When a Single Mom meet the HOT CEO Continuation of Chapter 4


Continuation of Chapter 4 (When a Single Mom meet the HOT CEO)
___
Kate’s POV:
Naging plastik ako sa oras na ‘to at nag-aktong mabait sa lalaki.
Alang-ala kay Michael, I will do my best just to make him comfortable.
Hindi ko naman siya masisisi dahil simula sanggol, wala na ang papa niya.
Iniwan ako ng pesteng ‘yon, nung nalaman nitong buntis ako.
Gano’n talaga, may mga lalaki na magaling kumama, pero kapag naging ama, tatakbuhan ka na lang na parang bula.
___
“Mama, dalian mo na ang pagluluto ha? Gutom na yata si papa.”, sigaw ng bata sa akin.
Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng adobo, habang sila ay naglalaro sa sahig.
Baril-barilan ang nilalaro nila, kaya masyadong nababalot ng ingay at sigawan ang bahay.
Napapailing na lamang ako sa tuwing nakikita ko, kung paano umaksyon si David para lang pakisamahan ang anak ko.
I know na napipilitan lang siya, but infairness, napapasaya niya si Michael.
Makikita ko sa mata nito ang umaapaw na kaligayahan.
“Kainan na! Time out na muna ang laro!”, bigkas ko habang kinakalampag ko ang takip ng kaldero at malaking kutsara.
Napatingin sila sa aking gawi, kasabay no’n, tumayo na ang dalawa.
“Come to daddy, son. Bubuhatin kita.”, saad ni David na kaagad sumakay sa likuran ng binata.
They look cute together.
Para silang mag-ama.
“H’wag mo ako masyadong titigan, baka mainlove ka, Manang.”, bulong ni David sa tenga ko nang ibaba niya ang bata.
Gusto ko sanang sapakin ang lalaki, kaso nandito si Michael.
Kaya napatiim na lamang ako ng panga para pigilan ang sarili.
“Papa, dito ka po, umupo. Tabi kayo ni mama.”, saad nito at hinihigit ang damit ng binata.
Nakakainis!
Bakit ba kasi napunta ang taong ‘to sa lugar namin?
Tsk.
“Honey, tatayo ka lang ba d’yan? Let’s now eat.”, ngising baling ni David.
Nakatayo pa rin kasi ako at tila walang balak na sumabay sa kanila.
“Oo nga mama, umupo ka na...


rin. Wag mong pahintayin ang pagkain.”, saad ni Michael dahilan para umupo na ako sa aking pwesto.
Nasilayan ko pa ang palihim na kindat ni David kaya awtomatikong kinilabutan ako.
“Alam mo mama, ang saya ko.”,
“–Ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng papa. Ang sarap pala kapag may papa, noh?”,
“–Sana totoong papa ko na lang siya.”, wika ng anak ko habang nginunguya ang karne.
“Baby, diba, bawal magsalita kapag may laman ang bibig?”, turan ko sa bata para patahimikin siya.
Ayoko kasing malaman ni David ang tungkol sa papa niya.
Because I hate it.
Naiinis ako kapag kinakaawaan ang sitwasyon namin.
Kaya ayon, tahimik kaming kumakain at halos nasa kanin at ulam lamang ang atensyon naming tatlo.
Kaso bigla akong natigilan nang hawakan ni David ang kamay ko.
Wala sa oras ay napaharap ako sa binata at tiningnan siya.
Kumabog tuloy ng mabilis ang puso ko nang unti-unti n’yang nilapit ang mukha nito sa mukha ko.
I don’t know why, pero kusang pumikit ang mata ko para hintayin ang labi niya na dumampi sa akin.
But suddenly, I heard him laugh.
“Hindi kita hahalikan. Aalisin ko lang ang butil ng kanin sa pisngi mo.”, saad niya dahilan para mapahiya ako.
“Pffft. Gusto yata ni mama ng kiss mo papa.”, sambit ni Michael na tila kinikilig.
Grrr.
“O-of course not. H-hindi ko gusto na magpa-kiss sa kanya. ‘Wag ka ngang magsalita ng ganyan, bab—hmm.”,
He kissed me.
Oo, hinalikan ako bigla ni David.
Smack lang ‘yon, pero ramdam ko ang lambot ng labi niya.
Like sh*t!
“Ayieeeh. Nagblush si mama.”, rinig kong saad ng bata.
Kaya ako na mismo ang kusang tumakbo paalis ng hapag-kainan at pumunta kaagad ng CR.
Juskoo!
Mukhang nasasaniban yata ang anak ko!
_____
A/N: I know some of you already done reading this. Pero hindi ko ‘to kinopya ha? Me and Binibining Timoji ay iisa lang po. Nagkataon na I’m using my real account here. Thank you!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top