Are you with me.. ❤️ Prologue


Are you with me.. ❤️
Prologue
Kinalakhan ni Andrea ang buhay na salat. Ang sumuot at kumain ng left over ng iba. Isang janitor at doorman ang kanyang ama sa isang malaki at may katagalan ng residential condo unit. Ang ina nya namay dumidiskarte bilang cleaner sa bawat unit na walag katulong. Minsan sila ng kuya nya ang tumutoka sa pagbibigay ng dyaryo at pandesal kada umaga sa mga pinto ng bawat unit,bilang trabaho ng ama nilang isang doorman. Minsan kasi ngkukumpuni ito ng mga sirang gamit bukod sa pagiging janitor. Iyon na ang naMulatan nilang pamumuhay kasama ng kuya at bunsong kapatid nyang lalaki simula nong lumipat sila don galing probinsya noong limang taong gulang pa lamang sya.
Nasa ibaba ang maliit nilang tinutuluyang espasyo, may dalawang maliliit na silid, may munting sala at lutuan at nasa sala na rin ang hapag kainan. May intercom sila na kung saan tinatawagan lang ng mga amo ang mga magulang kapag may iuutos o ipapalinis.
Tanda nya pang isang araw non napasilip sya sa bintana dahil sa narinig na sasakyang pumarada. Nakita nya ang isang batang kaedad nya na naihagis ang manika, Pupulutin na sana ito ngunit binigyan ito ng bagong bili ng knyang mommy kaya nong makapasok ang mga ito, dali dali syang lumabas at abot teynga ang ngiti nang kunin ang manika, sa wakas may mapaglalaruan na sya. Tanaw sya ng kanyang inang maluluha na bitbit ang mga pinamili ng mag asawa upang dalhin sa unit ng mga ito.
Natulugan ni Andrea ang paggawa ng knyang project. Bago natulog ang knyang ina sinilip sya nito sa kanyang silid at kimumutan
Napangiti itong kinuha ang manika sa ibabaw ng cabinet nya, hinimas ito at itinabi sa kanyang unan. Labing limang taon na ang nakalilipas naroon pa rin ang manikang iyon.
Pagod ang katawan ni Andrea ng magising.. Dali dali syang bumangon upang tapusin ang kanyang project .
.
“Magandang umaga Nay.. ”
“Kain na”
Sa pagmamadali Konti lang ang naisubo nya..
“Sige nay una na ako. Malilate na po ako..” Ginulo nya pa ang buhok ng bunsong kapatid
na papasok na rin sa elementarya.
Kahit mahirap ang buhay ay hindi nagkulang ang magulang sa pangaral at pagmamahal sa kanila. Yong hinahanap ng mga anak mayaman na atensyon ng magulang, siksik silang magkakapatid non.
Hindi mahahalatang anak ng tagapaglinis lamang si Andrea. Dahil sa itsura nitong may halong turko dahil sa may lahing turkish ang ama nya sa kalolololohan nito.
Bilugan ang mga mata nya na may malantik na pilikmata, matangos ang ilong at mapang akit ang anyo ng mga labi at flawless na balat. Maganda syang talaga . Idagdag pa ang pagbagay ng mga damit na isinusuot na bigay ng best friend nyang si Kianah, anak ng isang businesses man na nagmamay ari ng isang sikat na hotel. Nasa second floor lng ang unit ng mga ito. Iba iba ang desinyo ng mga unit sa loob nakadepende na sa may ari. Ang mga nakatira sa mga unit na yon ay di basta basta.
May angking talino kaya nakapasok sya bilang scholar sa prestehiyosong paaralan na halos mayayaman ang estudyante at galing sa kilalang pamilya. Dito rin kasi nag aaral ang ang anak ng amo ng magulang nya at tinulungan syang mkapasok sa scholar. Nasa 3rd yr na sya sa kursong Management. Dahil nong 1st yr at 2nd yr nasa probinsya sya nag aaral sa kanyang tyahin.
At ngayon kasalukuyan syang nasa plaza sa tapat ng campus habang kinakalkal ang kanyang bag, pag nasa public sya sa loob ng bag sya ng tetext kasi itinatago nya ang luma nang unit na cp. Minalas at nabangga pa talaga sya ng kotse, buti bag yong nasapol diretso nahulog at nagkapiraso ang knyang cellphone.
Agad lumabas ang nakabangga sa kanya at kinuha ang mga nahulog nyang gamit,sabay pag sorry nito.
Nakita nito ang cp nya..
“Ah..ano kasi pinaayos ko pa yong isang ginagamit ko talaga ” tsaka nya madaling inayos at nilagay sa bag ang mga gamit walang tingin tingin sa lalaki.
“Ah.. Heto. Sorry uli”
” Ano yan?”
