BILLIONAIRE’S WIFE
Chapter 4
Lumipas pa ang ilang minuto at pumasok si Donya kasama si Ate Rose na may dala dalang meryenda, nagdiretso ang Donya sa kanyang anak upang kausapin.
“Hijo, I already told you, you need to attend that pageant because I have a lot of meetings on that day” I heard the Donya.
“I don’t like pageants mama” si Riguel sa marahang boses, napabaling ako sa kanila at tinignan.
“Pageant po Donya?” Pagsingit ko sa kanilang usapan
“Oo Hija, inanyayaan Kasi akong mag judge sa pageant kaso madami akong gagawin sa araw na ‘yon” Ang Donya.
“Nais ko pong mapanuod ang Pageant! Kaylan po ba Ito?” Masayang lintaya ko, napabaling naman sa aking ang mga tingin ni Riguel tila nagtatansya.
“See Riguel? P’wede mong isama si Cathy para mapanuod n’ya naman” napabuntong hininga ang kanyang anak at tumango na lamang. Napapalakpak naman ang Donya
“Sa Sabado Ito Hija” ngingiti ngiting balinge sa aking ni Donya Winona.
“Sigeh po paghahandaan ko ito Donya!” Masayang Saad ko.
Sikat ang mga Villarosa dito kaya naman Hindi nakakapagtaka kung sa lahat ng okasyon ay naiimbitahan sila.
Pagsapit ng hapon ay nagulat ako dahil narito nanaman si Ezekiel kasama n’ya ang pinsan ngunit Wala na Ang tatlong babaeng nakita ko nung nakaraan.
“Anong ginagawa n’yo rito?” Si Riguel sa napakalamig na boses.
“Inimbitahan kami ni Donya dahil nabanggit kong kaibigan ko si Cathy at Sabi ng Donya baka raw nabobored na Ito rito kaya pinapunta kami” Saad ni Ezekiel at binaling sa aking ang tingin.
“At ano naman ang magagawa mo para maaliw si Cathy?!” Lumakas ang boses ni Riguel kaya nagulat ako, bumaling Ito sa akin ngunit matatalim na tingin Ang ibinalik ko sa kanya.
“Maari kaming magkwentuhan?” Inosenteng sagot ni Ezekiel
“Narito na pala kayo Hijo! Halikayo rito at tayo’y mag meryenda!” Si Donya ng napansin siguro ang ingay na nang gagaling dito sa Teresa.
Alas Dos palang ng hapon at meryenda na agad ang inihain ni Donya Winona para sa mga bisita habang kumakain ng Macaroons ay nagsimulang magsalita ang Donya.
“May naisip akong Gawain upang Hindi kayo mainip rito!” Masiglang sabi nito, napabaling naman kami sa kanya.
“Kayong tatlo Hijo! P’wede kayong maglaro ng Race gamit ang mga kabayo at manunuod kami ni Cathy!” Anyaya ng Donya tila nagliwanag naman ang mga mata ng kalalakihan at sabay sabay na tumango.
Habang nasa Salas ang mga kalalakihan ay iginiya ako ni Donya sa Kusina dahil nais...
pintasak20
dapat ginaya nio yung style ng wattpad..ndi ganito na puro putol
ang ganda ng story..next pls
ang ganda ng story…
next po