Arranged Married With My Personal Assistant Chapter 2


Arranged Married With My Personal Assistant
Writtenby:Luna
•Chapter 2:
Aiziel Point Of View:
Nakauwi na ko sa apartment Kung saan ako tumutuloy ngayon, Halos namimis ko na rin sila lolo at Lola sa Probinsya. Pero syempre kailangan Kung mag trabaho para sa kanila.
Kailangan Kung bumawi dahil sila iyong nag alaga sakin since birth ng iniwan ako ng mga magulang ko. May kumatok naman sa pintuan Kaya I open it.
Si Avery kasama ko rito sa apartment napakabait na Bata nito, senior high student palang siya. “Good afternoon ate Ziel”bati nito sa akin. “Bat yata nalate ka ng uwi?”Tanong ko, para ko na rin kapatid ang batang toh
“May activities lang po”Sagot Niya naman “Sure ba yan?”Tanong ko naman ulit “Yes po, sige ate pasok Lang ako sa kwarto ko”Sabi Niya at pumasok na sa Kwarto Niya
Pumasok muna ako sa Kwarto ko. Nang biglang tumunog ang cellphone ko may text.
‘For tomorrow agahan mo —your..’ Naputol ang pag babasa ko ng magdelete yung message, parang Hindi boss yung nilagay Niya eh
Tumunog nanaman yung cellphone ko.
‘For tomorrow agahan mo —your boss’
‘Ps.If nabasa mo yung kanina I get typo’
May pa ps pa si boss, Hindi ko naman na basa. Pero ok Lang typo Lang naman daw sabi Niya.
‘Hindi ko naman nabasa’ reply ko. He just give me a thumbs up emoji. Kaya ayaw Kung nagrereply.
Lumabas ako ng room ko at dumaretso na sa kusina para maghanda ng hapunan, nakahanda na si Avery. Nasa table na adobo bat ang bilis Niya naman nagluto.
“Dapat ako na Lang nagluto, napagod ka pa”sabi ko rito at nagsimula na siyang umupo “ok Lang ate, pagod ka alam ko”sabi naman Niya “pagod ka rin naman tsaka Baka nga-” Hindi Niya ko pinatuloy sa sasabihin ko
“Kain na Lang Tayo ate”sabi Niya naman.
Natapos na Kaming Kumain at naghugas ako after. Pumasok na ko sa kwarto pagtapos maghugas dahil tumunog ulit yung cp ko. Nagtext nanaman siya. Inopen ko yung message pero nabura na.
Magtetext text tapos buburahin Niya Lang!
Unknown number parin pala siya sa contact ko Ano kayang ipapangalan ko rito. ‘Boss Jc’ short for Josh Cyan Montefaro.

Dinilat ko na ang mata ko at kinapa ko ang cp ko may text nanaman siya. ‘6 am nandito ka na —Your boss’ chat Niya, tinignan ko ang oras, 5:30 na?!
Nagmadali na Kung maligo at nagbihis na...


ko Agad, Bakit kasi kaninang madaling araw Niya Lang sinabi diba. Dapat kagabi pa para nag alarm ako.
Lumabas na ko ng kwarto at bumungad sakin si Avery na nag aalmusal. “Kain muna ate”pang aaya nito sa akin. “Sige Lang, alis na ko mag ingat ka sa pagpasok”nagmamadali Kung Saad at lumabas na ng apartment.
Sana naman Hindi traffic. Pumara na ko ng jeep Agad Agad at Agad ng sumakay. Tinignan ko ang cellphone ko 6:20 na! “Kuya Wala na bang bibilis toh?”nagmamadali ko ng Sabi “ms Ikaw Kaya magdrive”Saad ng driver “sabi ko nga mananahimik ako”bulong ko sa sarili
Pagbaba ko muntik ko pa makalimutan mag Bayad. Patakbo Akong pumunta sa office Niya. Pagpasok ko sa office Niya nakatungo Lang siya sa Mesa Niya.
Napahawak ako sa dibdib dahil sa hingal, Aba pinapunta Niya ko ng maaga para sa Wala? Halos di pa nga ako nag aalmusal tapos tutulugan Niya Lang pala ako Aba naman.
“Ehem”ubo Kung kunwari para naman maramdaman niyang andito ako diba. Pero no effect tulog parin. Lumapit ako rito at tinignan ko siya.
Tulog na tulog nga siya. Tinignan Kung maigi yung mukha Niya ang gwapo pala nito ni Sir. Pero kahit na ang suplado parin Niya kahit gwapo siya.
Dinilat Niya ang mata Niya at magtama ang tingin namin. Umiwas ako ng tingin at lumayo ng bahagya. Tinignan ko siya at tinaasan Niya Lang ako ng kilay.
“Your late Ms. Laigrette it’s already 6:30 am”sermon nito sa akin, kasalanan ko bang kanina Lang siya nagtext diba. “Sorry sir, pero Bakit ba maaga mo ko pinapasok?”Tanong ko sa kanya.
“Wala I just want to know if marunong kang sumunod sa time call pero Hindi”sabi pa nito, Umirap ako sa kawalan “para Lang dun, nagmadali ako at Hindi na Kumain tapos para Lang talaga dun?”bulong ko sa sarili
“Your saying something ms. Laigrette?”masungit na Tanong nito sa akin “Wala sir”sabi ko na Lang. Tumayo na ito at akmang lalabas “pakitapon nung nasa Mesa”sabi Niya at tuluyan ng lumabas
Pumunta ako sa Mesa Niya at nakita ko ang isang empty cup of coffee. Kinuha ko na iyon at tinapon sa basurahan pero bago yun may nakita Akong mga pagkain na hindi pa talaga bawas, nasa basurahan? Aba sinayang Niya Lang!
Hindi ba Niya iniisip na andaming taong naghihirap sa mundo tapos siya tinatapon Lang yung pagkain. Hindi pa talaga siya bawas.
•To Be Continue





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top