman kasing gamitin ang pera para sa pamasahe mo pauwi.”
“Ma gastos lang yan.” nakanguso kung sinabi.
“Ang sabihin mo nagtitipid ka lang kaya ayaw mong gastusin” sabi nito
“Tsk aakyat na ho ako.” sabi ko habang bumalik sa upuan at kinuha ang bag kung nakalagay roon.
Lumapit ako sa hagdan at nagsimula ng umakyat. Agad akong pumasok sa kwarto habang nilalagay sa isang table ang dala kung bag At saka nagbihis na rin ng malabhan na ito ni mama.
Nakahiga na ako ngayon sa kama habang nag iisip kung ano ang pwede kung gawin.
Bumangon ako saka kinuha ang cellphone kung nasa table na malapit lang sa kama kaya hindi ko na kailangan pang tumayo.
Bumalik ulit ako sa pagkahiga habang binubuksan ito. May mga biglang nag notif sa cellphone ko pagkabukas ko palang ng data.
Napangiwi ako ng makitang mga update lamang iyon ng mga artista na pina follow ko sa twitter.
Akala ko naman may mag memesage sa dami ng notifications na lumalabas.
Tumigil ako sa mga Trending na usapan ngayon.
Hindi naman ako interestado sa mga trending pero ewan ko ba may kung ano kasing nagtulak sa akin na tingnan ang mga trending na topic ngayon.
Napatigil ako sa pag scroll ng may isang account na nakakuha ng attention ko.
Tristan
@tristan_adler
19 | future lawyer | 🏀 Teamwork makes the dream work.
14 following — 10,670 followers
Hindi na ako nagulat pa kong marami rami narin ang followers niya kung sabagay isa nga siya sa tinaguriang campus crush ng campus namin.
Napabaling ang attention ko sa bago niyang tweet mukhang kanina lang pinost.
Tristan @tristan_adler
She really captured my interest huh?
Napakunot ang noo ko roon. Tiningnan ko naman ang mga nag rereply sa tweet nya.
Hendrix @hendrixxx_
@zacharawr @iamruin binata na ang lider 😿
Zachary @zacharawr
may pinariringgan👂
Ella @justcallmella
Wag kayo, Ako na yan!!!
Akeia @akeiaxi
OMG who’s that girl?! 😭
Jilian @prrty_jilian
@avieee ayieee ikaw na to girl!!!!
Avie @avieee replied to @prrry_jilian
hindi ah.
Jilian @prrty_jilian replied to @avieee
Anong hindi?! Ikaw yan! 🙄
Karyle @karyll
Sabaok si “She” 😢
Flora @florawerr_
Yong nerd na girl yan sure ako. 😔‼️
Crystal @crystl replied to @florawerr_


/> Oo nga siya yong kanina diba? 😲
Napataas ang kilay ko ng masali na ako sa usapan.
Nawala saglit ang atensyon ko roon ng tawagin ako ni mama.
“Ana kakain na bumaba kana riyan”
“Pababa na ho.” sigaw ko saka nilagay ang cellphone sa lamesa at nagmamadaling lumabas.
________
The next day maaga akong bumangon saka nagbihis pagkatapos kung maligo.
“Ma kumain kana ho.” sabi ko habang inaayos ang sarili sa salamin.
“Oo, ikaw ba Tapos ka nang kumain?”tanong nito habang papalapit sa akin saka ako sinuklayan sa buhok alangan naman sa mukha.
“Kakatapos lang ma, ako na po rito kaya ko naman kumain kana ho.”sabi ko saka nilingon si mama na nasa aking likuran.
“Ana anak hindi mo naman kailangang itago ang sarili mo araw araw sa malaking salamin na yan maganda ka bakit hindi mo kayang ipakita sa kanila iyan.” sabi nito habang tiningnan ako sa salamin kung saan nakatingin rin ako roon.
“Ma naman huwag na ho nating pagtalunan ito alam niyo naman siguro diba ang rason kung bakit ako nagkakaganito ngayon.”
“Oo anak alam na alam iyon ni mama pero kasi nag-alala lang ako na baka masanay kana sa ganyang gawain araw araw.”
“Ma huwag na ho kayong mag-alala darating rin ang araw na kung saan makakaya ko na silang harapin na wala ng malaking harang sa mga mata.”sabi ko mukhang nakumbinsi ko naman si mama dahil natigil na ito sa aktong pagtatanong.
