Embracing The Darkness Kabanata 6


Embracing The Darkness๐Ÿโ˜ช
๐Ÿ“šKabanata 6๐Ÿ“š
“Ate, puwede bang kapalan mo ang make up ko?” Sambit ni Maalindog habang nilalagyan ko siya ng liquid foundation sa mukha. Nandito na kaming muli sa bar. Si Maharot naman ay naiwan siyempre sa bahay.
“Ha? Bakit?” Nagtatakang tanong ko.
“Ayaw ko ateng magmukhang inosente at mahina sa paningin ng magiging costumer ko.” Malungkot akong napangiti bago tumango.
“Don’t worry akong bahala sayo. Pagmumukhain kitang matapang. Fierce look kumbaga.” Pagbibiro ko pa at napangiti naman si Maalindog.
“Siya nga pala Marie marunong ka bang kumanta?”
“Ano Ate? Naku Ate pambanyo lang boses ko. Bakit Ate? Ah alam ko na tinanong na din sa akin iyan ni Madam noong pagdating ko dito. Kaso Ate wala kong katalent-talent sa pagkanta tanging pagluluto lang ang talento ko.” Tumatawang sagot ni Maalindog na umiiling pa. Tumango lang ako ng nakangiti. Sayang kung marunong lang sana siya kahit hindi na magaling tiyak na may pag-asa siyang kunin ni Madam bilang singer at mabilis siyang makakaahon sa utang.
Dinagdagan ko pa ang layer ng foundation sa mukha ni Maalindog. Sunod ay inayos ko ang pagkakaguhit ng kilay niya. Nilagyan ko din siya ng brown eyeshadow. Pati liquid eyeliner ay mahusay at makapal kong iginuhit sa eyelids niya. Bago ko isinunod ang mascara na mas nagpakapal sa pilik-mata niya. Napangiti ako sa itsura ni Maalindog, makapal man ang koloreteng inilagay ko ngunit sakto lamang ito hindi eskandalosang tingnan. Nagmukhang dalagang-dalaga na siya. At ang huli at kokompleto sa look niya ay ang pulang lipstick.
“Tapos na!” Masaya kong sabi sa nakapikit pang si Maalindog. Bago kong inayos muli ang mga kolerete sa pouch bag ko. Unti-unting nagmulat si Maalindog bago humarap sa salamin maging siya ay nagulat sa kinalabasan.
“Wow Ate.” Namamanghang ani pa ni Maalindog.
“Oy nag-ibang level ang beauty at age mo Maalindog ah.” Puri ni Malambing na nagbibihis. Sumilip din sila Malambot at Matamis at nagthumbs up.
“Mahusay talagang magmake-up iyang si Masarap. Minsan kapag may VIP kaming costumers ay sa kaniya din kami nagpapaayos.” Sabi pa ni Malambot.
Nakangiting nagpasalamat si Maalindog at kami naman ay nagsimula ng magsibihis.
“Oh nandito ka pa pala Sakura?” Biglang sabi ni Magaling sa pumasok na si Sakura na isa sa ladyguard dito sa bar na nakatoka tuwing umaga.
Tumango lamang ang huli at pumasok sa isa pang pinto dito sa loob kung saan naroroon ang girls locker. Lumabas din itong bitbit ang kaniyang bag.
“Ang ganda niya.” Narinig kong ani ni Maalindog na nakasunod ang tingin kay Sakura.
“Ah si Sakura iyon girl. Isa siya sa gwardiya tuwing umaga. Mag-iingat ka doon at tahimik iyon. Alam mo naman may kasabihang nasa loob ang kulo ng mga tahimik na tao.” Bulong ni Malambot. Na siniko ko naman agad.
“Huwag kang magpapaniwala diyan kay Malambot, Maalindog. Mabait naman si Sakura sadyang tahimik lang na tao at seryoso.” Nakangiting ani ko. Na sinegundahan naman agad ni Matamis.
“Oo nga. Judgemental lang talaga iyang si Malambot.” Nakatawang ani ni Matamis.
