BESTFRIEND TURNS BOYFRIEND PART 4


BESTFRIEND TURNS BOYFRIEND🍂
PART 4
“Sige nga, anong paraan ba yung naiisip mo?” direktang tanong niya.
“Mag iisip palang!” Tanging sagot ko.
“Ahh, basta! Pag isipan mo yung sinabi ko!” Saan niya bago tumayo at umalis na.
Kailangan ko ba talagang gawin yun! Gusto ko sanang gumanti pero parang mali naman yun!
Pero mali din naman yung ginawa nilang panluluko sakin.
“Huy, kung ano man yang nasa isip mo! Wag mo nang ituloy.” Sabat ni Macky sa likuran ko.
“Kanina ka paba diyan? ” tanong ko, tumango lang siya bilang tugon.
“Hindi mo pa nga sinasabi sakin kung ano ba talagang nangyayari nung gabing yun! Iniisip ko tuloy kung kaibigan mo tala ako! ” Sabi niya bago yumuko.
Tama siya, hindi ko pa na kukweto sa kanya kung ano ba talagang nangyari. Pati sila mama, hindi rin nila alam.
Tumayo ako at humarap sa kanya ng maayos.
“Tumayo ka diyan! ” Usal ko, sumunod naman siya kaagad.
“Halika ikukwento ko sayo!” sabi ko at hinawakan kaagad yung kamay niya bago hinila palabas. Saktong pag labas ko ng pintuan ay nakasalubong naman namin si Neil at Jackie. Napahinto naman kami pati sila Neil, Nakatingin lang ako sa mata niya at nakatingin tingin rin sakin, bali nakatitig kami sa isat isa. Hindi ko alam pero bakit may sakit sa...


loob ko, parang matiyak ako pero hindi ko puwedeng ipakita sa kanya na affected parin ako.
Pilit ko lang siyang nginitian at nilipapat ko yung tingin ko kay Jackie na ngayon ay madilim yung tingin sakin.
“Ah kum-”
Mag sasalita pa sana si Neil ng hilain ko ulit si Macky at nilagpasan sila.
ΔCHAPTER2Δ
~YYANAH’S POV~
>>Flashback<< "Ikaw lang ang mahal ko, hayaan mo di mag tatagal mag sasama din tayo, okey!" Rinig kong sabi ni Neil habang papalapit ako sa kwarto namin. Bubuksan ko na sana yung kwarto ng mag salita siya ulit. "Jackie makinig kang mabuti, hindi ko na mahal si Yyanah! Ikaw na yung gusto ko, ikaw na yung mahal ko. Nag hahanap lang talaga ako ng tyempo para makipag hiwalay sa kanya, pagkatapos nun malaya na tayo! " Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Ang sakit eh! Parang sinasaksak yung puso ko sa subrang sakit. He cheated on me! I can believe that he can do this to me. Sunod sunod nang nagsitulo yung mga luha ko. "Ba-bye na muna, baka dumating si Yyanah! I love you!" rinig kong sabi niya dun sa katawag niya Jackie! Bigla nalang bumukas yung pinto ng kwarto kaya dali dali kung pinunasan yung mga luha ko tsaka tumalikod. "Ah-hh ka- kanina ka paba?" pautal niyang tanong.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top