MEANT TO BE ? Chapter 61


Halos pagabi na kaya nag aya nang umuwi ni Aneth kay Nay Didang.
Ngunit pinigilan sya ni Ace, palihim syang hinawakan nito sa likod ng siko.. Magkatabi pa rin kasi sila.
“Ahh.. Maniningil.. ka na ba? ” hirap at halos pabulong na sambit ni Aneth
” Hindi. ” kaya ka ba umiiwas? “nakatingin sila sa mga natitira pang audience na humiling na kumuha ng litrato sa kanila kasama ng triplets.
Habang nasa mga gilid nila ang 2 VIP.
” Ahm.. Bakit ka pala..-
“Ah nay, magkano pala ang naibigay nya sayong pera.” bulong ni Aneth kay Didang. Umusog sya ng konti palapit sa matanda
“40k iha, kasama na yong naideposit nya..”
” Ah.. So kulang pa po ng 10k kung ibibigay natin yong premyo ng mga bata.”
” Ay.. Pera nila yon e.”
” Alam ko po.. Kaso ..” wala nang mahagilap na sasabihin si Aneth, ayaw nya kasi talaga sanang galawin yon.
Muling lumapit si Ace..
” maniwala ka, hindi ako maniningil wala na yon sakin.. Bigay ko yon! kaya wag na sanang gumulo pa sa isip mo. ” iba ang pakay ko.. Ikaw.. ”
At ng triplets.. ”
Nakaarko ang kilay ni Aneth na tumingin kay Ace.
“Nay.. Pakikuha po kay Austin. Pakisabi na rin kay Dennis ipakuha na rin si Alvin sa Gov. Mag excuse lang sya,at magpaalam na uuwi na.”
“Ah, o sige..” pero ang paningin ni Didang ay na kay Ace habang kinukuha si Austin. Tila nagsisinyasan sila patungkol kay Aneth
Di malaman ni Ace kung anong gagawin.. Sinulyapan nya ang ama na tila humihingi ng tulong. Nang kinukuha na sa kanya si Austin at nagsimula nang itinaas ni Aneth ang kamay sa mga Audience at nagpaalam na.
” Ahm sige po.. Pagabi na kasi. Uwi na po kami sobra po akong nagpapa salamat sa inyo sa lahat po ng suporta nyo sa mga anak ko.”
“Walang anuman, congrats uli sa triplets at sa mama nila. ” sigaw ng ilang audience
Nagtext agad si Ace sa papa nya. “please do something! Asap!”
Humakbang na si Aneth at nakasunod sina Didang at Dennis na baklang kaibigan nila.
Di na mapakali si Ace. Maiiyak na sya. Habang sumusunod sa mag iina.
“Ahm.. Iha pwede ka ba naming maimbita sa bahay sige na. May munting salo salo doon, e kasi minsan lang magkaroon ng ganitong pagkakataon at heto pa ang colleague kong ito na Close ko na talaga. Pwede ba..iba rin kasi ang karisma ng mga anak mo sakin. Gusto ko silang nakikita.. celebration na rin ng pagkapanalo nila. Sana mapagbigyan mo ako.”
Mahabang pahayag ng cong.
Nahihiyang tumango si Aneth..
Napa yes sa isip si Ace, sabay sulyap sa amang nakangiti.,
Nagulat sina Aneth at Didang ng malamang anak ng Gov. si Ace. Hindi na nagtaka si Didang kung bakit kay daling nakapaglabas ng malaking pera ang lalaki.
Ngunit Nagulat din si Didang ng makita si Anton sa loob ng sasakyan ni Ace… Buti di ito masyadong napansin pa ni Aneth.
At nakatyempo pa talaga si Ace.. Doon sa sasakyan nya sina Aneth at ni Didang na bitbit ang dalawa sa triplets . Na si Ayana na laging kalong ni Aneth at ni Alvin na na kay nanay Didang.
Magkatabi na ito at ni tatay Anton. Mahinang nagkamustahan ang dalawa. At sinabi ni Didang na mag uusap sila sa ibang araw. Nang malamang magbabakasyon ito doon.
Si Austin na palatawa ay naroong kinagigiliwan ng Cong. Si Dennis naman ang may kalong. Pero kinuha ito ni Atty. CARLA sa kanya. Tiniis nito kahit medyo may kabigatan.
