WRITTEN BY: SKYLINE
MAAGANG gumising si Maysisa para magluto ng agahan nila ng kanyang lolo. Dahil dalawa lamang sila, dalawang itlog lamang ang kanyang niluto. Nagpakulo na rin siya ng tubig para kapag gumising na ang lolo niya, ipagtitimpla na lamang niya ito ng kape.
Habang nagluluto, naglilinis na rin siya ng buong bahay. Itinabi niya ang mga marurumi nilang damit, mamayang hapon na lamang niya iyon lalabhan. Pagkatapos niyang maglinis ng bahay at magluto. Napagpasyahan niya na maligo muna habang tulog pa ang kanyang lolo. Nagbibihis na siya ng uniform niya sa center nang biglang tumunog ang kanyang celphone. Bahagya pang kumunot ang kanyang noo.
“Alam mo storbo ka, bakit kaaga aga mong tumawag?” Mataray na wika niya sa kabilang linya. Ngunit tinawanan lamang siya nito.
” Nagtxt ba sayo si Ma’am Lina? Tanong nito sa kanya.
“Hindi, bakit?”
” Pinapapunta tayong lahat sa mansion nina Mayor. Ngayon daw ang binyag ng anak ni Mayor. Imbitado lahat ng government employees, pati lahat ng mga BHW.” Paliwanag na wika nito sa kanya.
” Pupunta ka ba?” Tanong niya dito.
“Oo, gusto kung makita ‘yong asawa ni Mayor na si Ma’am Charie at saka iyong baby nila.”
Gusto din niyang makita ang asawa ni Mayor, sabi nila napakaganda daw nito at mabait.
“Sige, pupunta din ako. Gusto ko din makita si Ma’am Charie.” Nakangiti niyang wika.
Matapos nilang mag almusal ay nagpaalam na siya sa kanyang lolo.
“Lo, aalis na po ako.” paalam na wika niya sa kanyang lolo. Tumango lamang ang kanyang lolo. Naawa siyang iwanan ito mag isa, dahil may malubha na itong sakit. Pero kailangan niyang pumasok araw araw sa center bilang isang BHW. Kailangan niyang magtrabaho para may makain silang dalawa. Hindi kasi sapat ang pinapadala ng kanyang ante. Kulang pa nga para pambili ng mga gamot nito.
Habang naglalakad, tinawagan niya ang kanyang boyfriend na si Dion. Kagabi kasi hindi maganda ang kanilang pag uusap. Pinag aawayan na naman nila ang pagiging seloso nito. Mahal na mahal niya ito kahit na may pagkaseloso. Nagkibit balikat siya ng hindi sinasagot nito ang tawag niya. Siguro galit pa ito kaya hindi sinasagot ang tawag niya.
“Ivy chezelle!” tawag niya sa kanyang best friend na si Ivy. BHW din ito tulad niya. Araw araw silang nagduduty, hanggang tanghali lamang ang kanilang duty. Iba na naman mamayang hapon.
“Beshy, ang aga mo naman,” wika ni Ivy sa kanya. Lumabas na rin ito ng kanilang bahay. Nakabihis na rin ito ng uniform nila. Magkapit bahay lamang sila nito. Mula pagkabata magkaibigan na sila. Sa katunayan si Ivy ang nagpasok sa kanya bilang isang BHW. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano ang tamang pagkuha ng blood pressure at heart beat ng isang tao.
Nong una nahihirapan siya lalo na sa pagkuha ng BP. Pero hindi nagtagal nakuha niya naman ng tama. Isang taon na rin na siya ay BHW ng kanilang lugar. Takbohan siya lagi ng kanyang nasasakopan na mga senior citizen. Lalo at kung ang mga ito ay masama ang mga pakiramdam oh kaya kapag mataas ang kanilang BP.
“Kailangan ko kasing tapusin yong report ko, hindi ko kasi nagawa kagabi.” Wika niya rito.
“Nakita ko kagabi si Dion ah, bakit ang aga yata niyang umuwe kagabi?” Tanong nito sa...
next po☺
next po😊