BANGUNGOT NG NAKARAAN


NASA HAPAG ako habang nakain ng aking pagkain ng marinig ko ang mga yabag nila mama at papa habang nag babangayan, lagi na lamang ganito yung tipo na lagi na lang sila nag aaway, laging nag babangayan na akala nila na walang anak na aapiktuhan, sa bawat away nila, sa bawat mura nila sa isa’t isa, na parang hindi nila ako nakikita na naapektuhan.

“ANO NANAMAN ITONG NAKITA KO SA CELLPHONE MO”galit nasigaw ni mama,

“WALA LANG YAN KATRABAHO KO LANG YAN” malumanay na sabi ni papa

“ANO WALA LANG NAKA AKBAY KA SA KANYA WALA LANG, SIGURO BABAE MO ITO NOH” nangangalitang sabi ni mama kay papa

“KUNG ANO ANO INIISIP MO, MAY ANAK NA TAYO’T LAHAT SA TINGIN MO GAGAWIN KO PA YANG ISIP MO HUH?” hindi makapaliwalang sabi ni papa sa mga sinabi ni mama

“KUNG HINDI KO NAKITA YUNG GANITONG PICTURE SA CELLPHONE SA TINGIN MO BA BUBUNGANGAN PA KITA HUH” nangangalitang sabi ni mama kay papa

“T*NGINA NAMAN STACY ILANG BESIS KO BANG SASABIHIN SAYO NA KATRABAHO KO LANG YAN” hindi na nakapagtipi sabi ni papa kay mama, na siyang kinagulat ng aking ina, at maluha-luhang tumingin ito kay papa

“HINDI MO AKO KAILANGN NA MURAHIN HUDSON” naiinis na sabi ni mama kay papa

“HINDI KA BA NAG SASAWA SA BAWAT PAG BUBUNGANGA MO SAKIN, KASI AKO SAWANG SAWA NA STACY, HINDI KA BA NAG SASAWA NA LAGI TAYONG NAG BABANGAYAN, MAY ANAK NA TAYO STACY KAYA NAMAN ITIGIL MO NA YANG PAG SESELOS MO KASI HINDI KO NAMAN GAGAWIN YANG MGA INIISIP MO” mahabang sabi ni papa

” HINDI NAMAN KITA BUBUNGANGAAN KUNG HINDI KO NAKIKITA LAHAT NG MGA PICTURE NA MAY KASAMA KANG BABAE”

“HINDI KO NGA MGA BABAE YANG MGA YAN, KUNG HINDI KA MAGBABAGO MAG HIWALAY NA LANG” sabi ni papa, na siyang nag-pagulat kay mama, pero nakabawi din ang aking ina sa pagkagulat at tiniganan ang aking ama

“KUNG YAN ANG GUSTO MO SIGE MAGHIWALAY NA TAYO” sabi nito habang dumadaluy ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.

Nagulat ako sa mga salitang binibitawan nila na para silang walang anak kung makapag desisyon sila ng ganun, unti unti kung nararamdaman ang sakit saking gintang dibdib na tipong sinasaksak at unti unti itong gumagapang sa aking kaliwang dibdib ko ramdam kung pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso hinahabol ko na din ang aking hininga, lagi ko to na nararanasan ngunit nawawala din ito pag katapos kung huminga ng malalim ngunit iba ngayon, ilang ulit akong humungi ng malalim ngunit lalo itong nasakit, unti unti kung nararamdam ang pagkahihilo, at namamawis na din ako.

“M-MA! P-PA!” nahihirapang tawag ko sa kanila, na nag patingil sa mga bangayan na akala wala ng bukas, dali dali silang lumapit sakin.

“ANAK ANONG NANG YARI SAYO” tanong agad sakin ni mama pag kalapit sakin.

“M-MA A-ANG S-SAKIT P-PO N-NG D-DIBDIB KO” nahihirapan na sabi ko

“JUSKO HUDSON HIHANDA MO YUNG SASAKYAN DADALHIN NATIN SI AMOS SA HOSPITAL” taranta namang lumalis si papa upang ihanda ang sasakyan.