Ang saya saya ni Ace.. Sinusulyapan nya si Aneth na nasa front seat. Nag teary eyes sya.. Hindi sya makapaniwala na ang akala nyang asawa na pinump nya ng makailang ulit sa ospital noon at iniyakan ng ilang buwan na akala’y di na muling makakasama ay ngayoy nasa tabi nya, ang Nicest nya na heto’t nakaupo sa dati nyang pwesto.
At hawak2 pa ang isa sa triplets nila. Hindi man naging maayos ang daloy ng lahat ng pangyayari sa buhay nila. At pagbali baliktarin man ang mundo. Ang mahalaga. Sila pa rin ang nakatadhana.
Pasado alas 7 ng dumating sila sa mansyon ng cong. na katabi lang ng mansyon ng lola Tanya nito ..na naka wheelchair na.
Agad silang binati ng sekyu at ng ilan pang gwardya ng cong. na nasa bakuran at loob ng bahay.. Pati mga katulong ay bumati sa kanila. Na tila nahihipnotismo sa triplets.
Sumalubong sa kanila ang mga anak ng cong. na sina Khara, Carlo, Arabella , Calil at Kenan.
At ng mga apo pa nito kina Khara, Carlo at Kenan.. Sina Calil at Arabella ay pawang single pa.
Agad napadako ang tingin ni Arabella kay Ace. Nagsawalang bahala lang sya. Wala na syang pakialam kahit gaano pa kaganda ng babaeng makakaharap nya. Wala na sya sa ganoong stage.. Hindi na sya ganoong kababaw.
Muli nyang pinagmasdan ang magkakapatid.. Lalo na si Atty. Carla. Tila may hawig ito sa babaeng katabi ni nay Didang.
Kung ano ano na ang napupuna nya, nasobrahan na yata sya at napapraning na.
Hindi mawari ni Ace ang nasa utak ng dalaga ng Cong. na sinadya talagang tumabi sa kanilang mag ama. Katabi nito si Aneth
Ang mga katulong naman ay masayang nakikipagkulitan sa triplets, sila muna ang kumandong sa mga ito habang kumakain ang taga bitbit.
Panaka nakang sumusulyap si Aneth sa mga anak.. At ganoon din si Ace.. At sinisilip nya talaga si Aneth. Kung sana sila ang magkatabi.. Talagang tsatsansing sya dito.
“What happen to your face?. ” prangkang tanong ni Arabella kay Aneth na da tantya nya’y kasing edad lang nya.
” Ahh.. Nasabuyan ng asido.” nahihiya nyang sabi sabay ayos ng takip na pinormang tela sa mukha nya.. Dinikitan ito para hindi natatanggal.
Parang pinipiga ang puso ni Ace. Nasilip nya kasi ito mula sa ilalim ng mesa ng kunwari nyang hinulog ang dinner knife.
Nagkatinginan pa sila ng mapansin sya ng nakayukong si Aneth.
Agad syang nag angat.. Naiinis lalo si Aneth, kahit saan nya ibaling ang mukha may mag bubully.
Pinigilan nyang maiyak.
” dad why don’t you sponsor her a plastic surgery?” sabat naman ni Khara.
Huwag mong mamasamain ha..feel at home” dagdag pa nito.
Ngumiti lang si Aneth.
“Ah.. Tsaka na ho siguro kapag nagbalik na ang alaala ko at malaman ko ang totoong itsura ko. Nang sa ganon parehas na bumalik sa dati ang lahat.”
“Ok.. Mag pacheck up tayo para sa paggaling at sa agarang pagbalik ng memory mo”
“Salamat na lang po.. nakakahiya pong umasa sa inyo.”
“iha Public servant kami kaya makakaasa kang tutulong talaga kami. Okay?”
Tatango tango lang si Aneth..binilisan nya ang pagkain. Ang sakit ng dibdib nya na halos lahat nakatingin at nasa kanya ang atensyon. Hiyang hiya sya.. Na pinagtitinginan at kinaaawaan. Gusto nyang maglaho.