“Type kasi niyang si Malambot si Sakuโ€”” napatigil sa pagsasalita si Malambing nang bigla ay may kalabog at sigawan kaming narinig sa labas. Agad naman kaming lumabas ng kuwarto at nadatnan namin si Sakura na nakatabingi ang mukha at sa harap niya ay isang malaking lalaki na may kaitiman na mukhang nakainom na hindi pa man kami nagbubukas.
“Ano?! Gusto mong masapak ulit?! Huwag kang pahara-hara sa dinadaanan ko!” Matapang na ani ng lalaki. Si Maalindog naman ay napatago sa likod ko at tiningnan ko naman siya ng may pagtataka.
“S-Siya iyong costumer na nagdala sa akin sa may b-barracks ate.” Nanginginig na sabi ni Maalindog na naluluha na sa takot. At ako naman ay napasinghap sa sinabi ni Maalindog kaya naman niyakap ko siya at itinago sa likod ko.
Muli ay nagsigawan ang mga nagtatrabaho dito ng muling sapakin ng lalaki si Sakura na tahimik lang.
“Nakakadalawa ka na. Huwag mong paaboting maging tatlo.” Malamig na sabi ni Sakura na dumura pa sa may gilid at pinunasan ang dumudugong putok na labi.
“Eh ang angas mo palang tibo ka eh. Oh sige pagbibigyan kita. Tatatlohin ko para sa iyo.” Mayabang na sabi ng lalaki.
Ngunit napalunok ang lalaki sa hindi ko malamang dahilan. Nakatalikod kasi sa amin si Sakura. Bigla ay sumuntok ang lalaki ako naman ay napapikit na din sa takot sa mangyayari kay Sakura. Baka hindi na kayanin ni Sakura, babae pa din siya. Nakahanda na kong tumalikod para sundoin ang mga bouncer namin na lalaki sa silid nila ng marinig ko ang singhapan nila. Muli ay humarap ako at nakita kong hawak na ni Sakura ang kamao ng lalaki unti-unti ay napapaluhod na ang lalaki at napapahiyaw na sa sakit.
Nagulat ako ng binigyan ni Sakura ang lalaki ng upper cut halos marinig ko ang hangin sa lakas ng suntok na iyon. Bumulagta ang lalaki at mukhang nahinatay habang...


kami ay tahimik na nakanganga sa nangyari.
“Bravo Sakura! Bravo! Ayaw mo pa din bang magnight shift duty? Kailangan kita sa pang-gabi dodoblehin ko pa sweldo mo at alam mo namang maraming loko-lokong costumerโ€””
“Ayoko.” Pagputol ni Sakura sa sasabihin ni Madam na hindi namin namalayan na nandito na din pala at kanina pa ding nanonood. Matapos ay tumalikod ang babae hila-hila sa may buhok ang lalaking bulagta papalabas. Napangiwi ako ng makitang parang wala lang kay Sakura ang bigat ng lalaki kung mahila ito sa buhok.
Si Madam naman ay napatikhim waring nahiya sa mabilis na pagtanggi ni Sakura. Ang alam ko kasi ay may bunsong babaeng kapatid pa si Sakura kaya hindi maiwan tuwing gabi. Lumibot naman sa amin ang mata ni Madam.
“Kilos na! Magsisimula na ang gabi niyo! Go!” Biglang sigaw ni Madam na pumapalakpak pa.
Tatalikod na sana kami para bumalik sa kwarto at ipagpatuloy ang naudlot na pag-aayos ng biglang tawagin ni Madam si Maalindog kaya maging kami ay napahinto.
“Maalindog! Bago ko malimutan tumawag sa akin si Manda nakakulong daw ang Nanay moโ€””
“P-po?!” Gulat na sambit ni Maalindog pati kami ay nagulat.
“May nakaaway daw ang Nanay mo sa sugalan. Naospital ang nakaaway ng Nanay mo kaya naman umabot na ito sa police station. At malaki ang hinihinging pang-areglo ng kabilang panig.” Dagdag pa ni Madam.
“M-Magkano po?”
“One hundred thousand pesos kung hindi ay tuloyan ng manghihimas preso ang Nanay mo.”
Para namang naupos na kandila si Maalindog na napaupo na at humahagulhol na.
