“Mr. Defuente.” bati sa kanya ni Henderson Strevillo pero may kapaitan na nababalot sa boses ng matanda.
Mabuti nalang dahil tinanggap ni Henderson ang pakiusap niyang mag-usap silang dalawa.
Tinanggap niya ang wineglass kay Henderson. Tinignan niya ang laman no’n at pinaikot.
“Huwag kang mag-alala. Hindi ko nilagyan ng lason ‘yan. Kung gusto man kitang patayin, iyon ay sa mismong kamay ko, Defuente. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa anak ko.” Henderson’s jaw clenched.
Swabeng sumimsim si Haje sa wineglass. Tumingin siya kay Henderson pagkatapos.
“I love your daughter.” walang paligoy-ligoy na amin niya.
“Sinabi din ba ng anak kong mahal ka niya?” nakangising tanong ni Henderson.
Umiling siya na mas lalong ikinangisi ni Henderson. “Pero gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako.”
“Hindi pinipilit ang pag-ibig. Tandaan mo ‘yan, Defuente. Pareho nga kayo ng nanay mo.”
Kumunot ang noo niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
Isinalaysay sa kanya ni Henderson ang nangyari noon. Pinasadahan ang buhok ng kanyang kamay matapos malaman ang katotohanan.
Why? Gusto niyang malaman kung bakit puro kasinungalingan ang itinatak ng kanyang ama sa utak niya tungkol sa pagkamatay ng mga ito.
Nakagawa siya ng kasalanan sa taong walang ginawang masama sa pamilya niya.
Henderson tapped his broad shoulder. “I’m sorry.”
“No. I should be the one to say sorry.”
“Kalimutan na natin ang nakaraan. Tapos na iyon ng kabanata ng ating buhay.”
Tama si Henderson. Kalimutan na nila ang masamang nakaraan. Nung makaharap niya si Henderson kanina ay hindi siya naramdaman ng galit dito. Pumunta siya sa opisina nito para humingi ng tawad at para kay Threia.
“Kung may magandang naidulot man iyon ay para magkilala kayo ng anak ko, Defuente.”
Umangat ang tingin niya kay Henderson. “Pumapayag ka na ligawan ko si Threia?”
“You got my approval, Defuente. Just don’t hurt my daughter.” sabi ni Henderson.
“I won’t, Strevillo. I love her so much more than anything in this world.”
Ngumisi si Henderson. Inangat niya ang wineglass niya.
“Cheers for the new beginning.” They pa said in unison.
“TARA NA, Kuya.” sabi ni Threia. One of her bodyguards open the door for her. Katatapos lang ang dinaluhan niyang charity party. Dahil nasa ibang bansa ang kanyang ama ay siya ang inutusan nitong pumunta as a representative ng Strevillo.
Pumasok na siya sa back seat.
Habang nasa gitna sila ng daan, tinignan niya ang kanyang cellphone kung mayroon bang mensahe sa kanya si Haje.
Threia pouted her lips. Naiinis siya kay Haje. Ilang araw na itong walang paramdam dahil nasa ibang bansa para sa itatayong bagong business.
May cellphone naman ito para dalhan siya ng mensahe ngunit hindi ginawa ng binata.
Masyadong busy sa ibang bansa, hmp… bulong niya sa sarili.
“What the! Bakit bigla kang huminto?”
“May humarang sa atin, Ma’am.” pati ang driver niya ay nanginginig sa takot.
Oh, God! Bakit tila naulit muli ang nangyari no’ng gabing ‘yun?
Takot na takot siya. Paano siya makakatakas ngayon? Noon nga ay hindi niya nagawa, ngayon pa kaya na hindi niya magawang igalaw ang katawan niya dahil nanginginig siya sa takot.
No, not again…
“Tauhan po pala ni Mr. Defuente, Ma’am.” agad na sabi ni Kuyang driver.
Umangat ang tingin niya at tinitigan ang harapan.
Nakita niya si Vin na palapit sa kanila.
Nakahinga siya ng maluwag.
Subalit mabilis nagbago ang mood niya nang makita si Haje na nakasunod kay Vin.
Akala ba niya nasa ibang bansa pa ito? At sa susunod na linggo pa ang balik?
Binuksan ni Vin ang pintuan sa banda niya. “Good evening, Ma’am.”
Padabog siyang bumaba ng sasakyan at sinalubong niya ng suntok si Haje sa dibdib. Tumatawa naman sinasangga ni Haje ang suntok niya.
“I hate you! Muntik mo na akong pinatay dahil sa takot.” naiiyak niyang aniya.
Nanlambot ang mukha...