Cherry blossoms Chapter 1


Cherry blossoms
Disclaimer: this is not a true story. Bare in mind that All the characters including places and events are pure fictional. Thanks..
Chapter 1
It was the first day of February nung una ko syang nakita…
Tandang tanda ko pa ang araw na yun.
Katatapos lamang ng huling klase ko.. katulad ng nakagawian tumatambay muna ako sa pinakamalapit na parke ng aking Unibersidad na pinapasukan bago umuwi sa aking apartment na nasa 5 hanggang 6 na kilometro lang ang din ang layo ..
Mula ng magsimula akong magturo naging comfort zone ko na ang maliit na parkeng iyon pagkatapos ng trabaho..
It gives me peace and tranquillity sa lahat ng mga stress at pressures sa maghapong pakikipasalamuha sa mga istudyante at kapwa guro.
Nakakapagrecharge ika nga.
There’s somthing about those cherry blossoms that’s makes me feel happy and thankful dahil sa isang araw nanamang nairaos. Although paulit ulit lang na routine nagkakaroon ng konting sigla everytime i sit on this place., reading some books , na may isang boteng rice wine sa tabi..at enjoying one stick of cigarette.
Hindi naman ako chain smoker.. as a matter of fact tuwing nasa park lang ako naninigarilyo.. at tig isang stick lang bawat araw.. natatakot din kasi akong matulad sa ama ko.. who died in a lung cancer a year ago..
Anyway.. nasaan na ba ako..
Yes.. that Pilipina lady that i saw…
Alam kong Pilipina sya dahil sa kanyang physical features..
Although may kaputian sya sa ibang Pilipinang nakilala ko.. i could tell by her movements that she’s a Pilipina.. i know.. by the way she talks.. and mannerisms..
Four years i studied english language sa Philippines and for that long nakabisado ko na ang ilang qualities ng mga Pilipino.. and im fully aware of their mannerisms and hobbies… i had a lot of barkada( the term their ussually call it for a group of friends) Pilipino students and dormitory roommates at nakaktuwang isipin na hindi rin naman nagkakalayo ng ugali sa amin sa kanila.. mula sa mga hilig.. kalokohan at kagaguhan.. It was a fun stay during those time in the Philippines… hindi ko halos naramdaman ang pagkahomesick.. Baliktad nga eh kung kailan nabalik na ako ng korea saka ako tinamaan ng homesick..
But anyway may plano pa naman akong bumalik.. but not this time.. kakastart ko palang sa work ko.. nag bubuild up pa lang ako ng career so i dont think may chance akong makabalik.. moreover wala pa akong malaking ipon..
Oops.. nawala nanaman ako..
OkAy.. that lady..
I was peacefully and enjoying reading my favorite novel when i heard a very loud music playing near by..
Hindi naman sa nainis ako dahil sa distorbo ( although that time talagang nainis ako..’) the song seems to be very familiar.. parang narinig ko na somewhere sa pilipinas.. I folded the page that i currently reading on at pinakinggan kong mabuti ang kanta.
Nakahagip ako ng ilang tagalog word at napatango
Hmm.. may Pinoy sa paligid.. although hindi naman lingid sa kaalaman ko napakarami naring mga pilipino dito sa amin.. lalo na sa part na to.. this place is like a province.. mostly maraming farm.. and the workers are mostly foreigners.. mula ng mag open ng husto ang bansa para sa foreign workers dinagsa narin ng ibat ibang lahi ang lugar namin.. at yun nga karamihan mga pinoy..
But honestly.. wla panamn akong nakakasalmuhang ibang pinoy dito.. maliban syempre sa mga nakakasalubong ko sa daan .. sa tren or sa restaurant.. i mean hindi katulad ng peers ko back in the Philippines… para kasing iba ang atmosphere ng mga pinoy dito sa korea.. although they are still friendly and everything but they seem to be so distance.. dahil siguro sa cultural differences or maybe syempre na hohomesick din, iba parin kasi ang pakiramdam kung nasa sarili kang bayan.. Alam ko yun…naranasan ko rin kasi..
Okay last natong flashback..
