BANGUNGOT


BANGUNGOT”
By: Ken Anderson
[Basahing mabuti]
*******************
Alas-otso ng gabi. Naisipan ko nang magpaalam sa mga magulang ko upang matulog ng maaga para bukas magising ako ng maaga.
“Ma? Pa? Matutulog na po ako. Good night!”
“Good night din anak. Mag-pray ka muna bago matulog ha?”
“Okay po. Akyat na ako!” Tumango naman sila kaya umakyat na ako sa kuwarto ko at naupo sa kama saka sinimulang magdasal.
After kong magdasal ay nahiga na rin ako’t natulog. Pinikit ko ang mga mata ko at ilang sandali lang ay nakatulog na rin ako.
Habang mahimbing akong...


natutulog unti-unting nagising ang diwa ko ngunit nakapikit pa rin ako.
Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapagsalita. Kaya’t nagsimula akong magpupumiglas sa sarili kong katawan ngunit bigla akong may narinig na boses.
Tumatawa ito na parang demonyo. Nanggagaling sa kisame ang kaniyang boses at parang hinukay mula sa impyerno.
Feeling ko may pumipigil sa’kin upang ako’y magising. Naiyak nalamang ako at taim-tim na nagdasal.
Dahil sa pursigido na akong magising sa bangungot na ito’y nilakasan ko ang loob ko at tuluyan nga akong nagising sa katotohanang HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO.
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top