BEWARE THAT GIRL CONTINUATION FOR CHAPTER #09


“Oh narito ang criminal records niya baka may makuha kayo diyan” saka iniabot niya ang envelope na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Crisanto. Kinuha naman agad ito ni Parker.
“ Pero mag-iingat kayo sa operasiyon niyong gagawin, mahirap na pagnalaman nila ito” dagdag pa ni Clark. Sa totoo lang mukhang mabait naman si Clark kaya lang nakakainis rin.
“ Rosales pwede bang mauna kana sa kotse may pag- uusapan lang kami ni Clark” tumango lang ako bilang tugon. Humakbang na ang mga paa ko papunta sa pinto nang lingonin ko ulit sila saka sabi…..
“ Parker pagsabihan mo yang kaibigan mo na tumigil sa kakangiti hindi bagay sa kanya” sabi ko saka tumalikod na naka ngise. Pano ba naman kanina ko lang napansin yung kaibigan niyang panay ang ngiti di ko nga alam parang kilala niya ako.
“ Iba na talaga siya” mahangin na sabi nito habang may sumilay na malungkot sa labi.
“ Parker, pano na pag nalaman niya ang totoo? Anong gagawin mo?” tanong nito sa tahimik na katabi na binata.
“ Hindi ko alam” malungkot na saad nito. Napabuntong hininga na lang siya sa kawalan.
“ Kung malaman man niya ang totoo sana mapatawad niya ako sa ginawa ko” dugtong pa nito.
“ Nga pala pinapapunta ka ng ninong mo sa Ezperanza bar may pag-uusapan daw kayo at isama mo narin daw si Jasmin dahil gusto niyang makilala ito” mahabang lintaya nito. Sumeryuso rin ang kausap niya dahil ngayon lang kasi siya pinatawag nito.
“ Kumusta na pala ang pinapa- utos ko sa iyo? May nakuha kabang impormasyon tungkol kay Lucas?” habang seryuso paring nakatingin sa kausap.
“ Sa ngayon wala pa, pero wag kang mag alala susubaybayan ko ang bawat kilos niya” habang...


may kinuhang papel sa bulsa nito saka iniabot kay Parker.
“ Ano to?” tanong nito. Nangunot na lang ang kaniyang noo nang makitang nakangisi ang kausap may saltik siguro sa utak to’ng kausap niya.
“ Lokasyon niyan kung saan laging nakipag- negosasyon si Lucas sa lugar na lumang wearhouse” napatango na lang ang lalaki. Iba talaga ang lalaking to, madali lang makakuha ng lokasyon.
“ At pano mo nakuha to?” sabay taas sa isang papel.
“ Wala kabang tiwala sa akin, ako na kaya ito si Clark Montenegro” pagmamayabang ito sabay turo sa sarili.
“ Tssk!” asik nito saka naglakad papunta sa labas. May sinigaw pa kaibigan niya pero di niya na lang pinansin ito mahirap na baka matulad pa siya sa isang yun.
Nadatnan niya ang babae na nakasandal sa kotse habang nakapamulsa dahil kanina pa kasi hinintay ito. Napansin siguro ito ng babae at tumingin ito sa kanya.
“ Tapos na pala kayo akala ko gagabihin kayo sa pag- uusap niyo” pilisopong pahayag nito dahil siguro nainip na siya kakahintay sa lalaki sa labas.
Dumiritso ang lalaki sa kotse saka umupo sa front seat sumunod narin si Jasmin baka mapag-isipan nitong iwan siya mahirap na baka mapagod pa siya kakalakad. Sa front seat rin siya umupo. Nag seat belt rin siya para iwas aksidente.
Seryuso lang si Parker sa pagmamaneho habang nakatuon ang tingin sa daan. Bigla na lang pumasok sa isipan ko kung ano ang pinag- usapan nila. Ano kaya ang pinag- usapan nila? Tungkol saan kaya yun?
Tumahimik lang ako saka sinandal ang katawan sa may upuan. Ilang minuto rin ang tinagal nila sa pagbiyahe. Huminto ang sasakyan namin sa isang bar? Seriously bar talaga? Ano naman ang gagawin namin dito?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top