“Oh siya baka malate kana dalian mo na riyan.”sabi nito saka naglakad papalayo
“Yes ma.”
________
“Ana girl! may ibabalita ako sayo.” bungad na sigaw ni zara ng makapasok na ako sa campus ang aga naman nito halatang kanina pa ako hinihintay.
“H-ha? ano ba yon?” i said ng makalapit siya sakin.
“Usap-usapan na dito sa campus ang tungkol sa nangyari niyo kahapon oo nga pala ikaw ha! kaya pala ayaw sabihin ang nangyari at bigla na lang tumakbo isa palang campus crush ang nakaharap mo kahapon.” sabi nito habang pinanglalakihan ako ng mata.
“At ang worst pa riyan si TRISTAN pa talaga omggg ka girl! Alam mo bang ang daming nagalit sa ginawa mo kahapon.”
“H-ha n-nagalit? bakit may ginawa ba akong masama?” kinakabahan kong tanong.
“Aba ewan ko sayo! bigla bigla ka nalang daw kasing umalis kaya nagtaka silang lahat kung bakit.. alam mo naman siguro na ginagalang nila rito sila tristan?! diba?”
Napahilamos na lamang ako sa mukha Oh fvck oo nga pala bastos ang tingin nila sa ginawa kung biglang pag alis kahapon.
“Saka ito pa may usap usapan na pangalan mo raw yong nasa last sentence ng bio ni tristan sa twitter.” sabi nito habang nanunukso ang mga mata.
“Ano?! Anong bio ang sinasabi mo? ang sa pagkakaalam ko ‘Teamwork makes the dream work’ yong last sentence ng bio niya?”
“Pano mo nalaman? iniistalk mo siya ‘no? uyyy!”
“Che! Nakita ko lang sa feed yong account niya dahil narin siguro curios ako kaya binuksan ko na.”
“Ano ka ba hindi mo naman kailangan mag explain nagmumukha kang guilty girl!” sabi nito saka tinawanan ako tiningnan ko naman siya ng masama psh bahala nga siya jan.
“Wait! ito naman walk out agad?! Ganito kasi yon nag chi-change siya ng bio kahapon ng ‘Graced with God’s bounty’ alam mo naman siguro meaning non sa latin diba?” sabi nito dahilan para matigil ako sa paglalakad.
Analisa…. Napailing ako sa sarili of course no marami kaming analisa impossibleng ako iyon.
“Marami kaming analisa rito sa campus kaya imposibleng ako iyon.”sabi ko.
“Yon na nga girl eh! Ikaw pa lang ang pinapansin niyan dito sa school bukod sa mga kaibigan niya!”panay ang iling ko sa bawat lumalabas sa bibig niya.
“No way.”
“Yes way! sige nga sino yong twineet niya kahapon sa twitter na ‘She really captured my interest huh’—”naputol ang kanyang sinasabi ng may biglang sumingit.
“Si Avie iyon bakit may angal ka?”
“Sino kaba? Biglang sisingit hindi naman ikaw yong kinakausap” sabi ni zara habang nakataas ang kilay sa kay jilian.
“Let me guess? Bago ka lang dito no? Hindi mo man lang makilala ang tinaguriang queen bee ng campus”sabi nito saka iniikot ang mata.
“Queen bee? Reyna ng mga bubuyog ganon?” nagtataka nitong tanong.
“Aba’t wala kang galang ha?!” bulyaw nito kay zara kaya bago pa lumala ang away hinila ko na si zara papalayo.
“Bakit ka galang-galang ka ba?!” sigaw nito kaya tinakpan ko na ang bibig niya bago pa magalit ng tuluyan si jilian.
“Ano kaba huwag kang gumawa ng gulo hayaan mo na siya ganyan lang talaga pag uugali niyan.” bulong ko kay zara.
“Hayaan? Really Ana?! Eh akala mo naman kung sino kung umasta reyna lang naman pala ng bubuyog akalain mo yon?”sarkastik nitong pagkasabi.
Natawa na lamang ako sa pagmamaldita nito.
“Kainis! Tara na nga bago pa masira ng tuluyan ang araw ko.”sabi nito saka hinila ako sa loob ng building.
Part 4
Next or Delete?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top