Nakatingin lng sya sa nilahad nitong pera.
“Bayad ko sa nadamage ko.. Pambili mo ng cellphone.”
“Sinabi nang may iba akong cell phone! .”
Tsaka sya tumalikod.
“Sandali lang, tanggapin mo na, despensa ko sa nagawa ko.”
“Kung gusto mong makabayad at sinsero ka, huwag ka nang magmaneho!” mabilis ang yabag nyang lumayo dito..
Hindi talaga sya namamansin at isa lang ang naging close nya si Hannah na classmate nya rin.
Nasa 2nd floor sila, nakatingin sa ibaba na may mga estudyante ring paroot parito. Anglawak ng kanilang eskwelahan, may elavator din ito.
“So wala ka nang cellphone ngayon. “Ang sabi nya dito dati sentimental value meron ang cp nyang yon dahil bigay ng lolo nya na nasa probinsya.
“Ok lang may isa pa akong pinaayos.”
“Ang ganda ng fashion natin ngayon ha, tsaka patingin nga, wow made in Paris..lahat talaga bagay sayo”
” Salamat”
Habang nag uusap sila napansin nya ang kanyang itay na nasa ibaba at tila hinahanap sya, nakita nyang nakatsinelas lang ito, bigla syang kinabahan, at agad nagpaalam kay Hannah. Agad nya itong nilapitan
” tay? ”
“Oh. Buti at nakita mo ko? Kanina pa kita hinahanap, nag alala ako at di na kita makontak. Kaya kahit pinigilan ako ng nanay mo ay di ko maiwasang di ka puntahan.”
“Ah.. Ano kasi tay, nahulog yong cell phone ko kaya di nyo na ako nakontak. Ipapaayos ko pa po..”
” Ganyan pala ang sinusuot mo, gumagaya ka na sa mga nandidito, halos maghubad na.
Tay may coat naman ako.”
” Kahit na.. Ayusin mo ang pag dadamit mo.”
” Opo tay. Sige na po okay lang ako dito.”
” Oh sya, mag iingat ka, agahan mong umuwi ”
” Sige po kayo din.”
Mabilis syang nilapitan ni Hannah pag kaalis ng kanyang itay.
” Sino...


yon?”
“Ang tatay..”
“Tatay mo? ” bahid sa mukha nito ang pagkaintrega.
“Ah.. Oo ang tatay ko nagpadala ng driver pinatatanong kung bakit di ako makontak. Nag aalala lang”
” Ah.. So driver nyo yon, napaka caring ng daddy mo ha”
” Ah.. Oo,ahm cr muna ako han.”
“Ok.. Mauna na ako sa lab.”
Tumango lang sya at dumiretso na sa cr. Pag karating don. Sunod sunod nang pumatak ang kanyang mga luha. At hinarap ang sarli sa salamin. Sabay bulong sa sarili.
Napakasinungaling mo Andrea! Napakasinungaling mo!!
“Hey! Are you okay.”
Napatingin sya sa bagong pumasok habang pinupunasan nya ang mga luha.
Tumango lamang sya.
“By the way I’m Haide, one of Homer’s friend. Kilala mo naman siguro kami.”
Tumango uli sya. Tsaka inabot ang nakalahad nitong kamay
“Andrea Samonte”
Oo kilala nya ang mga ito, kilalang pangalan sa University. Pero hindi pa sila nagkakaengkwentro bat ngayong araw pa talaga,
” Sana mkapag bonding tayo some of these days, nakikita lang kita pero never had the chance to talk to.” maarteng sabi ng blonde na si Haide
“Ah.. Oo,ok.”
Pagsapit ng hapon, habang pababa sya ng hagdan nag abang si Homer kasama ng katropa sa ibaba..
Saktong pagbaba niya inabot nito ang cellphone sa kanya na tiningnan lang nya
” Bakit?”
“Bayad ko don sa nasira kong cellphone mo kanina.”
” Sabi ko Di na kailangan. Pwede huwag kang makulit! ” sabay talikod nya dito
Napanguso naman ito, na tinapik ng kaibigan.
Kinabukasan bago uwian, inimbita sya ni Haide nang mag snack ang mga ito sa cafeteria. Naroon din sina Homer at Carl na best friend nito. Silang tatlo nina Haide ay matalik na magkaibigan.
“Hi!” biglang napatayo si Homer at nakangiting tumingin sa kanya.
” P-pasensya na sa inasal ko, mukhang rude na.”
” A little bit.. Pero ok lang. Sorry din talaga, pero hindi pa ako nakakabawi.”
“Yeah.. Kaya libre mo na.” sabat ni Carl na ngingitingiti
Inilatag ng waiter doon ang menu. Napalunok sya ng makita ang laman non. Isa isa ng nag order ang tatlo.
