BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 3


BILLIONAIRE’S WIFE
Chapter 3
Nang nakarating na kami sa kanilang mansion ay agad bumaba si Riguel at mabibigat na hakbang ang iginawad nito, tahimik ko naman s’yang sinundan.
“Ah Hija, Ano ang nangyare?” Si Donya ng nakita ang pagmamartsa ng anak.
“Hindi ko po alam kay Riguel, Donya. Nais lang naman po sanang tumulong ni Rasmuz sa pagbibitbit ng mga bilihin ngunit ayaw ni Riguel kahit pa madami na s’yang hinahawakan” napahalakhak ang Donya sa mahabang paliwanag ko.
“Naku Hija” natutuwang aniya n’ya
“Pasensya na sa ugali ng aking anak, gan’yan talaga ‘yan e” dagdag pa n’ya
Matapos non ay sinundan ko si Riguel sa kusina.
“Ano bang Problema mo?!” Pinangunahan ko ang aming usapan.
“Hindi mo ba naiintindihan Cathy?! My mom want you for me! She wants you to be my wife! Kaya nga nandito ka diba? Dahil gusto n’yang magkamabutihan tayong dalawa!” Napatulala ako sa mga salitang binitawan n’ya, Ano? Si Donya nais ako para maging asawa ng kanyang anak?
“You have so much flings at sa harap ko pa talaga kayo nagharutan!” His voice thundered.
“Ano bang sinasabi mong humaharot?! Nagmamabuting luob na nga si Ras tapos gan’on pa ang iniaasta mo!” Umigting ang kanyang panga at matalim akong tinitigan.
“Ano ba ang nangyayare Hija, Hijo? Bakit ba kayo nagsisigawan?” Si Donya Winona
“Pasensya na po Donya” humingi ako ng paumanhin pagkat bisita lamang ako rito at anak n’ya Ang nakakabangga ko.
Lumabas si Riguel at iniwan kami ni Donya sa kusina.
“Pasensya na din Hija sa asal ng aking anak hayaan mo at sya’y kakausapin ko” binigyan n’ya ako ng pilit na ngiti.
Pagkatapos nuon ay nagtungo na ako sa aking kuwarto upang mapalamig ang aking isip. Habang iniaayos ang aking buhok ay may kumatok sa aking pintuan.
“Pasok po”
“Cathy?” Si Riguel pala.
“Ano nanaman?!”
“Hihingi na nga ako ng tawad sisigawan ko pa ako!” Bawi n’ya
“Gan’yan ba ang humihingi ng tawad?! Sinisigawan ako at mukhang napipilitan?!”...


Nanggagalaiti kong saad.
“Kung ayaw mo edi huwag!” Malakas na sigaw nito at padabog na isinarado ang aking pintuan, napabuntong hininga na lamang ako, s’ya na nga ‘tong hihingi ng tawad s’ya pa ang may kapal ng mukha na sigawan ako.
Dumating ang hapunan at tahimik kaming kumakain, Si Donya ang nasa gitna at si Riguel ang nasa aking tapat.
“Anong plano mo bukas Hija?” Tanong ng Donya para sa ‘kin
“Nais ko po sanang magdrawing Donya” nahihiyang aniya ko dahil wala naman akong dalang materials para makapagdrawing.
“Saktong sakto Hija! Madaming drawing materials sa Library namin ruon ka nalang mag tungo kinabukasan! Hayaan mo at pagkatapos ng ating umagahan ay ipatuturo ko sa Kasambahay ang Library” mahaba at masayang lintaya ng Donya, nginitian ko ito at nagpasalamat.
Kinaumagahan, Gaya ng nais ni Donya ay inihatid nga ako ng kasambahay sa Library ng Mansion, namangha ako sa nagtataasang cabinet na naglalaman ng napakaraming Libro.
“Duon po ang drawing place Senyorita” Ani ni ate Rose, Isa sa Kasambahay. Tinignan ko naman ang kanyang tinuturo at nakitang sa gitna Ito at napapalibutan din ng mga lamesang pahaba.
“Maraming salamat ate, Cathy nalang po” Ani ko, tumango Ito at lumabas na. Samantalang ako ay tinahak na ang daan patungo sa gitna at sinimulan ng magisip ng kung ano Ang ipipinta.
Makalipas Ang tatlong minuto ay nagbukas Ang pintuan ng Library at inluwa nito si Riguel sa kanyang normal at busangot na mukha, Hindi ko Ito pinansin at ipinagpatuloy nalang Ang pagguhit ng Vase at Bulaklak na nasa harapan.
Gamit ang gilid ng aking mga mata ay nakita ko itong umupo sa Isa sa lamesang pahaba at kinalikot ang dala dala n’yang laptop.
Sinilip ko ito at ‘di ko namalayan na nagtanggal na pala ang tingin ko na dapat ay silip lng. Napabaling Ito sa akin at nag taas ng kilay, inilipat ko naman ang aking tingin sa Iginuguhit.
To be continued…
_______________
Magandang umaga po!💛






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top