“ANAK WAG MONG IPIKIT ANG MGA MATA MO HUH, DADALHIN KA NAMIN NI PAPA SA HOSPITAL” naluluhang sabi ni mama ” HUDSON BILISAN MO” natatarantang sigaw ni mama

“M-MA” napalingon si mama ng tawagin ko siya “M-MA K-KUNG M-MAWA—” pinutol nito sa sasabihin ko

“SHHHH HINDI KA MAWAWALA ANAK OK NANDITO SI MAMA AT PAPA HINDI KA NAMIN IIWAN” lumuluhang sabi ni mama ” ANO BA HUDSON ANG TAGAL MO YUNG ANAK MO” sigaw ulit nito, lumapit na sakin ang si papa para isakay ako sa sasakyan

“M-MA! P-PA! NATATAKOT AKO”

“SHHH WAG KANG MATAKOT ANAK NANDITO LANG KAMI NI MAMA MO OK, HINDI KA NAMIN PABABAYAAN OK, LAKASAN MO LANG ANG LOOB MO” sabi sakin ni papa habang nakatingin sa dinadaan naming papunta sa hospital, ng malapit na kami sa hospital, unti unti na lang bumigat ang mga talukap ng aking mga mata at ang huling narinig ko ay ang pag tawag sakin ni mama

Naalimpungatan ako sa ingay ng palingid, unti-unti kung minulat ang aking mga mata, napapikit ulit ako ng masilaw ako sa liwanag, ng nakapag adjust ako unti-unti kong minulat ang aking mata, pag kamulat ko inilibot ko ang aking paningin sa paligid, nag tumingin ako sa gilid ko nakita ko ang magulang ko na nag babangan nanaman.

“m–ma” mahinang tawag ko kay mama, napalingon naman ito sakin, at dali daling lumapit.

“Amos ayus ka lang ba? May masakit ba sayo? Yung dibdib mo hindi ba nakirot ulit?” sunod sunod na tanong ni mama sakin, ngunit kahit isa wala akong ginagot dun, kaya naman binalot ng kaba ang maamo nitong mukha “Hudson tumawag ka ng doctor” utos ni mama kay papa, wala nang nagawa si papa kundi tumawag ng doctor

Wala pang isang minuto dumating na si papa kasama ang doctor, lumapit ito sakin at inalalayan ako nitong umupo.

“Kamusta naman ang pakiramdam mo iho” mahinahong tanong dito sakin

“Ayus naman po hindi na po katulad kanina na nahihirapan akong huminga” mahinang sabi ko, tumango ito at hinarap ang mga magulang ko.

“misis ayun po sa results may butas po sa puso ang anak niyo” malumanay na sabi ng doctor sa aking ina

“Jukso Hudson” Napatakit si mama sa kaniyang bibig ng marining niya ito, ako naman ay tagtataka kung bakit ako nag karoon ng gantong sakit.

“paano nagyari yun doc nung pinanganak namn siya wala namn siyang ganun sakit paanong nangyari yun” nag tatakang tayong ni papa

“May history po ba sa family niyo ang may sakit sa puso” tanong naman ng doctor

“Meron yung Lola ko po” malungkot na sabi ni mama

“baka dun nakuha ng anak niyo ang sakit na ito” sabi ng doctor “pahina ng pahina na ang puso ng anak niyo misis kailangan niya ng donor upang mabuhay pa ito” dagdag pa nito “maiwan ko na kayo misis” nag paalam na itong umalis

“San tayo kukuha ng donor hudson” namomobremang tanong ni mama kay papa

“Mag hahanap ako Stacey wag kang mag alala”

“paano kung wala” mahinag sabi ni mama, at malungkot itong tumingin sakin.

“Amos! Anak! Lakas mo ang loob mo huh makakakiha din tayo ng donor mo” Sabi ni mama pag kalapit sakin, at niyakao niya ako.

“opo ma” nakangiting sabi ko dito.

Lumipas ang ilang buwan wala paring nakukuhang donor ang mag asawa, at pahina ng pahina na din ang puso ni Amos.

