Ikaw lang ang nasa puso ko Chapter 10


Ikaw lang ang nasa puso ko
Chapter 10
.
Nagalit si Mang Andres nang makita niyang magkatabi sa kama ang anak at si Ariel..sino nga ba naman kasing ama na matutuwa, kaya nabigla si Mang andres at aling Marissa.
.
Andres : pinagkatiwalaan kita anak, tapos ganyan pa ang gagawin mo, at ikaw din lalake, pinagkakatiwalaan din kita pero sinamantala mo yong pagkakataon na—
Mary Ann : tay. Patawarin mo po ako (umiiyak na niyang sabi).
.
Hindi makakilos si Mary Ann dahil sa wala siyang suot na damit at binalot lang nila ng kumot ang kanilang mga katawan..iyak ng iyak si Mary Ann dahil nahihiya siya sa tatay niya at nanay.
.
Marissa : Andres, hayaan mo munang makapagbihis ang mga bata.
.
Galit na lumabas si Andres sa kwarto ni Mary Ann kasabay niyang lumabas si Marissa, padabog niyang isinara ang pinto, napapikit na lang si Mary Ann ng marinig niyang kumalabog ang pinto ng kwarto niya, at takot na takot siya sa tatay niya..hindi niya alam ang gagawin, niyakap na lang siya ni Ariel at pinakalma.
.
Ariel : ssshh…tahan na, mahal na mahal kita Mary Ann, handa kong panagutan ang nangyari satin.
.
Napahagulgol sa iyak si Mary Ann, hindi dahil sa takot, kundi sa ligaya, dahil sa binitawang salita ni Ariel, nawala na ang takot sa puso niya, alam naman niyang malawak ang pang-unawa ng tatay niya, sa isip niya nabigla lang ang tatay niya..at tumayo na sila sa kama at pinagpupulot nila ang mga damit nila sa sahig.at nagbihis na silang dalawa, inayos nila ang kanilang mga sarili, nakaramdam din ng hiya at takot si Ariel ng mga sandaling iyon, pero hindi niya pinahalata kay Mary Ann..at samantalang ang mag-asawang Marissa at Andres ay nag-uusap.
.
Marissa : Andres, huwag ka ng masyadong magalit sa anak mo, alam mo naman noon pa man ay walang bukang bibig yong anak mo kundi si Ariel, siguro talagang mahal niya lang si Ariel.
Andres : oo alam ko yun. Eh si Ariel nakakasiguro ba tayo na mahal din niya yong anak natin, malay ba natin kung may ibang kasintahan yan sa pinanggalingan niya.
Marissa : hindi naman siguro, nakita mo naman yong sinabi niya sayo kanina ng humingi siya ng pahintulot sayo na manligaw kay Bunso diba, na mahal daw niya si Bunso kaya niya liligawan.
Andres : hay Marissa, hindi mo maaalis sakin na hindi mag-alala sa nangyari, nakita mo naman ang estado ng buhay natin at buhay nila, mayaman sila, samantalang tayo ay isang mahirap lang, ano na lang ang sasabihin nila SeΓ±or Arman at DoΓ±a Elena.
Marissa : hindi naman siguro, oo mahirap lang tayo pero nagsusumikap naman tayo, lalo na yong anak mo, buong buhay niya ay binigyan niya tayo ng karangalan, at ngayon ay nakakaaho ahon na tayo sa buhay..sana naman suportahan naman natin yong anak mo ngayon..huwag ka ng magalit sa kanila.
.
Pinag-iisipan ni Mang Andres ang mga sinabi ni Aling Marissa, at samantalang sina Mary Ann at Ariel ay papalabas na ng pinto, bago sila lumabas ay niyakap muna nila ang isat isa na parang kumukuha sila ng lakas ng loob sa isat isa, at handa na silang harapin ang mga nagawa nila, at binuksan na nila ang pintuan upang sila ay lumabas na ng kwarto, nanginginig ang mga tuhod ni Mary Ann habang naglalakad papunta sa may sala kung saan ay naroon ang kanyang mga magulang na hinihintay ang paglabas nila ni Ariel, at samantalang si Ariel naman ay nakakaramdam din ng takot at hiya kay Mang Andres. Handa naman niyang tanggapin ang anumang gagawin sa kanya ni Mang Andres, kung pagbubuhatan siya ng kamay nito, siya daw ay nakahanda na..magkahawak kamay silang lumapit sa mag-asawang Andres at Marissa..hindi sila makatingin ng deretso kay Mang Andres dahil nga sa takot at hiya, at ganun din kay Aling Marissa..at ng makarating na sila sa sala ay naupo silang magkatabi sa sopa na magkahawak pa din ang mga kamay, na waring mayroon silang malalaglagan na bangin na kailangan nilang kumapit sa isat isa upang hindi mahulog sa bangin, mahigpit ang mga hawak nila sa isat isa, at si mang Andres naman at Marissa ay nakatingin sa mga kamay nilang magkahawak, at alam naman ng mag-asawang Andres at Marissa kung gaano kahigpit ang hawakan nila sa isat isa..at ng maka-upo na sila Ariel at Mary Ann ay wala ni isang salita na lumabas sa mga labi nila, at ganun din ang magulang ni Mary Ann, pinapakalma pa ni Mang Andres ang kanyang sarili..at hanggang sa ang katahimikan nilang iyon ay binasag ni Mang Andres.