“Hindi puwede. Paano ang dalawang kapatid kong babae.” Umiiyak na sabi ni Maalindog. Kami naman ni Matamis ay umupo na din at inalo si Maalindog.
“Puwede kitang bigyan ng isandaang libo para makalaya ang Nanay mo. Pero siyempre kailangan mo pang mas sipagan sa trabaho.” Alok ni Madam na may kaunting ngisi sa labi.
“Hindi!” Agad kong pagtutol. Hindi puwede mas lalong mababaon si Maalindog baka hindi na siya makabangong muli. Masyadong malaking halaga iyon.
“Sige po. Pakiusap Madam. Sisipagan ko na po.” Mabilis na sagot ni Maalindog na lumuluha.
“Marie…” Bulong ni Matamis.
“Kailangan. Kailangan ko itong gawin. Walang mag-aalaga sa dalawang kapatid kong babae. Delikado sila sa kung maiiwan sila sa adik nilang ama. Bata pa ang mga kapatid ko. Kailangan kong magsakripisyo alang-alang sa kanila. Madam, pakiusap.”
“Madali akong kausap Maalindog. Mabait din ako sa lahat ng alaga ko. Pero siyempre aasahan ko ang pagsisipag mo. Walang libre sa mundo.” Nakangitin wika ni Madam na agad nagpairap sa akin.
“Opo! Opo! Kahit ano.” Muli ay sagot ni Maalindog na umiiyak na.
“Cherry! Cherry! Ngayon din ay magpadala ka kay Manda ng pera. Narinig mo naman na. At Maalindog gusto ko lang ipaalala sa iyo na hindi pa nababawasan ang utang mo sa akin bagkus ay nadadagdagan pa. Interes pa lang ang nababayaran mo at kulang na kulang pa.” Sabi ni Madam na nagpalaki sa mata ko maging si Maalindog ay napatigil sa pag-iyak.
“A-Ano?! Paanong nangyari iyong Madam? Halos dalawang linggo ng nagtatrabaho si Maalindog. At sa lahat ng gabing iyon ay palagi siyang hindi nawawalan ng costumers at serbisyong makatas!” Hindi ko napigilang pag-alma. Masyadong madaya, sumosobra na si Madam!
“Well pasensiyahan. Hindi naman ako nagpapautang ng walang interes. Interes pa lang iyon at habang tumatagal na hindi siya nakakapagbayad mas lumalaki ang interes. Ganoon talaga ang negosyo at buhay Masarap.” Nakangiting sabi pa ni Madam na tumalikod na. Si Maalindog naman ay napahagulhol na siguro ay narealize niya ang katotohanang baka ilang taon pa ang buoin niya bago makaalis dito or worst hindi na siya makakaalis dito sa putikan. Mas gagamitin siya ngayon ni Madam at iyon ang kinakatakot ko.
Kaya naman hindi ko na pinag-isipan pa dala na din siguro ng sitwasyon. Pumikit na ko at nag-umpisa habang madiing nakasara ang mga kamao ko.
“Guess mine is not the first heart broken
My eyes are not the first to cry
I’m not the first to know
There’s just no getting over you
I know I’m just a fool who’s willing
To sit around and wait for you
But baby, can’t you see there’s nothing else for me to do?
I’m hopelessly devoted to you
But now there’s nowhere to hide
Since you pushed my love aside
I’m out of my head
Hopelessly devoted to you
Hopelessly devoted to you
Hopelessly devoted to you.”
To be continued…
Ano paboritong kabanata nyo na ba ito? Sanaol singerist๐Ÿคฃ Ano ang paborito nyong kabanata so far mga mamshie? Sinabayan nyo bang kumanta ang ating bida..Sa mga di nakakaalam, Hopelessly Devoted To You po ang pamagat ng awiting iyon na nalss ako ilang araw na๐Ÿ˜†๐Ÿคฃ May bago na naman utang si Maalindog jusq..Anong masasabi nyo kay Sakura? Nyahahahah may story den po si Sakura kaso mystery action po genre nun๐Ÿ˜Š Sana nagenjoy kayo andaming nangyari sa kabanatang ito๐Ÿคฃ๐Ÿ˜‚ bawal ang next comment joke๐Ÿคฃ






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top