SAD SHORT STORY


“Uyy! Hii!” Saad ng isang babae mula sa kabilang higaan na kasama ko sa loob ng room, naka quarantine kase ako. Tinaasan ko na lamang sya ng kilay imbes batiin sya pabalik.

“Pst, sis. Kwento naman tayo!” Masaya nyang saad habang inaantay nya ang sagot ko. Pero tinalikoran ko na lang sya at umupo para mag cp.

Uy sis, 3 days na tayo mag kasama pero di moko pinapansin.” Malungkot nitong sabi, kaya napairap ako.

“Sis, laro tayo.” Mahina nitong sabi sa harap ko pero di ko na lamang sya pinansin.

Hanggang sa dumating na yung 12 days pero ganun parin sya, nakikipag usap sya saakin kahit di ko sya pinapansin. Masayahin syang klase ng babae, masigla din sya, at mabait.

“Sis, 13 days na! Lalabas na ako sa susunod na bukas.” Masaya nyang tugon saakin.
“Edi mabuti.” Tipid kong sabi.
“Finaly, narinig ko na rin ang boses mo.” Sabi nya at tumawa kaya napa tawa rin ako. Sobrang bait nya...


saakin kahit masamang ugali ang pinakita ko sakanya. Hanggang sa nag kwentohan na kami at naging mag kaibigan na. Masaya ako kase naka tagpo ako ng isang kaibigan.

“Uy, sis. Lalabas na ako bukas! 14 days ko na ngayon oh.” Masaya nyang sabi habang tumatalon talon pa.
“Masaya ako para sayo sis.” Nakangiti kong sabi sakanya.

“Goodmorning sis! 15 days na lalabas kana ba ngayon?!” Masaya kong sabi sabay hawi sa kurtina na naka harang sa pagitan ng higaan namin. Pero di ko sya nakita doon. Insakto naman na may pumasok na nurse kaya tinanong ko sya.
“Um, nurse? Saan po yung kasama ko dito?” Tanong ko sa nurse at itinuro ang diriksyon ng higaan ng kasama ko.
“Wala na po sya, nahirapan kase sya huminga kaninang madaling araw,kumalat na kase ang virus ma’am di nya nakaya kaya di na sya naka survive. Na cremate na din sya kaninang alasyete.” Mahabang paliwanag saakin ng nurse dahilan upang mapa luha ako ng di ko namamalayan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top