Beautify Chapter 7


First day of school . Napag usapan nilang magsaby sabay nang pumasok para daw isang sasakyan lang ang gagamitin nila. Pero tumanggi si Kurt at sinabing mag momotor nalang daw silang dalawa ni Belle kaya wala na din nagawa si Belle kundi sumakay nalang ngunit pakiusap niya na wag bilisan at sinunod naman ito ng lalaki . Nakarating sila sa school ng maayos. At nakitang naghihintay pa pala ang dalawa sa labas ng gate.
” Grabe antagal niyo ha.?! ” reklamo ni Chloe.
” Diko sinabing maghintay kayo and besides mahirap magdrive ng mabilis kung may phobia ang kasama mo.” at sinulyapan si Belle.
“Sorry.. ”
“Its ok . Lets go?” Si Seb. At sabay sabay nga silang pumasok ng University. Nahihiya pa si Belle dahil nahalata niya na pinagtitinginan sila ng ibang students kaya napayuko nalang ito habang naglalakad. Napansin ito nina Kurt at Seb. Hahawakan na sana ni Seb ang kamay niya ngunit naunahan siya ni Kurt na akbayan ito.
” Don’t be shy baby , you’re with me remember?” nagulat naman si belle sa ginawa nito ngunit dina siya tumanggi. Ang totoo gusto niya ang ginagawa nito sa kanya na para bang siya lagi ang hero niya. Oo tama , iniisip padin niya na ito ang nagligtas sa kanya pero may part sa kanya na hindi siya iyon.
” Kurt ano ba nakakahiya.” pilit tinatanggal ang kamay nito ngunit mas malakas ito sa kanya. Pero syempre nagpapakipot lang siya. She likes the feeling na pinoprotektahan siya nito.
” Let’s meet at the cafeteria later bye!” Si chloe na kumaway pa.
Naghiwalay na sila Seb at Chloe at magkasama naman sina Kurt at Belle.
Naging maganda ang takbo ng pag aaral nila. Pare pareho naman silang matatalino kaya di naman sila nahirapan. Mabilis din silang naging popular sa University dahil sa likas na silang magaganda at gwapo. Kinahuhumalingan sila ng mga students dahil sa ” Beauty and brains” na meron sila. Napapasali din sila sa extra curricular activities na lalong nakadagdag sa popularity nila .
Times went passing by at malapit na matapos ang unang semester .
” What do you guys are planning to do after the semester? ” nasa cafeteria sila si Chloe ang nagtanong.
” Ako wala lang sa bahay lang tapos tutulungan si mama sa negosyo ” si belle
“And what about you too? baling niya sa dalawang lalaki na nakatitig kay Belle. Hindi pa din sumasagot ang dalawa kaya napatingin na din si belle sa kanila. Nagulat pa sila ng lumingon ito at saka sabay na nag iwasan ng tingin.
“B-bakit ? May dumi ba sa mukha ko? ” at pinunasan pa ang mukha ng panyo.
“Ah wala uhm ako .. diko pa alam eh ikaw bro. ?” tanong namn ni Seb kay Kurt
“I think uhm.. ill let Belle to decide about what im going to do after sem..” at tumingin siya sa dalaga.
“Ha? Bakit ako ? Buhay mo yan kaya wala akong pakialam kung anong gusto mong gawin.”
“But you’re my boss and my baby so youll decide ” nakangiting tingin niya dito na tila naghihintay ngsagot.
“Ah eh kasi… ” napayuko siya
“Wait...


! May napapansin ako.. hmmm.. do you guys are dating? ” si Chloe na napapansing tila sweet ang dalawa lately
“Ha ! Hindi hindi!” Tanggi ni Belle
“Yes!” napatingin naman silang tatlo dito.
” Ano ?! Tinatawag mo lang akong baby nagde date na agad! In y—” napatigil siya ng lumapit ang isa nilang classmate sa kanila.
“Hi Brandon.” tawag niya sa first name ng binata” Can i join you here? ” luminga linga pa ang babae kunwariy naghahanap ng mauupuan. ” Wala na kasing bakanteng upuan eh.” Dipa nakakapag salita si Kurt ay umupo na ito sa tabi niya. Nakadikit itong mabuti sa binata na kahit maluwag naman ang space ng upuan. Nakatingin lang ang tatlo dito dahil sa kapal ng mukha nito este sa kapal ng make up nito. Naka unbutton pa ang isang butones nito kaya kitang kita ang cleavage nito. Maiksi din ng palda na parang kapos na kapos sa tela.
“Let’s eat!” Saka maarteng sumubo si kiesha.
Napairap na lamang si Chloe dahil pagkadisgusto.
“Exciuse me , may gagawin pa ako “Nagulat pa sila ng biglang tumayo si Belle at lumakad palayo.Hindi na niya nilingon pa ang mga naiwan niya. Nawalan siya ng ganang kumain.
” Kala moy ahas kung maka lingkis. Maganda lang naman siya dahil sa make up.” kausap niya ang sariling umupo sa isang bakanteng bench..
“Nakaka bwisit siya kang kiesha ka!” Maktol pa nito.
” Stop that. Papangit ka niyan.” si Seb pala na sinundan siya. Saka inabot s kanya ang isang sandwich at tubig.” Here , dimo kasi ginalaw ang pagkain mo kaya sinundan kita.”
“Salamat” ang totoo gutom talaga siya pero dahil sa Khiesha na yun nawalan siya ng gana.
“Are yoy jealous?” biglang tanong nito
“Ano ? H-hindi ah.” tanggi niya na todo iling pa.
“You’re too obvious Belle. Don’t deny it in front of me. I know when you’re jelous and if youre not.” tuloy tuloy na sabi niya. Kilala niya si Belle kahit di sila gaanong nagkakasama. Di parin umiimik ito kay nilingon niya at saka hinawakan ang balikat niya at iniharap sa kanya.
“C’mon .. you can tell anything to me. Im good at keeping secret.” Saka inangat ang mukha niya. F*ck she’s crying.
“Y-yes. A-ctually i like him pero di ko masabi sa kanya baka masira friendship namin.” garalgal ang boses. “No ! Hindi ko lang siya gusto . Hindi ko alam kung kaulan o kung saan basta i know in my heart na mahal ko na siya Seb. Pero lahat ng pinapakita niya sakin is puro biro. Di niya ako sineseryoso and that hurts me so much Seb.” Umiiyak padin siya kaya walang nagawa ang binata kundi ikulong siya sa kanyang dibdib.
“Its ok Belle. You can cry at me anytime you want. I’m always here.” pag aalo nito .
Samantalang si kurt naman ay lakad takbo ang ginawa. Hinahanap niya si Belle. At nakita nalang niya si Belle sa isang bench . Magkayakap sila ni Seb. Napakuyom ang kamao niya. Gusto niyang magalita at suntukin ito pero anong idadahilan niya. Baka lalo lamang lumayo ang loob ng dalaga sa kanya at masira pa ang pagkakaibigan nila. Wala siyang magawa kundi palihim na ibigin ang dalaga..
*So ayun na guys.. simula na ng taguan ng feelings…
Enjoy reading ☺️
_jerilou






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top