So ayun nga.. sinubukan kong lumayo ng upuan at pumwesto sa kabilang parte ng park.
May tatlumpo pa akong minuto para magstay ng konti bago umuwi..( dadaan pa kasi ako ng supermarket para mamili ng kakainin sa bahay)
Nang mapansin kong parang lumalapit yung pinaggagalingan ng tugtog.
Napakunot ako ng noo.
Nagpalinga linga ako .. Gusto ko na talagang sitahin ang nagmamayari ng phone o music player na to.. at sabihan na bawal ang gantong klase ng pagpapatugtog sa park.. nakasaad pa un sa board na nakadisplay sa entrance ng parke..
Naisip ko pa nga baka bago lang ito sa bansa.. at hindi pa aware sa mga rules at regulation ng vicinity .
And then I saw her..
She was holding her phone while walking in front of me..
Naka over all uniform sya na karaniwang sinusuot ng mga fruit picker sa isa sa mga company own farm dito sa lugar.
May karay karay syang maliit na bike at naupo sa kalapit na bench.. halos ilang dipa lang ang layo nya sakin.
Hindi nya siguro ako napansin dahil nahaharangan ang pagitan namin ng isang malagong cherry tree.
Pag kaupo nya lalo nyang pinalakas ang volume ng kanyang telepono.. inilapag nya sa ibabaw ng upuan at saka sya sumandal . Napansin ko rin ang pagpikit nya ng mata at bahagyang paggalaw ng bibig nya na para bang sinasabYan nya ng kanta ang musikang pinakikinggan.
I should feel irritated and annoyed but the way i saw her sitting quietly there made me feel.. i dont know… parang may kung anong halina sya na pumukaw ng aking interes.
Binaba ko ang binabasa kong libro at nagsindi ako ng isang stick na sigarilyo.
Sumandal din ako sa aking upuan at pasimpleng pinanood ko ang estrangherong babae sa aking tabi.
She looks pretty.. un ang una kong impression sa kanya..
Siguro nasa mid twenties din sya.. no maybe early..
May katangusan ang maliit nyang ilong.. makinis din sya at mamula mula ang pisngi marahil dahil sa klima ngaun .. nag start palang kasi ang winter sa part na to ng korea kaya sadyang malamig talaga ang panahon.
Although nagsisumula palang malagas ang mga dahon ng cherry blossoms may pailan ilan nading okasyon ng pag ulan ng manipis na nyebe.
Napalulon ako ng usok ng mapansin kong nakadilat na pala ang mga mata ng babaeng ito at deretsong napatingin sa akin.
Inihit ako ng ubo at pakiramdam ko napuno ng usok ang aking baga.. kaya naman sandali akong napayuko at pinilit kong iniubo lahat ng usok na nalulon ko..
Napamura tuloy ako ng di oras sa sarili sa katangahang ginawa ko.
Nang makaramdam ako ng konting ginhawa first thing that came out of my mind is her..
Napaangat ako kaagad ng ulo.
Ngunit wala na ang magandang babae sa upuang iyon.
Kasama ng kanyang bisekleta at ng kanyang musika natanaw ko syang unti unting lumalayo mula sa aking kinauupuan.
Napahugot na lang ako ng hininga.
Natakot ata sa kin si miss beautiful..
Bwesit kasing sigarilyo to.. pinagdiskitahan ko tuloy ang nalalabing sigarilyo ,dinildil sa ashtray ng trashbin at saka ibinato sa loob ng basurahan ng masigurong wala na itong baga.
It was a very unfortunate random meet up i would probably say..
But i didnt know that yun pala ang magiging simula ng isang kakaibang kwento na mag papabago ng takbo ng napaka boring kong buhay..
2nd day…
Bitbit ang isang bote ng soju at isang libro muli akong naupo sa regular kong bangkuan sa paborito kong bahagi ng parke.
Nayayamot lang ako dahil nakalimutan kong magsubi ng kahit isang sigarilyo sa aking bulsa.. naiwan ko sa aking sasakyan.. at tinatamad na akong maglakad pa pabalik para lang sa nagiisang stio ng sigarilyo..
nilibang ko na lang ang sarili ko sa kapapanood ng mga dahong unti unting nagsisipag lagasan mula sa mga matatayog na puno ng cherry tree.