.
Andres : paano ninyong ipapaliwanag sa amin ito ha Ariel, Mary Ann.
Mary Ann : tay, nay. Sorry po!!
Ariel : patawarin nio po ako mang Andres, Mahal ko po ang anak ninyo!(sabad na ni Ariel)
Andres : Mahal?? Kailan lang uli kayo nagkita, mahal mo na siya agad.
Ariel : opo, mahal ko po si Mary Ann. opo matagal kaming hindi nagkita..pero umibig agad ang puso ko sa anak po ninyo..mahal po namin ang isat isa, kaya po kung mamarapatin nio po Mang Andres, aling mArissa, pakakasalan ko po si Mary Ann.
Andres : oo pakakasalan mo dahil may nangyari na sa inyo!
Ariel : pakakasalan ko po siya dahil mahal ko po si Mary Ann, hindi po dahil sa may nangyari na sa amin..kaya po sana po hinihiling ko po ang basbas nio, dahil sa mahal ko si Mary Ann, gusto ko po siyang pakasalan, gusto ko po siyang makasama habang buhay.
.
Maligayang maligaya si Mary Ann sa mga narinig niya kay Ariel, para siyang nakalutang sa alapaap, naglulumundag ang puso niya sa galak, sabi pa niya sa sarili niya, na sana daw kung panaginip iyon ay huwag na siyang magising..pero hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Ariel at pinipisil pisil pa niya ang mga kamay ng binata, at ganun din si Ariel, hawak niya din ang kamay ng dalaga, at ganun na lang ang tuwa ng puso ni Mary Ann dahil ramdam niya at totoong nangyayari na yun sa buhay niya at hindi siya nananaginip, dahil gising na gising siya.
.
Andres : alangan kami sa estado ng buhay nio, mahirap lang kami, pero kayo ay mayaman.
Ariel : hindi po sukatan ang estado sa buhay, mahal po namin ni Mary Ann ang isat isa kaya wala po akong paki-alam kung ano po ang estado ng buhay nio. Sa pag-ibig po walang mahirap at mayaman, umiibig po ako sa anak nio kaya gusto ko po siyang makasama sa buhay at hanggang sa aking pagtanda..kaya po sana po Mang Andres pumayag po kayo na pakasalan ko si Mary Ann.
Andres : gusto kong malaman sayo Mary Ann, totoo bang mahal mo si Ariel?
Mfary Ann : opo tatay(sagot niya agad)
Andres : bueno kung ganun, nariyan na yan, nangyari na..sige pumapayag na ako.
.
Nagyakap sa tuwa sina Mary Ann at Ariel, kapwa lumuluha sa kagalakan ang dalawang magmamahalan, natutuwa na din ang kalooban ni Marissa dahil alam naman ni Marissa na mahal na ng anak niya noon pa si Ariel, dahil minsan na niyang, napakialaman ng di sinasadya ang diary, at nakalagay nga doon sa diary ni Mary Ann na, si Ariel lang ang laman ng puso nito.
.
Ariel : maraming salamat po sa pagtitiwala nio sakin.makakaasa po kayo na mas mamahalin ko po si Mary Ann, at hinding hindi ko po siya sasaktan.
.
Lumapit si Mary Ann sa ama at ina, niyakap niya ang mga ito dahil sa katuwaan.
.
Mary Ann : tay, nay salamat po!! (Umiiyak niyang sabi)
Andres : anak, pasensiya ka na kanina, nabigla lang ako, kaya ako nakapagtaas ng boses.
Mary Ann : tay, naiintindihan ko po kayo..ako po ang dapat na humingi ng pasensiya, at hindi po kayo.