“Paano na hudson wala pa din tayong nakukuhang donor! Pahina na ng pahina ang puso ng anak natin” Sabi nito sa asawa

“Wag kang mag alala makakahanap din tayo”

“paanong hindi mag aalala! pag nakikita kung nahihirapan ang anak natin paano ako hindi mag...


aalala huh hudson!” pagalit na tanong ni Stacey sa asawa “Pag wala pa rin tayong nakanap na donor ako na ako mag dodonate” Sabi nito, at iniwan na ang asawa, at nag patuloy pa din itong naghanao ng donor

Kinabukasan wala pa din silang nahanap kaya naman napagpasiyahan ni Stacey na kausapin ang doctor ni amos.

“Doc ako na po ang mag dodonate ng puso para sa anak ko” Sabi nito sa doctor ng anak, kaya naman nagulat ang doctor sa sinabi nito

“Misis sigurado ka ba diyan sa desisyon mo” mahinahong sabi nito, napayuko naman si Stacey, pero hinirap niya ulit ang doctor.

“oo doc desedido na ako para sa anak ko! Gagawin ko ang lahat kahit kapalit pa ang buhay ko” Sabi nito, “ngunit doc may isa lang akong hiling”

“Ano yun misis” mahinahong sabi ng doctor

“Pwede mo bang ibigay mo ito sulat at cellphone ko sa aking anak” sabi nito at ibinigay niya ang sulat at ang cellphone

“masusunod misis, ang suwerte ng anak mo sayo misis, may ina siyang kayang ibigay ang lahat kahit kapalip pa ang buhay niya” Maramdaming sabi ng doctor

“mas masuwerte ako sa kaniya doc” nakangiting sabi nito,

“kailan mo balak umpisahan ang operation” Tanong ng doctor.

“Mamaya doc pag katapos kung sabihin sa kaniya na may donor na siya”

“Sasabihin mo ba sa kaniya”

“hindi doc away ko siyang makitang umiiyak” sabi nito sa doctor

“sige bibigyan kita ng ilang oras para kausapin ang anak mo” sabi nito at tinarikuran na siya dito, kaya naman pinuntahan na niya ang anak niya.

Sa kabilang banda, nakain si amos ng dumating ang kanyang ina na may malawak na ngiti sa mukha nito,

“Amos! anak! May magandang balita sayo si mama” masayang sabi ng ina niya sa kaniya.

“Ano po yun mama” Nakangiting din sabi nito.

“May donor kana anak” masayang balita nito sa anak

“talaga po mama sino po” nakangiting tanong ni amos sa mama niya.

“hindi siya ng pakilala eh! At least may donor kana diba” sabi nito sa anak

“opo ma! Pakisabi na lang mama sa kaniya na maraming salamat po sa kaniya” abot mata ang ngiti ni amas “at sorry din dahil kinuha ko ang puso niya” malungkot sabi nito.

“Wag kang mag alala hindi naman siya galit sayo ok” pagpapagaan ng loob na sabi ng mama niya, nagyakapan sila, ngunit naputol ang pag yayakapan nila ng dumating na ang doctor.

“nagkasetup na po ang lahat, kailangan na po nating simulan ang operation” magalang na tanong ng doctor, kaya ng tumayo na ang mama nito ngunit nag mahakbang na ito ay bigla na lang hinawakan ang laylayan ng damit nito.

“Ma san ka pupunta” Nalulungkot na tanong ito sa mama niya.

“dito lang si mama”

“ma nakakatakot po ako”

“Wag kang matakot, lagi lang nandito si mama ok”

“Ma bakit parang pakiramdam iiwan mo ako, please ma wag na wag mo akong iwan huh, dito kalang sa tabi ko” naluluhang sabi nito sa mama niya, kaya naman napaluha na din ang mama niya.

“hindi kita iiwan anak ok nandito lang si mama” lumuluhang sabi nito sa anak, “Sige na anak sumama kana kay doctor may pupuntahan lang si mama”

” San ka pupunta ma” tanong ni amos sa mama niya, ngunit isang ngiti lang ang sinagot nito, at tumalikod na, paulit ulit niya tinawag ang ina ngunit patulong pa din ito sa pag lalakad, hanggang sa kinain na ito ng dilim

“AMOS”

Nasing ako sa malakas na sigaw sa labas ng aking silid, bumalik nanamn ang bangungot na yun, napahilamos na lamang ako saking mukha, at bumangon na, at ginagawa ko na ang mga routine ko para sa pag pasok, pag kabukas ng ko ng pinto ng aking kuwarto ay bumungad sakin ang mukha ng aking stepmother.