Lumagok ako ng konti sa bote ng alak na nasa kamay ko , gumuhit ang likido sa aking natutuyong lalamunan at nasiyahan sa init na hatid nito sa aking katawan at pagkatapos ay nagsimulang magbuklat ng ilang pahina ng dala kong nobela.
Kinapa ko ang aking reading glasses na naka kwintas sa aking leeg at maayos kong isinuot .
Everthing is perfectly okay… tahimik na lugar.. hindi masyadong matao nung oras nayun.. tama lang ang lamig.. at syempre may libro at bote ng alak sa tabi..
My peace of heaven here on earth..
Hanggang sa nakita ko nanaman sya…
Duon mismo sa upuang iyon.
Sa tabi ko..
Nakauniporme pa rin sya.
Tangan ang cellphone ngunitt hindi katulad ng dati nakaheadset na sya ngaun.
Sinampa nya ang dalawang paa sa upuan kung saan ang tuhod ay nakabaluktot at nakaharap sa kanya. Nakayakap sya sa dalawang tuhod nya at nakasubsob ang mukha nya dito.
Napaisip tuloy ako kung saan nagtatratrabaho ang babaeng ito.
Pilit kong binabasa ang nakaprint na parang pangalan ng company sa kanyang uniform..
Oh.. okay pamilyar sa kin ang pangalan..
Mukhang nadadaanan ko ito sa bahaging highway papunta sa unibersidad na pinapasukan ko..
Pero may kalayuan din iyon dito..
I was stunned..
Ang tyaga naman nyang pumunta dito gamit lang ang maliit na bisekleta.
Her hair falls into her small face kaya hindi ko sya masyadong namukhaan..
Napakislot ako ng mapansin ko ang bahagya nyang paggalaw.
Bumalik ako sa pagbabasa ng libro.
At napahawak ng mahigpit sa bote ng soju .
Mula sa gilid ng aking mata , nakita ko syang umayos ng upo at nag pipindot ng telepono. Sinipat nya ang kanyang relo at maya maya pa ay tumayo at nilapitan ang nakastan na bisekleta.. nag inat muna sya ng dalawang braso bago tinanggal sa pagkaka stand ng bisekleta at unti unting kinaray ito paalis ng upuan.
Idineretso ko ang tingin ko sa direksyon nya.
Mapapansin mo ang pagod sa kanyang paglalakad..
Mabibigat at mabagal..
Nakaramdam ako ng konting awa sa kanya.
Mahirap din kaya ang trabaho sa farm..
Hindi biro ang pag bibilad at pagbabantay sa labas ng kainitan. Although hindi naman ganun kainit katulad sa ibang klima ng ilang southeast Asia countries iba parin ang pagod sa gawaing agricultural.. more on physical activities… lalo pa at kababae nyang tao.
Napa palatak na lamang ako..
Naisip ko tuloy kung gaano kahirap mabuhay..
This is life.. we need to struggle to survive..
ako nga eh.. naturingang titser at kung tutuusin maginhawang hamak dahil nalililiman ako ng bubong ng unibesidad ay ito at nag struggle paring mabuhay.. hindi dahil sa hindi sapat ang sahod ko.. kundi dahil sa higpit ng kompetisyon ng mga professional na katulad ko ngaun dito sa bansang ito.
Kaya nga hanggang ngaun nag aaral parin ako kahit naghahanap buhay na .. my family expects alot from me.. not even my family lahat ng kamag anak ko.
Lahat kaming magpipinsan.. nagkokompetensya sa isat isa.. lahat may gustong marating.. kaya kung mahina hina ka masisiraan ka ng loob.. at pwedeng maitakwil ka pa ng sarili mong pamilya..
Telepono ko naman ang hinarap ko.
May sampung minuto pa ako.
Nalibang ako sa kakamasid sa babaeng yun ah..
Nilangon ko muli sya.. wala na.. marahil nakasakay na sya sa kanyang bisikleta.