Mabuti at nalunok nya agad kahit sunod 2 na ang pagsubo uminom lang sya ng maraming tubig. Napasulyap sya kay nay Didang.. Napangiti lang ito ng pilit.. Dinadamayan sya.. Mas maiiyak pa yata sya.
Nang may dessert na inabot sa kanya. Tiningnan nya kung kaninong kamay iyon… Si Ace..
Paborito nya yon. Pero di bale na.
Umiling sya.. “Isa pa syang bully! ” sa isip ni Aneth.
Pero yong mga mata ni Ace, kung makikita nya lang sana..
Agad na syang tumayo.
“Sige po.. Salamat po ng marami pero kelangan ko nang puntahan yong mga bata. Pasensya po kung mauuna na akong umalis sa hapag.”
“Ok lang iha.. Gusto mo ng juice. Teka”
Mabilis na lumapit ang Atty. At ibinigay iyon sa kanya. Si Ace halos di na ginagalaw ang pagkain.
Pansin din kanina ni Aneth na panay papansin ng katabi sa lalaking katabi nito.
“Magsama silang puro mga bully! ”
Habang nasa umpukan na sya ng mga yaya at anak nya.. Agad syang tumayo at nagpaguide sa katulong papuntang cr. Doon na nya inilabas ang paninikip ng dibdib. Iniyak nya ng mahina. Yong feeling hot seat sya kanina na pakiramdam pinagtutulungan .
Alam nyang concern sila masakit lang ang mapunta sa kalagayan nya. Hindi madali. Yong nabibinat pa ang isang mata nya dala ng severe na pagkakulubot ng balat.
At ang awa nila ay parang punyal na sumasaksak sa kanya.
Paglabas nya, ayon na naman ang lalaki
Tinapunan nya ito ng matalim na...


tingin. Kung may pera lang sya isinampal na nya sa pagmumukha nito.
Ngumiti si Ace sa kanya. Pero nilampasan nya lang ito..mabilis syang hinabol ni Ace at hinila pabalik sa loob ng washroom
“Ano ba? Anong gagawin mo sakin bully?”
” Huh? Gusto lang kitang makausap. May mahalaga akong sasabihin sayo.Magtiwala ka sa akin hindi ako masamang tao. . Kilala kasi kita.. ” pumiyok na si Ace.. di na nya napigilan … Humakbang sya para ilock ang pinto, tsaka mabilis na pinahid ang luhang pumatak at mabilis na bumalik.
Inangat ang mukha at bumuntong hininga.
” Type ko sana.. kaso sino at ano lang ako para mangarap ng kagaya nya. ” bulong ni Aneth
“Kilala nya daw ako.. Kunyari pa sya, taktika? .. Baka naman producer sya sa tv at kukunin ako para sa horror series.”
“Hindi ko alam kung pano ko sisimulan..” di na natapos ni Ace ang sasabihin agad nyang nayakap ang kaharap.
Nagpumiglas ito pero di nya binitawan
“Bastos ka! Bitawan mo ko!”
“Teka lang makinig ka… Damhin mo ang yakap ko.. Wala ka bang naramdaman.”
“Manyakis ka!!!”
“Tsk.. Pano kung sabihin ko sayo na naangkin na kita.”
“Ano?”
“Oo! Nang paulit ulit.. Ilang beses na. At gustong gusto mo rin!”
“Abat baliw!”
“Oo baliw ako, baliw na baliw sayo. Boom!” Napakurap kurap sya.. Parang pamilyar ang pagkakasabi ng boom sa kanya.
*Pwede ba kitang halikan baka sakaling maalala mo ako.”
Matalim na tingin ang pinukol nito sa kanya.
“Aneth, kilala na kita..simula nang nadiskubre ko ang lahat.
Ikaw ang.. Ako ang ama ng triplets mo. Asawa kita. Mag asawa tayo.”
“Anooo?
Makinig ka muna… Ikakasal na sana tayo ng kidnapin ka at yan nga sinabuyan ka ng asido ng kumidnap sayo.
Bago ka itrap sa loob ng van at hayaang mabangga. At nagkaamnesya ka matapos ng natamo mong aksidente.
Natigan si Aneth…
Totoo kaya ang sinasabi nya.
Agad kinuha ni Ace ang cellphone.