“MABUTI NAMAN AT GISING KANANG BATA KA, KANINA PA AKO SIGAW NG SIGAW DITO AT HINDI KA PADIN NAGIGISING” sermon na bungan nito sakin hindi ko na ito pinansin.

“NAPAKAWALA MO TALANG MUDONG BATA KA” sermon ulit nito sakin habang nakasunod sakin pababa

“BAKIT BA ANG INGAY MO JOLIE KAAGA-AGA NAG BUBUNGANGA KA JAN” nakakunot na bungad samin ni papa pag kadating namin sa hapag

“ITONG ANAK MO NAPAKANG WALANG MUDO MANANG MANA KAY STACY” sabi nito sakin, na siyang kinainit ng ulo ko

“WAG NA WAG MONG BABANGITIN ANG PANGALAN NG MAMA KO” sigaw ko dito

“AMOS WAG MONG SIGAW ANG MAMA” pagalit na sabi nito sakin

“HINDI KO SIYA MAMA” nangagalitang sabi ko “AT LALONG HINDI KO SIYA ITUTURING NA INA, DAHIL IISA LANG ANG MAMA AT YUN AY SI STACY SALVADOR”

“BAKIT KA BANG NAG KAKAGANYAN AMOS” tanong nito sakin

” MAY GANA KA PA TALAGANG ITANONG SAKIN YAN PAPA” hindi makaniwalang tanong ko sa kanya ” SIGE KUNG GUSTO TALAGANG MALAMAN KUNG BAKIT AKO NG KAKAGANTO, DAHIL SAYO YUN” sigaw ko sa kanya

“BAKIT?” nag tatakang tanong nito sakin

“BAKIT? TALAGANG HINDI MO ALAM O BAKA NAG MAANG-MAANG KA LANG, SIGE KUNG HINDI MO TALAGA MAALALA IPAPA ALALA KO SAYO! ILANG TAON PALANG NANG MAWALA SI MAMA NAG ASAWA KA NA AGAD, MAHAL MO BA TALAGA SI MAMA PAPA” tanong ko dito, imbis na sagutin ang taong ko sa kaniya ay suntok ang binigay nito sakin.

“SANA IKAW NA LANG ANG NAWALA HINDI SI MAMA” may hinanakit na sabi ko sa kaniya at umalis na sa mga harap nito tinatawag ako nito pero patuloy pa din ako sa pag lalakad, sumakay na ako sa may motor ko at huminto ako sa heaven sementry kung saan nakalibing si mama, nag nasa tapad na ako ng libingin ni mama lumuhon ako upang ilapag ang bulaklak na dala.

“MAMA MISS NA KITA” naiiyak na sabi ko , habang hinahaplos ang panganan ng aking ina sa lapida ” MA NAG AYAW NANAMAN KAMI NI PAPA, NASUMBATAN KO NANAMAN SIYA” parang batang sumbong ko “MA KUNG NANDITO KA LANG DI SANA MAY KAKAMPI PA SANA AKO, MA KAHIT NA KASAMA KO SI PAPA, PARA PARIN AKONG NAG IISA, KULANG PADIN KASI WALA KA” humiikbig sumbong ko sa sakin ina na akala mo ay sasagutin ako sa bawat hinanaing ko, ” MA KUNG SANA HINDI NG YARI YUN SIGURO WALA KA SANA DIYAN, MA KUNDI SANA AKO NAG KASAKIT SA PUSO HINDI MO SANA IBIBIGAY ANG BUHAY MO SAKIN, MA SANA SINAMA MO NA AKO JAN KASI HIRAP NA HIRAP NA AKO DITO BINIGYAN MO NGA AKO NG BAGONG BUHAYย  PERO KAHIT ANONG TAKAS KO O PAG IWAS KO SA NAKARAN PATULOY PA RIN AKONG HINAHABOL NG NAKARAAN NA KAILAN MAN NA AYAW KO NAG BALIKAN AYAW KO NG BUMALIK SA BANGUNGOT NG NAKARAAN

ยฉtsnricei






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top