ASTIG AKO EH!


ASTIG AKO EH!
[ T A K E . T I M E. T O. R E A D. T H I S ]
[ONESHOT. FICTION.COMEDY]
[❌WARNING, MAY MGA MASISILANG SALITA NA HINDI PWEDE SA MGA MATATANDA!❌]
******
Nandito ako sa loob ng kwarto ng amo kong lalaki na tawagin nalang natin sa pangalan na Blake, nakatulala ako sa higaan pagkatapos kong linisin ang kwarto nito.
Narinig ko ang pagpihit ng pinto at alam kong ang amo ko iyon pero dahil astig ako, nakatulala parin ako. Amo lang siya, alipin ako, oh diba ang laki ng kaibahan.
‘What the fuck!’ Umupo ang amo ko na si Blake sa gilid ko at naramdaman ko ang magaspang, malaki, malapad at maugat nitong kamay sa likod ko. Unti-unti akong namumula
‘Ano ba Georgia, tumigil ka amo mo ‘yan!’ Nanatiling tikom ang bibig ko, sanay na akong ganito ang pakikitungo ng amo ko sa akin. Hinimas ng amo niya ang ulo niya na ikinapikit ng mga mata niya, para siyang inaantok.
Sobra talaga kaming close ng amo ko.
“Georgia, how are you?” Wika ni Blake habang hinihimas parin ang likuran niya. Napatingin siya rito at nadatnan niyang nakatingin ang amo niya sa kanya habang may matamis na ngiti sa mga labi.
Dahil...


na starstruck siya hindi niya maiusal ang isasagot na ‘I’m fine, Blake’.
Buti hindi masungit ang amo niya hindi katulad ng iba riyan. Napakurap siya ng tumayo si Blake. Nagalit ba ito, dahil sa hindi niya pagsagot sa tanong nito?
Tumayo ako at sinundan si Blake, umupo ito sa upuang gamer nito, hinawakan ko ang braso nito, at nagpapacute.
Nagtataka itong napatingin sa akin, napaka-pogi niya talaga, napakasarap titigan ang mapupungay nitong mga mata na araw-araw niyang nakikita, ang matangos nitong ilong na hindi man lang nakalahati sa kanya, basta may nose, at ang labi nito, na parang hinihipnotismo ako para halikan ito.
Hindi ko napigilan ang sarili ko, umupo ako sa lamesang kaharap ni Blake at hinalikan siya dinilaan ang labi nito na alam kong ikinagulat niya.
“H-hey Georgia! Ahhahahaha! Baby calm down!” Anito ngunit nagpatuloy ako sa paghalik sa kanya, eh paki niyo ba? Astig ako eh.
“Stop Georgia, stop it baby, malanding pusa ‘to” Wika ni Blake na ikinatingin ko rito ng masama. Doon ako tumigil at inismiran ito.
Eh ano ngayon, kung pusa ako? Basta astig ako!
“Georgia! Hey, baby come back here!” si Blake, dahil tinalikuran ko ito.
“Meowww…Meowwwww!” (Suyuin mo ako!) Sagot ng malanding pusa.
THE END.
Written by: Donato Donny






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top