Marissa : anak, siguro naman panahon naman na para bigyan mo naman yong sarili mo ng kaligayahan. Masaya ako anak para sayo, at sana Ariel pakamahalin mo ang kababata mo.(baling nito sa binata)
Ariel : makaka-asa po kayo N-nay!!
Marissa : salamat anak!
Ariel : T-tatay salamat po uli sa pagpayag nio na pakasalan ko ang anak po ninyo.
Andres : basta ipangako mo na sana, pakamahalin mo si Mary Ann.
Ariel : opo, ipinapangako ko po, tatay!!
Andres : sige, kailangan kong maka-usap ang mga magulang mo.
Ariel : opo tatay, ngayon po mismo papupuntahin ko po sila dito.
.
Hindi nga nagtagal ay umuwi si Ariel para sunduin ang kanyang mga magulang, pagka-hinto pa lang ng kotse niya ay bumaba agad si Ariel sa sasakyan, at nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay nila, at hinanap ang mga magulang.
.
Ariel : yaya, nasaan po sila papa at mama?
Yaya : umalis sila iho, kasama si Marielle, at hindi ko alam kung saang bahay ng kaibigan nila sila nagpunta..pero ang sabi saglit lang daw sila doon, baka pabalik na yong mga yun, kumain ka na iho.
Ariel : busog po ako ya! Sige po aakyat po muna ako sa kwarto ko.
.
Napakasaya ng mukha ni Ariel, at yun ay pansin ng kanyang yaya, at pansin din ni Katherine.
.
Katherine : hi Ariel, mukhang masaya ka ah.
Ariel : oo katherine, sobrang saya ko..nag-dinner ka naba?
Katherine : hindi pa nga eh, hinihintay kasi kita.
Ariel : bakit kasi hinihintay mo pa ako, yaya, paki samahan naman po si Katherine sa kusina, ipaghanda nio po siya ng makakain.
Katherine : eh, gusto kong kasabay ka, ikaw naman, ang tagal nating hindi nagkita, pagkatapos di mo man lang ako iistimahin, (pagtatampo niya)
Ariel : ikaw naman nagtampo ka pa, sige na nga samahan na kitang kumain.
.
At sinabayan nga ni Ariel na kumain si Katherine, habang hinihintay ni Ariel ang mga magulang.
.
Katherine : sabihin mo naman sakin kung bakit ka masaya?
Ariel : I’m getting married!!
Katherine : W-what??
Ariel :...


ikakasala na ako!!
Katherine : magpapakasal ka na??
Ariel : oo, katherine.
Katherine : really!! And who is the lucky girl??
Ariel : si Mary Ann ang kababata ko
.
Nakuyom ni katherine ang mga kamao, nagpupuyos sa galit at panibugho ang kalooban ni katherine, matagal na siyang may gusto kay Ariel ngunit hindi naman siya gusto ni Ariel, dahil hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay sa kanya ni Ariel, kahit gumagawa na si katherine ng paraan para makamit lang ang pag-ibig nito, pero bigo pa din siya, at ngayon nga nalaman na niyang magpapakasal na si Ariel sa kababata nito, na noon pa man ay naririnig na niya ang pangalang Mary Ann, dahil sa laging ikinukwento ni Ariel si Mary Ann kay Katherine.
.
Katherine : kailangan pala nating icelebrate yan.
Ariel : sobrang saya ko katherine!!
Katherine : mahal mo ba talaga siya.
Ariel : oo. Mahal na mahal ko siya katherine.
.
Parang binibiyak ang puso ni Katherine sa mga pahayag ng kaibigan niyang si Ariel, sa isip niya paano na kaya siya ngayon, sobra namang nasasaktan ang kalooban ni Katherine sa mga sandaling iyon..at hanggang sa natapos na silang kumain, ay wala pa ang mga magulang ni Ariel..tapos na silang kumain, umakyat na si Ariel sa kwarto upang maligo, si Katherine naman ay nagpunta sa mini bar sa may katabing entertainment room, naningin si Katherine ng mga alak doon, at ng may mapili na ay, kinuha niya ang bote ng alak, at kumuha siya ng kopita, at nagsalin ng alak, parang gusto daw niyang magpakalunod ng husto sa alak, dahil sa sama ng kanyang loob..baliwala ang sama ng lasa ng alak ng tunggain ni Katherine ang alak sa may baso, at hanggang sa may tumakbong plano sa kanyang isipan..pumasok siya sa guestroom na tutulugan niya, at may kinuha siya sa kanyang bag, at saka bumalik sa mini bar, kumuha pa siya ng isang kopita, at sinalinan ng alak, kumuha siya ng ice cube sa ref at nilagyan ang baso na may alak, at hanggang sa kumatok siya sa may Kwarto ni Ariel.