Inubos ko ang laman ng aking soju at itanapon sa katabing trashbin at hindi rin nagtagal naisipan ko ng tumayo at lisanin ang lugar.
3rd day
Mabigat ang katawan kong napaupo sa bench.
Wala na talaga akong balak tumambay sa parke dahil marami pa akong kailangang tapusin na lesson plans pag uwi ng bahay..ngunit naisip kong magpahangin muna matapos ang nakakapagod na araw ,kahit mga ilang minuto lang.
Naglabas ako ng isang sigarilyo at kumapa ng lighter sa isang bulsa.
Eksaktong masisindihan ko na aking sigarilyo ng mamataan ko uli si Miss beautiful ( wala akong ibang maisip na ipangalan sa kanya eh..)
Itinuloy ko lang ang paninigarilyo at todo iwas na hindi magtama ang aming mga paningin.
Pero hindi ko maiwasang mapasulyap.
Hindi sya nakauniporme ngaun.
Bagkus naka makapal na sweater sya at simpleng pantalon lang ang kasuotan nya.
May dala syang chichiria at isang lata ng coke.
Nakaheadset pa rin sya at ang mga mata ay nasa itaas ng puno ng cherry tree.
I could tell that she’s enjoying the view..
May panak naka kasing napapangiti sya sa mga nahuhulog na dahon.. at paminsan minsan ay sinasalo nya ang pa ilan ilan na dahon na bunabagsak sa harapan nya.
Hindi ko napansin na unti unti nang napako ang paningin ko sa kanya.
Nalibang ata ako sa kapapanood sa reaksyon ng mukha nya. Hindi ko maiwasang maaliw.
She looks like a child playing with those leaves., careless and napaka inosente.
She even took some pictures witb herself sa tabi ng cherry tree...


at nag mamake face with korean heart sign. Ngunit agad din nyang itinigil ng mapadaan sa harapan nya ang isang grupo ng mga turista din.
Gumuhit ang matipid na ngiti sa aking labi.
This girl is something.
Nagagawa nyang libangin ang sarili kahit nag iisa lang.
‘Hi!’
Napaderetso ako ng upo ng marinig ko ang boses nya at napatingin sa kanya.
Napaawang ako ng labi. Sa pag aakalang ako ang kanyang binati.
Parang may nagbara sa aking lalamunan dahilan para hindi kaagad ako nakasagot.
Ngunit laking pasasalamat ko na rin dahil hindi naman pala ako ang binati nya. Kundi ang isa pang babaeng nanggaling sa aking likuran.
Napahalukipkip na lamang ako at lihim na napamura sa muntikang pagkakamaling maaring nagpahiya sa kin kung nagkataon.
Nagkunwari akong nag bukas ng telepono. At pinakiramdaman ko ang dalawang babaeng nasa kalapit upuan ko.
They spoke on their language and then they decided to go away and finally leave.
With my heart still beating fast dahil sa nangyaring insidente naiwan akong nakatanga at nag muni muni sa nangyari.
Akala ko talaga ako ang pinansin nya.
Ano kaya kung nakasagot ako ng di oras
Ano kaya ang naging reaksyon nya?
Natawa na lamang ako.
Marahil isipin nya masyado akong assuming.
Papansin.. or worst.. may sira sa pag iisip..
Eh bakit, malay ko ba.. nakaharap sya sakin ng time na yun.. pwede namang nagka interes syang kausapin ako diba.. lalo pat madalas naman na kaming nagkikita sa lugar na to.
Yun ay kung napapansin nya ako..
4th day
Tuluyan nang lumatag ang makapal na yelo sa buong paligid .
Magdamag na nag uulan ng nyebe.
Hindi ko na nagawang makadaan ng parke dahil hindi kakayanin ng kotse kong sumuong pa ng matagal sa may kataasang yelo sa daan.
Kaya nagdesisiyon akong dumaan Na lamang sa supermarket na regular kong binibilhan ng grocery bago ako umuwi ng apartment.
