MY WIFE’S SURPRISE
“Happy first wedding anniversary, babe! I love you.”
Napangiti ako sa sinabi ng asawa ko. Ngayon kasi ang first anniversary namin as a married couple.
“Happy anniversary din, babe. I love you more.”
We shared a sweet and passionate kiss. After that ay sabay kaming pumunta sa hotel kung saan kami magce-celebrate kasama ang family namin.
The woman with me is my wife. Her name is Carrie. Carrie and I are both flight attendants. Mula pa man noong high school kami ay ito na talaga ng dream job namin and we’re super lucky kasi natupad ito.
Me and Carrie were in a relationship for almost eight years before we decided to marry each other. And you know what? Marrying her was the most beautiful thing happened to me.
Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Maykapal na binigay niya sakin ang babaeng minamahal ko. Wala na akong mahihiling pa. Kulang na lamang samin ay anak para masasabi ko nang buo na talaga ang aking pamilya.
Time flew so fast. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang i-celebrate namin ng asawa ko ang aming first wedding anniversary.
Today is a special day. Ngayon kasi ang birthday ko. Nag-dayoff ako today para i-celebrate ang birthday ko kaso na-badtrip ako nang sabihin sakin ng asawa ko na hindi daw siya magda-dayoff.
“Babe naman! Birthday ko kaya ngayon, ang pangit naman kung ako lang mag-isa rito sa bahay natin,”naiinis na wika ko.
“Di kasi ako pwede mag-dayoff ngayon babe e. Naka-leave kasi yong ibang kasama ko kaya no choice ako kundi mag-flight today. Huwag kang mag-alala dahil babalik din ako agad. Mamayang gabi na lang tayo mag-dedate. At saka, may surprise ako sayo mamaya,”kumindat siya sakin at ngumiti ng matamis.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Kahit anong inis at galit ko dahil hindi ko siya makakasama nang buong araw, bigla iyong nawala nang makita ko ang napakaganda niyang ngiti.
“Haysss okay, babe. Ano pa bang magagawa ko? Basta mamaya date tayo ah. Miss na miss na kita. Matagal na mula nang last tayong magdate. Atsaka, ano ba yang sinasabi mong surprise, babe? Na-eexcite tuloy ako kung ano man yan.”
Nakita kong tumawa nang mahina ang asawa ko. Bakas sa mukha nito ang labis na saya sa magiging surprise niya sakin mamaya.
“Basta! Surprise nga e kaya bawal muna sabihin. Secret muna hehe.”
Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong na-excite. Ano kaya yong surprise ng asawa ko? Hmmm I can’t wait to know it.
After that conversation ay sabay kaming kumain ng asawa ko. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na siya sa kaniyang pag-alis at bago pa man siya makaalis, nagpaalam muna siya sakin.
“Good bye, babe. Happy birthday again, I love you so much. Mamaya na ang surprise ko sayo hehe.”
“Bye, babe. Ingat ka sa flight mo today. Hindi na ko makapaghintay na malaman yang surprise mo. I love you more.”
I kissed her in her forehead bago siya tuluyang lumabas ng aming bahay.
Mabilis na lumipas ang oras nang araw na iyon. Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin dumadating ang asawa ko. Hinanda ko na ang lahat para sa gaganapin naming date ng pinakamamahal kong asawa.
Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa, mga decoration na gustong-gusto niya, at ang kabuoan ng aming bahay. Everything is ready, ang asawa ko na lamang ang kulang.
Matiyaga akong naghintay sa mesa, sa harap ng mga pagkaing hinanda ko. Hinihintay kong bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang asawa ko. Kaso sumapit na ang alas otso ng gabi ngunit hindi pa rin dumadating ang asawa ko.
Nandito na dapat siya before 6 pm pero 8 pm na ay wala pa rin siya. Ilang beses ko na siyang tinawagan at pinadalhan ng messages pero wala siyang reply kahit tuldok man lang.
Nagsimula na akong kabahan. Napakaraming negative thoughts ang pumapasok sa isip ko. At kumakabog nang napakalakas ang puso ko.
Carrie, asawa ko…nasaan ka na ba?? Ba’t ‘di ka pa dumadating?
Bawat segundo na lumilipas ay mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko at mas lalong nanginginig ang bawat kalamnan ko nang dahil sa kaba.
Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko ngunit bigo akong gawin ito. Napakaraming buntong-hininga na ang nagawa ko pero kinakabahan pa rin talaga ako.
One last deep sigh bago ko binitawan ang phone ko.
“Calm down, Brix. Uuwi din ang asawa mo. Baka na-traffic lang. O baka naman may pinuntahan muna. Baka may binili muna sa mall. Tama! Baka hinanda niya muna ang surprise niya sa ‘yo,”pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Thinking of her surprise for me made me calm down a little bit. Baka nga hinanda niya pa ang surprise niya sakin.
Abala ako sa pangungumbinsi sa sarili ko nang biglang tumunog ang phone ko. Someone’s calling.
Dali-dali ko naman itong kinuha at tiningnan kung si Carrie na ba ang tumatawag. Baka on the way na siya dito sa bahay.
Ngunit agad akong nagtaka nang makita kung sino ang tumatawag. It’s not Carrie, ito ay si Josephine na isa sa mga kaibigan kong flight attendants.
Hindi ko alam pero mas lalo akong nakaramdam nang kaba nang makitang hindi ang asawa ko ang tumatawag. Lumipas muna ang ilang segundo bago ko nanginginig na sinagot ang tawag ni Josephine. Nanginginig ko ring nilapit sa tainga ko ang cell phone.
“J-Jo? Napatawag ka? N-nandiyan pa ba si Carrie? Ba’t hindi pa siya umuuwi? S-sabay ba kayo ngayon?”
Matagal bago sumagot si Josephine. Hanggang sa narinig ko ang hagulgol nito.
“B-Brix…s-si C-Carrie…s-si Carrie…”hindi niya matapos ang kaniyang pagsasalita dahil sa kaniyang hagulgol.
Mas lalo namang nanlamig ang aking buong katawan at mas naging triple pa ang kabog ng puso ko.
“A-anong nangyari kay Carrie?”
Hindi siya sumagot at mas lalong lumakas ang kaniyang paghagulgol.
“Jo! Ano ba nangyari kay Carrie!! Ba’t ka umiiyak?!”
Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong pagtaasan siya ng boses dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon. Labis na kaba, takot, at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon.
“Brix…w-wala na si C-Carrie…p-patay na siya…nag-crash ang eroplanong s-sinakyan nila k-kanina…”
Biglang tumigil ang mundo ko sa mga narinig. Yong feeling na parang bigla akong namanhid. Wala rin akong ibang marinig maliban sa sinabi ni Josephine na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko.
Parang biglang nagunaw ang mundo ko sa mga sinabi ni Josephine. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya at gusto...