Bakit Ako? Kabanata 2


“pasok ka Long.. Wag Kang mahiya.. “, nakangiting turo ni Maam Arlene Priva sa upuang nsa sala.. “Ituring mo na itong sariling bahay mo”,
Ngumiti ako khit ang totoo ay nahihiya ako..
Ito ang unang araw ko sa kanila.. Dito na ko titira kapag may pasok ako sa bayan..
DahiL daw sa matalino ako ay kaya napagdesesisyonan niLang mag asawa na pag aralin ako..
Umupo ako sa upuang itinuro ni Maam Priva. Maganda ang bahay nila.. May mga mamahaling pigurin na naka display kumpara sa bahay namin …halata ang karangyaan dahiL sa sahig nitong naka tiles..
Inikot ko ang paningin ko.. Hinahanap ko si Sir Pio Priva..
Gusto kong magpasalamat ..
Pumayag na ko sa alok ng mag asawang teacher na ito dahiL ayaw ko ng dumagdag pa ko sa popronlemahin ni tito at tita lalo na’t apat na kmeng mag aaral dto sa bayan…
Umalis muna si Maam Arlyn at pumuntang kusina..
Samantalang ako ay tahimik na nagmamasid sa paligid ko..
Hinahanap ng Mata ko ang mga ampon niLa Maam at Sir Priva.. Gusto Ko din silang makiLala..
Namataan kong bumalik na si Maam Priva at may dala dala itong baso at pitseL..
Nakangiti itong niLapag ang pitsel at baso sa lamesang nandun..
“Meryenda ka muna Long.. Papunta na dto si Pio.. Tenext ko na umuwe na dahiL andto ka na “,
“Ah sge po salamat “, nahihiya kong saad saka kinuha ang pitsel saka nagsalin ng Juice sa baso..
Uhaw ma uhaw na talaga ako at kahit nakakahiya ay d ko nagdalawang isip pa para magpapiLit.. Saka ngayon lang ako makakainom ng juice na walang okasyon..
Sa bahay kse ay makakainom lang kme ng Juice kapag may okasyon..
Saktong paglapag ko ng basong ininuman ko ay ang pagpasok ng nakangiting si Sir Pio..
“Long.. Salamat nman at pumayag ka na pag aralin ka namin “, sabi agad nito pagkapasok sa pinto saka mahinang tinapik tapik ako sa balikat ..
Nahihiya talaga ako pero lubos ang pasasalamat sa puso ko..
” Pabor po yun sa akin para sa kinabukasan ko.. Maraming salamat po at ako ang napili nyong pag aralin “..maraming salamat po talaga maam at Sir Priva. “, nakangiting pasasalamat ko sa mag asawa sa harap ko ..
Ngumiti sila sa akin..
“Pagbutihan mo lang Long at wag maliligaw ng Landas para...


sa kinabukasan na hinahangad mo ay susuportahan ka namin sa abot ng aming makakaya “, nakangiting turan ni Maam Priva sa akin..”Saka Nanay at Tatay nlang ang itawag mo sa amin katulad ng tawag sa amin ng mga batang pinag aral din nmin.. “, dagdag pa nito.
“asan na po sila Maam.. Ay Nay? “, nahihiyang tanong ko..
May katandaan narin kse ang mag asawa ey.. Nasa 60’s na rin ata ang mga ito…
“ah yung mga ampon ba namin??umalis na sila.. Ang usapan kse ay kapag nakapagtapos na sila ng kolehiyo ay aalis na sila dto sa bahay para makapagsimula na para sa kani kanilang sariling tadhana. .ayaw naman kse naming pagnaka graduate sila ay intindihin pa nila kme dahiL may utang na loob pa sila sa amin .. Kaya ikaw kpag nakapagtapos ka na ay aalis ka na rin agad dto sa bahay… “, nakangiting sabi ni Sir Privo..
Tumango tango ako..
“Naiinitindihan ko po “,
“Oh sya sige.. Bilisan mo na jan at ituturo namin sayo ang magiging kwarto mo.. Saka nga pla long.. Gusto ko sanang ikaw n ang mag alaga ng mga halaman ko simula bukas “, saad ni Maam Priva .
Yun nga pla ang usapan. Mag aaral ako basta alagaan ko ang mga bulaklak na tanim nya..
Msaya akong tumango..
“opo “,
Nung gabing yun ay tahimik akong kumain kasabay siLa..
Tatlo lng kme sa hapag kainan.. At msasarap ang Ulam na nakahain..
Di ko maiwasang maisip ang mga kapatid ko pati sila tito at tita..
Sa bahay nmin. Kahit walang ulam minsan at madami kme sa hapag kainan ay masaya kmeng nagsasalo salo ..
Kunti lang ang kinain ko at ako na ang presentang magligpit ng pinagkainan namin..
Pumayag naman sila Maam at Sir..
Pagkatapos kong magligpit sa kusina ay agad kong tinungo ang kwarto na binigay sa akin ni Maam Priva..
Humiga ako saka nanalangin..
“Maraming salamat po sa mga biyayang binigay Nyo sa akin saka sa mga taong tumutulong sa akin para sa kinabukasan ko.. Da best po talaga Kayo Diyos ko.. Di nyo ko talaga pinapabayaan “, buong pusong usal ko sa panalangin ko bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko…
-itutuloy.
Paki antay nlang po ang next UD.
madami pa po akong ginagawa..
Wala pa po akong nasusulat..
49 Comments






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top