” Ah.. Tubig lang yon sakin.”
“Hmm? Wala kang order? “Takang tanong ni Haide
“, busog pa ako tsaka wala akong nagustuhang iorder.” pagsisinungaling nya.. Kahit siguro tubig, gugustuhin nya na lang makainom sa classroom nila.
“Libre naman kita.. ”
“Tubig lang.. ”
Habang kumakain ang tatlo, halos di makalunok si Homer. Pero di rin naman nya mapilit kumain ang dalaga.
“Guys gusto nyong sumama? To Paris. May ticket ako for three. Si mom kasi ayaw pang umuwi pinapasunod ako don. 1 week lang naman.”
“Kahit ngayong gabi na ang flight.”
Ngumiti lang ang dalawa.
Parehas di pumayag.
“E di wag na lang. Ikaw Andrea, nakapunta ka na ng Paris?”
“Ah.. Hindi, sa America lang.”
“Ah really..”
Talaga, san banda? ” nakangiting tanong ni Homer
” Sa New York. Nag aral dati don yong kuya ko, nagbabakasyon lng kami don ng parents ko.”
“Ano yong lugar na napuntahan mo. Don din kasi ako nagstay dati, nong don pa si mama nakatira. ” masayang kwento ni Homer
“Hindi ako masyadong naglalabas e. ”
Ah.. Ok. “ang tamis ng mga ngiti nito na ginagantihan lng nya ng pekeng ngiti na ibinabaling ang tingin sa dalawa o sa mesa.
” San pala ang sa inyo Andrea.”
” Ah.. Sa Etti lang.”
” Don din ako, sa katabing building lang.
Excuse me cr lang ako” paalam ni Haide
Habang kinakausap sya ni Carl, magiliw lang na nakikinig si Homer.
“Anong tabaho ng papa mo”
“Ah.. Businessman.”
“Ah, anong business nyo.”
Ahm.. Ah.. Paiba iba. Mga goods lang,
“Ah ok..”
Nakabanggaan pa ni Haide si Lea ang kaibigan ni Andrea na tumulong mkapasok sya sa scholarship.
“Haharang harang taba!”
“At least hindi hahabol habol sa taong ayaw sa kanya!”Alam kasi nito na may lihim syang pagtingin kay Homer. Inismiran lang sya ni Haide at ngtuloy na ng cr.
Nagulat si Andrea ng mapansin si Lea. Na nakatingin sa kanya, gulat din ito.
“Andrea? Paanong? Anyways.. Mauna na ako. ”
Nginitian lang nya ito na parang matatae. Habang nakatingin lang ang dalawang binata .
Ilang sandali pa
“Mauna na ako, pakisabi na lang kay Haide.. ” paalam nya dito sabay tayo
“Ihahatid na kita” tumayo na rin si Homer
“Hindi na kailangan. ”
“I insist. Bro hatid ko muna.” tsaka nito kinuha ang bayad at inipit sa plato. At sumunod sa dalagang nagpatiuna na.
Kinindatan lang sya ni Carl
Habang nasa loob ng sasakyan wala silang imikan. Pero madalas syang sulyapan ni Homer minsan nahuhuli nya pa pag napapatingin din sya dito. Ngumingiti lang ito ng matamis.
Naiilang tuloy si Andrea. Gwapo si Homer alam nya yon, unang kita nya pa lang dito. May magazine nga sya sa ilalim ng higaan nyang maliit. Naroon ang picture ni Homer na nagmomodel. Na may caption na
“I’m a billboard that can walk”
Ang daming babae ang nahuhumaling dito, isa na don si Kianah ang best friend nya. Na di pa rin nakakapasok sa university nya.
Kaya puro tanong ito sa kanya kung nakikita nya ang binata. Umuoo lang sya. Pero ang totoo ngayon lng talaga sila nag kaengkwentro.
Ilang buwan pa lang din naman sya, at di sya masyadong nakikisalamuha.
At ngayon lang din sya napansin ni Homer.
“Dito na ako.”
“Malayo pa to sa Etti”
” Ilang lakad na lang naman, exercise ko na rin.”
“Ok.. “nahihipnotismo na yata ito sa kanya. Titig na titig at ubod tamis ng ngiti ng labi at mata ang mukha nito. Mas lalo itong gumwapo.
Kung andito lang si Kianah. Sigurado nagtatalon na.”
“Sige, lumakad ka na.. Titingnan kita mula dito. Hindi ako aalis hanggat di kita nakikitang pumasok. At least mapapanatag akong safe ka.”
Nginitian nya lang ito.
Kumaway pa ito ng lingunin nya. Kumaway na lang din sya.
Syempre di sya magpapakita na may humatid sa kanya, maiissue pa syA, malalagot sya kay tatay nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top