(AYA POV)
+ gusto ko sanang tumakbo palapit kay Primo, pero marami pang kumakamay sa kanya, kaya di ako basta makalapit. Pero bat nga ba nag aantay pako, mabilis akong sumiksik sa mga tao para makarating sa kanya. Nagulat sya ng makita nya na lang ako sa gilid nya.
Primo- What?
Aya- Ang daddy mo.
+ yun pa lang ang nasasabi ko, mabilis nyang hinawi ang mga tao sa harap nya at tumakbo palabas ng Conference room, nakasunod lang ako. narinig ko pang nagsalita si Troy para sa mga reporters. Hayan na naman sya, mabilis syang sumakay ng kotse nya at hindi nako nahintay. Luminga linga ako para makahanap ng masasakyan, nagmamadaling humabol sakin si Madam Loida.
Loida- What happened?
Aya- Madam!
+ tumawag sya sa cellphone nya, at mabilis na pinapunta ang driver nya.
Loida- sumakay ka na sakin.
Aya- salamat po.
Allissa- Tita, anong nangyayare?
Loida- Allissa Im sorry pero you stay here muna.
Allissa- what? What’s happening ba?
+ ng dumating yung kotse, mabilis kaming sumakay ni Madam at sumunod kay Primo pa ospital.
Loida- ano ba talagang nangyare?
Aya- Si Sir Luis daw po eh.
+ mabilis kaming nakarating sa ospital at tumakbo papuntang operating room, naabutan namin si Primo dun na nakakapit at nakatanaw sa pinto ng operating room pati yung nagbantay. Lumapit agad ako sa nurse na nagbantay sa kanya.
Aya- Anong nangyare?
– nagulat po ako nung gumising sya bigla pero segundo lang po, nanginig na sya tapos dumugo po ang ilong kaya tumawag na po agad ako ng doktor.
+ napahawak ako sa noo, dyusko tulungan nyo po si Sir Luis. Lumapit si Madam kay Primo at humawak sa balikat nito.
Loida- Anak?
+ pero mabilis na tinabig ni Primo yun. Humarap ng umiiyak.
Primo- ano bang ginagawa mo dito?!!!
+ napaatras si Madam, tumalikod na lang uli si Primo kaya lumapit ako kay Madam at tinapik sya sa likod. Mga ilang minuto pang nag pa ikot akot ako dun dahil sa takot at kaba, ni hindi na malapitan si Primo, si amadam naman nakayuko na nakaupo sa gilid. Ano na kayang nangyayare sa loob? Kamusta na kaya sya, sana nagamot sya. Maya maya lumabas ang doktor at lumapit kami lahat.
Primo- Anong lagay ni Daddy?
Doctor- We have to wait tuloy parin ang operation, I just have to request para sa additional tools dahil hindi namin inaasahan ang reaction ng body nya. Pero I need you to be prepared financially and emotionally, nakadepene na lang sa Daddy mo ang lahat.
Primo- kahit ano pa yan, kahit magkano pa yan. Gawin nyo ang lahat.
Doctor- we will.
+ lumampas na si Doc samin, napa atras at umupo na lang si Primo sa tabi at sumabunot sa sa sarili. Napapabuntong hininga na lang ako at tumitig sa kanya. Naiiyak ako kasi parang hindi na nya alam ang gagawin nya. Bat kasi ngayun pa nangyare to? Natatakot ako sa kung anong mangyayare. Ng bumalik na ang doctor sa operating room, we waited another 1 hour, tumawag pa si Troy sakin at kinakamusta kung ano na ang nangyayare. Pero sa totoo lang di ko alam ang sasabihin ko, sinabi ko na lang na nag aantay patin kami ng result. its already 12 PM at wala ni isa samin ang natitinag sa pag aantay. Kahit ang gutom hindi namin maramdaman. Ilang minuto pa ay lumabas na ang Doktor sa OR at pare pareho kami nag aantay ng sasabihin nya pero…..
Doc- I’m so sorry.
+ napasandal ako sa pader at di ko na mapigilang tumulo ang luha. Napatakip naman ng bibig si Madam at pumikit tapos umiyak.
Primo- Nagbibiro ka ba?!!!
Doc- We tried our best. Pero katawan nya na mismo ang bumigay.
+ kinwelyuhan nya ito kaya agad akong tumakbo palapit.
Primo- ANG SABI MO GAGAWIN NYO LAHAT?!!!! WALA KA PALANG KWENTA EH!!!!!
+ umiiyak akong nakayakap sa braso nya at pinipigilan sya. Nag crack na ang boses nya at napaluhod na lang. Para na syang batang humagulhol sa sahig at paulit ulit na binabanggit ang Daddy nya, nakaluhod lang ko sa gilid habang hawak hawak sya. Si Madam naman nakatakip sa bibig nya habang umiiyak at marahang naglakad paalis.
(LOIDA POV)
+ Sobrang sakit sa dibdib, hindi porket hiwalay kami, hindi na masakit. Hindi kami naghiwalay ng dahil basta lang, napag usapan namin yun ng masinsinan at nagkasundo kami dahil sa mga bagay na hindi namin napagkaka sunduan, pero hindi ko inasahan na mangyayare to, Ni hindi ko man lang sya nakamusta, ni hindi ko manlang sya nakausap. Hinampas hampas ko ang dibdib ko kasi nararamdaman ko yung sakit pati ang konsensya, napahawak ako sa pader dahil para akong mawawalan ng lakas, pakiramdam ko hindi ko sya kayang tingnan kung sakali lalo na ngayun. Kahit paghingi ng tawad hindi ko na magagawa. Mabilis akong sumakay ng kotse pero pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob napahawak nako sa muka at umiyak ng umiyak, pakiramdam ko napaka laki ng kasalanan ko sa mga nangyareng ito.
(AYA POV)
+ nasa labas kami ni Primo ng Morge sa tabi ng hospital, hindi pa kami pumapasok, hindi ko kaya, tulala lang si Primo, nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alama ang sasabihin ko. Hindi rin sya makapasok ng basta basta lang sa loob.
Aya- Sir.
Primo- umuwi ka na.
+ pagkatapos nyang sabihin yun naglakad sya ng marahan papasok sa loob. Ng makapasok sya mga ilang segundo lang napapikit ako at umiyak ng marinig kong halos magwala na sya sa kaiiyak sa loob, at dahil ayoko na marinig, lumabas nako ng morge na yun. Nakakita ako ng bench sa harap ng ospital kaya umupo muna ako dun. Mas masakit makitang ganun sya.
(TROY POV)
+ Pagkatapos kong ayusin lahat sa Zentro, gusto ko sanang sundan sila Aya, nag aalala ako kung anong problema, pero umuwi muna ako ng condo para kay Cyrus.
Cyrus- Kuya ano bang nangyare? Bat bi GB lang nag walk out yun.
Troy- hindi ko rin alam pero feeling may hindi magandang nangyare.
Cyrus- tungkol ba sa Daddy nya.
Troy- hindi ko din sure.
Cyrus- nakakaramdam ako ng awa ah. Balak mo bang pumunta?
Troy- oo sana eh.
+ tumunog ang cellphone ko kaya binuksan ko. Nag text pala ang secretary ko at binigay na link. Sabi nya video ito ng reporter na nakausap nya, nakabantay ito sa labas ng ospital Binuksan ko yun.
Cyrus- ano yan.
+ ng iopen namin ang link nakita namin sa video si Aya na umiiyak na nakaupo sa Bench sa harap ng ospital, pati si Madam Loida na umiiyak at sumakay...
nextttt po plss ang ganda
Nexttt po plsss ang ganda