.
Ariel : sino yan?
Katherine : Ako ito Ariel, pwedeng pumasok?
Ariel : sandali lang magbibihis lang ako.
.
Matiyagang naghintay sa tapat ng pinto si Katherine, at hanggang sa binuksan na ni Ariel ang pinto niya, at pumasok naman si Katherine, at ibinibigay ni Kahterine ang hawak niyang baso na may Alak kay Ariel.
.
Ariel : ayoko sanang uminom ngayon, babalik kasi ako kila Mary Ann ngayon, hinihintay ako doon ng mga magulang ni Mary Ann, hinihintay ko lang sina mama at papa.
Katherine : sus, ano na lang ba naman itong nasa baso eh, kakaunti lang naman ito.
.
Wala ng nagawa si Ariel kundi kuhanin na lang ang alak na ibinibigay ni Katherine sa kanya, sa isip niya konti nga lang naman iyon at hindi naman siya malalasing doon..at kinuha nga niya ang baso na may alak na inaabot ni Katherine.
.
Ariel : pag-nainum ko ito tama na ah..
Katherine : oo naman, tama na yang isang baso na yan.
.
At tinungga nga ni Ariel ang alak sa may baso, natuwa naman si Katherine ng ininum ni Ariel ang alak, nagdiwang ang kalooban niya, dahil nilagyan ni Katherine ng sleeping pills ang alak..dahil hindi daw siya makakapayag na mapunta si Ariel kay Mary Ann, kailangan niyang gawin iyon, upang siya ang papakasalan ni Ariel at hindi si Mary Ann.
.
Katherine : kasarap ng wine na ito ano!
Ariel : oo masarap talaga..(sabay lapag ng baso Sa may table..)
Katherine : kuhanin mo akong abay ha, pag kinasal kayo ni Mary ann.
Ariel : oo ba.walang problema.
Katherine : ayan. Sabi mo yan ha, hindi muna ako babalik sa America hanggat hindi kayo naikakasal.
.
At hanggang sa nangyari na ang hindi inaasahan ni Ariel, sa pakikipag-kwentuhan niya kay Katherine ay parang sumama ang kanyang pakiramdam. Masakit ang ulo niya na parang nahihilo siya, napapikit si Ariel dahil parang sa pakiramdam niya ay nalasing siya, hindi siya makapaniwala na sa isang baso lang ng alak ay malalasing na siya, at hanggang sa hindi na niya nakayanan ay napaupo siya sa kama niya, at talagang pakiramdam niya ay babagsak na. at ayon na nga tuluyan na siyang napahiga sa kama dahil parang antok na antok na siya..tuwang tuwa naman si Katherine dahil tagumpay ang plano niya, inayos niya si Ariel sa pagkakahiga sa kama. Tinanggal niya ang pang-itaas ng binata, at sinunod ang pang-ibaba nito, wala siyang itinira ni ano mang saplot sa katawan ng binata, napalunok si Katherine sa nakita niya.
.
Katherine : Ariel, sa akin ka lang, hinding hindi ka mapupunta sa Mary Ann na yun!
.
Ngunit hindi na narinig ni Ariel ang mga sinabi ni Katherine dahil si Ariel ay mahimbing ng natutulog..at hanggang sa napagpasyahan ni Katherine na magpunta sa banyo upang mag-shower, dahil sa init ng kanyang nararamdaman, at sa isip ni Katherine ay magtagumpay siya ng tuluyan sa kanyang mga plano.. samantala naman
sa bahay nila Mary Ann, inip na inip na si Mary Ann sa paghihintay kay Ariel at sa mga magulang nito, dahil ang pangako ni Ariel ay babalik din ito agad, pero malapit ng lumalim ang gabi ay hindi pa din bumabalik ang binata, nag-aalala siya, baka hindi siya tanggap ng mga magulang nito ah, naiiyak na si Mary Ann dahil sa isiping iyon.
.
Andres : pumasok ka na Mary Ann, baka hindi na sila pupunta..yan ang sinasabi ko eh.
Marissa ; baka naman, nalasing si SeΓ±or arman kaya hindi sila makapunta.
Andres : ang sabihin mo baka ayaw nila sa anak mo? (Madiin niyang sabi)
.
