Sa panahon ngayon halos paulit ulit lang ang sistema, sasaya ka lang saglit pero babalik rin yung sakit.
“A-Aray! Ang ulo ko kumikirot!,”
Mabilis akong nanakbo sa direksyon ng boyfriend kong si Jacob. Nakahawak siya sa ulo niya.
“Mag pahinga ka muna. Masyado ka kasing tutok d’yan sa laptop mo,”
Anim na buwan ‘rin nang matagpuan ko si Jacob. Sumabog ang barkong sinasakyan n’ya noon at himala siyang nakaligtas pero sa lakas ng sabog ay nawalan siya ng alaala.
Hindi niya maalala ang pangalan niya pati na ‘rin ang lugar kung saan talaga siya papunta bago nangyari ang aksidente.
“Hon, Uminom ka muna ng gamot bago ka matulog para hindi na kumirot ‘yang ulo mo,”
“Pasensya ka na, Hon. Nagiging pabigat na ba ako sa’yo?,” nakayukong tugon niya.
“Syempre hindi. Mahal kaya kita kahit ano pa ‘yang sakit mo ako pa rin ang mag aalaga sa’yo,” tugon ko naman at hinalikan ng bahagya ang pisngi niya.
Syempre hindi pa ‘rin nawawala ang takot ko na baka isang araw magising na lang akong hindi na niya ako kilala.
Ganon na lang ang taranta ko nang marinig ang sigaw ni Jacob mula sa kwarto namin. Tulog siya nung iniwan ko.
Naabutan ko siyang nakaupo at nakahawak sa dibdib habang hingal na hingal.
“Hon? Bakit?! Anong problema?,”
“Nanaginip ako. Cristine. Cristine ang pangalan nung babae sa panaginip ko, may dala siyang baby umiiyak sila at sinasabing bumalik na daw ako sa kanila. S-Sino sila Hon?!,” naghahabol hininga niyang kwento.
“Shhh! It’s just a nightmare, Hon,” tugon ko at may pag-aalinlangan siyang niyakap.
Natapos ang maghapon at pagdating ng gabi ay niyaya niya akong mag date sa labas.
Pinaghila niya ako ng upuan at nginitian ako.
“Uhm Hon?,”
“Hmm? Ayaw mo ba dito?,” tanong niya.
“Ah no. Uh hon? Let me be your tenporary happiness while you are waiting for the right person,” tugon ko habang hawak ang kamay niya.
Nakita ko naman na may kinuha siya sa kaniyang bulsa at inilahad ang sing-sing sa’kin.
“Wala na akong balak pa’ng hanapin yung right person dahil nasa harap na kita,”
—
“Madam wala pa rin...