Nasa linya na ako para magbayad ng napamili ko ng mapatingin ako sa nag iisang babaeng pumasok ng supermarket.
Bumaba ng bahagya ang ibabang bahagi ng labi ko nang mamukhaan ko ang dalagang dumaan mismo sa aking harapan.
Si Miss beautiful..
Hindi ko alam kung bakit parang mas maganda ang tingin ko sa kanya ngaun.. marahil dahil sa mga ilaw sa loob ng tindahan kaya nag iba ang aura nya.. mas matingkad ang maputi nyang kutis ngayun at kitang kita ang mamula mulang pisngi nya na bahagyang natatakpan ng makapal na bonnet at scarf.
‘Kuya bayad nyo po?’
‘Ha?’ Para akong naengkanto. Mabilis kong tinanggal ang aking paningin sa babaeng y0n at hinarap ang kahera.
Lihim akong napamura sa sarili dahil sa pagkakawala ko sa huwisyo. Nakakahiya ang itsura ko. Napansin ko kasi ang mga tingin na pinukol sa akin ng mga kasunod kong magbabayad.
Pagka abot ko ng sukli mabilis ko itong sinubi sa aking bulsa.Out of my stupidity may kung anong urge sa akin na bumalik sa loob ng pamilihan at sundan ang babaeng pumukaw ng aking atensyon.
She was standing infront of ice cream section.
Mukhang nag iisip kung anong brand ng ice cream ang dadamputin nya.
I dont know what came up into my head at naisipan kong tumabi sa kanya at nag kunwaring tumingin din ng ice cream katulad nya.
Ramdam ko ang pagtabi nya ng konti at pasimpleng sulyap nya sa akin.
‘Oops sorry..’ kunway hingi ko ng paumanhin sabay yukod ko na normal naming ginagawa as koreans.
Ngumiti lamang sya at kusang nagbigay ng pwesto para sakin.
‘No its okay you first’ ang sabi ko
‘No you first ill go now..’ matipid nyang tugon saka sabay talikod nya sakin.
Mabilis ang mga hakbang nyang nakalayo kaya hindi ko na syang nagawang sundan.
Baka kasi isipin nyang stoker ako.
Tuloy para kong pinasisihan ang nagawa kong move.
I let her go just like that.
But atleast nakausap ko sya.. somehow..
5th day
Nagtuloy tuloy ang pag snow hanggang sa mga sandaling ito.
Palabas na ako ng aking huling klase ng abutan ako ng isa sa mga istudyante kong babae ng isang ticket.
Isa sya sa mga istudyanteng may gusto sa akin.
I was fully aware of it dahil sa lantarang pagpapakita nya sa kin ng motibo kaya naman panay ang iwas kong makasalamuha ang batang ito dahil nagiging tampulan na kami ng chismis sa faculty at hindi na ito maganda sa aking imahe bilang guro.
‘Sir .. ticket yan sa concert ng isa sa mga foreign band ngaun sana makasama kita this weekend.. birthday ko kasi yan.. sana mapagbigyan mo ako..’
‘Ganun ba.. pag iisipan ko..’
‘Tawagan mo ako kung nakapagdecide ka na.’ May kislap ng pag asa akong nakita sa mga mata ng dalagang ito. Matamis ang mga ngiti nya bago yumukod at tumalikod papaalis.
Napailing lamang ako.
Kung bata bata pa sana ako baka napatulan ko na ang isang ito lalo na ngaun.. malamig lamig panaman ang panahon ..maraming mga bagay na pwede kong ikonsider na gawin sa napakaperpektong panahon ngaun.
Pero may kapatid din kasi akong babae.. kasing idad lang din nya..
Hindi na magandang tignan.
‘Bakit ba hindi mo pagbigyan ang isang iyon’ biro ng isang katrabaho ko habang magkasaby kaming nagliligpit ng gamit sa loob ng faculty room.
‘No way… mahal ko ang propesyon ko..’
‘Hahaha.. kaya napagkakamalan kang bakla ng mga istudyante mo eh.. ‘
‘Hahaha ganun ba.. o cge pag iisipan ko’ balik na biro ko.