“Heto tingnan mo.. Ikaw yan.. Yan ang mukha mo. At ikaw si Nice.. Your name is NICE.
“Nice one..” sambit ni Aneth
“Isipin mo kung anong mapapala ko kung lolokohin kita. At nong nagkita tayo nong manganganak ka.. Wala pa kasi akong alam non.. Ngunit may kakaiba na akong naramdaman at nong paglipas ng ilang buwan ng magkita kami ng witness at inamin nya ang totoong nangyari sayo .. Don na ako ng hinala sayo..lalo na nong sinabi nyang binuhusan ng asido. Naalala agad kita. Ikaw kasi talaga yan e. ”
Mahal ko.. NICE bumalik ka na sa akin.. Kahit hindi mo pa naaalala ang lahat. Hindi ko na kakayanin uli kapag ngayon alam kong buhay ka nga tapos mapapahamak lang uli. Kaya please.. Maniwala ka sakin.
Lika, tingnan mo, titigan mo ang mga mata mo. Ikaw yan e.. See?
Kung ako yan, may itsura pala ako.
Para sa akin nag iisa ka lang.. Sobrang ganda mo.
“Hindi naman, kung makabola” Sandaling napaisip si Aneth..habang tinitingnan ang litrato.
“O sige, hindi pa ako naniniwalang asawa kita. Pero kung pinipilit mong totoo yang sinasabi mo.. Baka makatulong na makaalala ako kaya i guide mo ako. Pagod na kasi ako sa ganito.. Yong di ko alam ang pinanggalingan ko.”
“Syempre mahal ko… Di mo alam kung gaano ako kasaya. Ngayon lang ako nabuhay uli. Ngayong nalaman kong buhay ka..
Hindi ko alam kung maipagpapatuloy ko ng normal ang buhay ko na wala ka. Oo sinubukan kong makisabay uli.. Pero kada higa ko bago matulog.
Nag aagusan ang mga luha ko. Kasi di ko kayang dayain ang sarili ko. Sadyang di Ko kaya na wala ka sa tabi ko
Kaya please huwag mo na akong pahirapan pa.
“Sumama ka na sa akin. Kasama ng mga anak natin”
Ayoko..
Bakit?
Ang sabi mo may kumidnap sakin kaya ako nagkaganito. May kinalaman ba sayo ang nangyari sa akin.
.
So meron? Pwes ayokong sumama sayo at mAlantad sa mga tao. Kung gusto mo akong makasama.. Yong malayo, malayo sa kapahamakan.. Hindi para sa akin, kundi para sa mga anak ko.
at yon naman talaga ang pinaplano nya. Plano nyang dalhin sa ibang bansa ang pamilya at doon pansamanralang titira.
Ano?
“Hah? A-ano.. Bakit?”
“Ano nang plano mo.”
Dadalhin ko kayo sa ibang bansa.
. Hindi ayoko. Dito lang kasi maraming alaala dito na gumugulo sa akin.
“O sige.. Basta safe at kasama kita.. at ng triplets natin. Sweetie Ok na tayo hah.. Pwede ba kitang mayakap uli.”
Mahal mo ako?
Hahah sobra!
“Ganon? namaan!!! sabi ko pa kanina hindi nya nanaisin na pansinin ang gaya ko, e yon pala mahal daw ako. Eehh.. ” umayos ka babae..pero asawa ko syang talaga? Waaah… Makakasama ko sya kung kelan ko gustuhin.. Makakatsansing ako sa kanya, mahahawakan at madidikit ako sa katawan nya pag kayakap ko sya. Eeh…”
Di namamalayan ni Aneth na nakangiti na pala sya sa lalaking kaharap habang iniimagine na makakasama ito kasama ng mga anak.” Mukhang masaya yon.”
Para namang kinikiliti si Ace habang nakatungo sa asawa na iniisip na” pakipot lang pero nagsisimula nang pagpantasyahan ako. ”
Huwag ka na mahal..”
Payakap naman dyan sweetie.
Ayoko, baka may makakita
Pero mabilis na syang kinabig ni Ace diretso yakap.
“Sarap sa pakiramdam.. Ang bango nya. “hmm..,” habang inaamoy pa ang balikat ni Ace.
Nawala tuloy ang paninikip ng dibdib nya.
“Marupok ba ako?”
“Pero di nila dapat malaman to..” bulong niya kay Ace.
Ahm, ok.. Mag kukunyari akong nililigawan kita ok ba yon.. ”
Ewan.. Siguro di ko alam, sige na.. Kailangan ko nang balikan ang mga anak ko.
Mga Anak natin.
Muli syang niyakap ni Ace.. Pero kumalas din sya at Nagmamadali nang lumabas..
Sumilip muna si Ace ng walang makitang tao tsaka pa sya sumunod.
Pero nakita sila ni Arabella. Na magkasunod sa paglabas ng comfort room.
Nong nasa sala na sila.. Nagkalakas na ng loob si Ace na laruin ang triplets.. Yong saya nya sa loob loob nya loaded na loaded.
Habang nagnanakaw ng sulyap sa ina ng triplets at minsan nakukuha nya nang magtsansing dito sa tulong ni Dennis.
May mga matang lihim lang na nanonood sa lihim nilang pagsusulyapan.
Samantalang nagkukwentuhan naman sina Gov. Cong. Atty. At mang Anton sa hapag kasama ng mga anak ng cong.
Nagkamustahan sina Mang Anton at Carla..
Nalaman ni Anton na kasing edad ng namatay nyang si Nice ang anak ni Atty. na si Arabella na nawalay sa kanila mula noong sanggol pa ito. Na dalawang taon pa lang nila itong nakakasama mula nang madiskubre na ito ang nawawala nilang anak.
Tanda kasi dati ni Carla kapag umuuwi galing Manila na kasing laki at parehong buwan lang ang duedate nila ng dating asawa nito na naglalako rin ng kakanin gaya ng hilig ng nanay nya.
Narinig ko rin po yan, pero paano po sya nawala noon,
May kumidnap sa kanya pero di natuloy yong palitan namin ng pera dahil naiwala nya yong bata. At tumakas na sya at di na namin nakita pa. Pero nagkita na kami sa harap ng camera noon.
Hanggang sa lumitaw din sya at ang anak kong si Arabella ay dala na nya. May balat sa batok si Arabella gaya nong sanggol pa ito.
Ah.. Gaya din pala ni Nice ko..
Talaga ho. Aba.. Magkasing edad lang sila tapos , pareho pang may balat. Pagkakataon naman. Sayang at namatay din sya. Ano pong ikinamatay”tanong ni Atty.
Nabaril po maam.
Ah, magkumpare kami nito e..
Asawa ni Ace yong si Nice. ” sabat naman ng Governor.
Ay ganon ba.. Akala ko nagtatrabaho ka lang sa kanila
Nagtatrabaho din ako sa coffee shop ni Ace.
Ah… Ang tagal po ninyong nagka anak ni nay Ason pero nawala din sya sa inyo. Nagtatrabaho po dati ang asawa nyo sa pagawaan ng kakanin ni inay dati. Pero ngayon pp nasa Butuan si inay. Doon po yong lugar nila bumibisita lang sya dito. Pero balak kp nang papuntahin sya dito dahil dumadami na ang apo nya sa akin. ”
“Balak ko pa nga pong dagdagan ang anak namin.. Kaso ayaw nya na po..di na daw sya marunong umere..”
Nasapak ni Atty.ang asawa sanhi nang tawanan nila.
Lihim lang na nakikinig si Didang. May kutob pa rin sya patungkol sa kidnapper.
Makakatyempo din sya kay maam Carla.
Tsaka nya nilingon si Aneth at Ace na masayang nakikipag kulitan sa triplets kasama ni Dennis, Arabella at mga katulong..
Nagpapalitan ang tingin nya kay Arabella at Aneth.. Habang matamang nag iisip.






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. 1mnth and 1day to be exact na po pala ako nag hihintay ng update nyo po, sana po may karugtong na po😊

  2. wala naba po ba karugtong ang ang MEANT TO BE nakakabitin naman po nakalayong chapter na ako tapos walang ending haisst nakakabitin naman mo ilang weeks na ako nag aabang ng update nyo po. Sana po may karugtong na po, salamat

  3. sana may episode 62 up na…

  4. sana may episode 72 up na…

Leave a Reply


top