‘Hahaah.. pero seryoso.. nagka nobya ka na ba sa tanang buhay mo’
‘Oo naman.. nung highschool.. ‘
‘Anong nangyari?’
‘Wala.. nag abroad sya eh.. nag aral sya sa Australia ako sa pilipinas naman..’
‘Oh oo nga nasabi mo nag punta ka ng pilipinas’
‘Oo’
‘So pagkatapos nun wala ka ng naging karelasyon?’
‘Unfortunately wala na.. naging busy na ako’
‘Dinibdib mo masyado ano?’
Napakibit balikat lamang ako.
‘Maybe yes maybe no.. hindi ko na matandaan ang feelings ko nun.. may five years narin naman yun’
‘Bakit hindi mo subukang mag try uli.. hindi ka ba nalulungkot mag isa.. bata ka pa ilang taon ka na nga ba uli’
‘29’
‘Oh tignan mo ang bata mo pa.. alam mo nung nasa edad mo ako kabila kabila ang nging girlfriend ko .. hehehe bawat lugar na mapuntahan ko meron ako.. bago ako na huli ni misis.. ‘
Natawa na lamang ako sa co teacher ko.
‘Mabuti ka pa’ ewan ko ba pagkatapos ng huling relasyon ko naging mailap na ang pag ibig sa akin.
Hindi naman ako kapangitan. Aminado naman ako sa sarili kong may itsura rin naman kahit papaano. Hindi ko na rin mabilang ang mga love letters na natatangap ko mula sa aking mga istudyanteng babae mula ng mapasok akong guro sa university. May ilang co teacher din akong nagparamdam sa kin.. naisipan koring makipag date pero ni isa walang nakakuha ng aking iteres. Masyado akong nasubsob sa pag aaral.. at nagtagal ako sa ganong routine. Na stuck ako sa ganung buhay hangang sa nakasayan ko na din..
It was dull and quiet boring. But i dont regret it. It was my choice of happiness at im willing to stay that way until may napansin akong pag babago this last few days.
Hirap kong minaneobra ang aking sasakyan para lang makaabante. Nastuck ang gulong ko sa yelo sa kagustuhan kong lumiko sa mas maiksing rota para makarating sa highway.
Napasuntok ako ng manibela dahil wala akong magawa kundi lumabas ng sasakyan at itulak ang tumirik na kotse.
Kailangan ko na talagang palitan ang bulok kong kotse.
May sampung taon ko naring gamit ito kailangan naring magpahinga.
Mabuti pa ang sasakayan ito alam nya kung kailan magpahinga.. at kung kailan dapat humito..
Hindi katulad mg tao.. kahit alam mo nang pagod na sge parin.. kahit hindi na kaya kailangan tumakbo parin.. ganun yata talaga.. mamatay kang trabaho parin ang nasa utak mo..
Nakapangalawang buntung hininga muna ako bago ako nagdesisiyon lumabas at magsimulang magtulak.
Binalot ko muna ang sarili ko ng makapal na coat bago ako sumuong sa matinding lamig ng labas.
Tang ina! Napanura ako sa sobrang lamig ng mapadantay ang palad ko sa metal sheet ng akong sasakayan.
Nakalimutan komg mag suot ng gwantes.
Bumalik ako ng aking kotse at hingilap ko ang pesteng gwantes.
Isang malakas ng pag bangga ang aking narinig na nagmula sa likuran ng aking sasakyan ang syang nagpaigtad sa kin mula sa pagkakayuko ko sa loob ng kotse.
‘Aray!’ Naiuntog ko kasi ang ulo ko sa frame ng bintana nang mabilis kong iniangat ang ulo ko para tignan ang nakabunggo sa kotse ko.
‘Oops sorry po!’ Boses babae kaya kusang kumunot ang aking noo.
Hinarap ko ang salarin.
She was holding her bike with that scared face staring at me.
It’s her again. Standing beside the end part of my car.
Napalunok ako.
Kusang natunaw na parang yelo ang pagkainis at iritable ko sa tagpong nakita ko bagkus napalitan ito ng kakaibang saya at ng kung anong excitement..
Sa lahat panaman ng pwedeng mangyari sakin sa gitna ng daan..
‘Im sorry sir.. its was too slippery.. i cant stop my bike properly and.. and..’ kanda utal utal nyang paliwanag sa akin. Pansin ko parang naiiyak pa nga sya.
Dagli kong iniba ang aura ko..
‘Its okay.. dont worry ‘ kunwari kong sinipat ang gilid mg kotseng tinamaan ng bike nya. May konting gasgas.. medyo napangiwi ako sa lalim ng gasgas..
Napansin yata nya ang pag ngiwi ko kaya tuluyan na syang napaiyak.. na kinagulat ko din.
‘Wait dont cry.. its nothing really..here take this’ abot ko ng panyo sa kanya.
Nanginginig ang kamay nyang inabot ang panyo mula sa akin.
‘Im really really sorry sir’ pilit nyang binigkas ang mga salitang yon sa pagitan ng kanyang paghikbi.
‘Dont cry here miss.. maybe they would think im doing suspicious things on you..’ pinaalalahanan ko sya.
Napansin kong nanginginig na sya marahil sa pinaghalong takot at lamig kaya nagdesisiyon akong yayaain na lamang syang mag usap kami sa pinakamalpit na coffeeshop upang parehas kaming mainitan at syempre para magkaroon na rin ako ng pagkakataong makausap sya…
She was holding her coffee like she’s holding her dear life.
I can tell the fear on her eyes as she continues explaining herself.
Pero wala sa mga sinasabi nya ako nakafocus ng mga sandaling iyon.
Nakatingin lamang ako sa mga nagugusap nyang mga mata, sa mga mapupula nyang labi na parang mga pares ng cheeries na masarap kagat kagatin, her voice is like music to my ear.. hindi masyadong matinis.. kundi malambing sa kabila ng labis na panginginig ng kanyang boses.. napalagok ako ng kape ng matapos na syang magsalita.
Bigla akong nablangko ng makita kong naghihintay na sya ng sasabihin ko.
Naghagilap ako ng pwede kong sabihin.. maliban sa nais kong itanong sana ang pangalan at numero nya.. nag isip ako ng pinaka relevant na pwedeng sabihin with regards sa naging aksidente.
‘Ah.. lets forget about that now.. it doesn’t matter.. it only a small dent i can fix it..’
‘Are you sure sir? If it cause you trouble i can share some ano.. ano.. payment.. just tell me the amount’
‘No its fine you dont need to pay anything’
Namilog ang mga mata nya. Lalo akong humanga sa kakaiba nyang ganda sa mga matang yun…
Para syang manika..
‘Are you sure?’ Ulit nyang tanong sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya.
‘Drink youre coffee before it gets cold.’ Tangi komg nasabi .. wala na kasi akong gustong sabihin. Sapat na sakin ang panoorin ang mukha nya na nasa harapan ko ngaun..
Kailangan kong sulitin .. baka kasi hindi na ito maulit pa..
Nahihiyang iniangat nya ang kanyang baso at humigop ng konti.
Naiatras nya ang kanyang labi sa init. Kaya binababa rin nya agad ito.
I need to ask her name now..
‘Anyway.. where are you staying here?’ Bagkus naitanong ko
Napakurap kurap sya ng mga mata.
Naalerto ako sa naging tanong ko.
May mali ba sa tanong ko?
‘Ah.. forget what i said’
‘Im near on thet supermarket ‘ sabay turo nya sa labas
‘Ah okay.. thats why..’
‘Ha?’’
‘I always see you sitting in the park , that place is near at the park as well right?’
‘Ah yes.. thats y you look familiar to me..you are also sitting nxt to me , while you are reading your book right?’
ewan ko pero parang may kung anong saya akong naramdaman ng malaman kong kahit papaanoy napapansin din pala nya ako sa park.
Akala ko hindi nya talaga nakikita ang presensya ko..
Pero kailangan ko talagang malaman ang pangalan nya bago tuluyang maubos ang iniinom naming kape at maubos na din ang dahilan ko para makausap pa sya ng matagal…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top