Hindi na napigil ni Mary Ann ang luha, nag-uunahan ng bumagsak sa mga pisngi niya ang mga luha.
.
Marissa : anak, huwag ka munang mag-isip ng kung ano ano. Hintayin mo na lang si Ariel, siguro naman kung hindi sila makakapunta ngayo, eh baka bukas sila makakapunta.
Andres : sige na, magpahinga na tayo, bukas na lang natin sila hintayin, gabi nang masyado.
.
Marissa : sige na anak, pumasok ka na sa kwarto mo, pahinga ka na..para bukas maaga kang gumising..huwag ka munang mag-isip ng mga bagay na magpapagulo ng isipan mo.
Mary Ann : opo nay, kayo din po pahinga na din, nay pasensiya na po kayo ha.
Marissa : anak. Mahal ka namin ng tatay mo, kaya kung saan ka masaya ay doon kami, basta anak nandito lang kami ni tatay mo ha.
Mary Ann : salamat po nanay
.
Pumasok na nga si Mary Ann sa kanyang kwarto, tama nga naman yong nanay niya, hindi siya mag-iisip ng mapangit na bagay, iniisip na lang niya ay yong mga binitawang salita ni Ariel na mahal na mahal siya nito..pagkasara niya ng pinto ng kwarto niya ay hindi pa siya umalis sa may pinto, sumandal pa siya sa may pinto at pinagmasdan muna niya ang kanyang kama na gulo gulo pa din dahil sa naganap sa kanila ni Ariel, napapangiti siya dahil inaalala niya ang mga sandali na nilasap nila ni Ariel ang tamis ng pag-iibigan nila dito mismo sa kanyang kwarto at doon mismo sa kanyang kama..at hanggang sa pumunta na siyang nahiga sa kama, na kanina lang ay katabi niya roon ang minamahal na lalaki, inaalala niya ang mga dampi ng halik ni Ariel sa kanyang mga labi at ganun din sa kanyang katawan, ang init ng mga haplos ni Ariel sa kanya, at dahil doon ay nawala ang lungkot niyang nadarama dahil parang kasama pa din niya si Ariel doon sa kama niya dahil sa iniisip na lang niya ang mga pag-iisang katawan nila ni Ariel, at pina-uulit ulit niya sa isip niya na habang kaniig niya ang minamahal ay ang mga kataga ni Ariel na I LOVE YOU MARY ANN..nagrerewind yoon sa utak niya kaya, nawala ang kanyang mga pangamba..at hanggang sa nakatulog na nga si Mary Ann..at samantalang si Kahltherine ay natulog din sa tabi ni Ariel, at lumipas ang magdamag at sumapit ang kina-umagahan, tirik na ang araw ay tulog pa din si Ariel, pero si Katherine ay gising na gising na noon..nakaunan siya sa mga braso ni Ariel, at nakadantay at nakayakap siya sa binata.
.
Elena : Yaya, si Ariel bakit hindi pa gumigising, tanghali na ah!
Yaya : ewan ko nga ba sa bata na yun, eh kay aga aga naman niyang pumasok sa kwarto niya at hindi na lumabas pa.
Elena : ganun ba. Sige ako na lang ang aakyat, gigisingin ko na siya para sabay sabay kaming mag-aalmusal, at pati na rin si Katherine pala, gigisingin ko na din.
.
At umakyat si Elena para gisingin siNa Katherine at Ariel.. una muna niyang kinatok si Katherine, ngunit matagal na siyang kumakatok sa kwaRto ni Katherine ay hindi pa ito gumigising, dahil hindi pa ito sumasagot, kaya naisipan niyang pihitin ang knob nito, at bukas ito, kaya pinihit niya at sumilip sa loob, nagulat pa siya at wala sa kama ang dalaga, kaya tumuloy siyang pumasok, at dahil daw baka nasa banyo, kaya pumasok si Elena sa loob ng kwarto at pumunta siya sa banyo, pero walang tao sa banyo, nagtaka siya bakit wala roon si Katherine, eh posible naman daw na doon nag-kwarto ang dalaga dahil naroon naman ang mga maleta nito. Kaya napagpasyahan na lang niya na pumunta na sa kwarto ni Ariel..pinihit din niya ang knob ng pinto ni Ariel, at bukas din ito, kaya binuksan niya ng tuluyan ang pinto ng kwarto ng anak, at tuluyan siyang punasok, at sa di niya inaasahan ay nagulat siya nagimbal siya dahil magkatabi sa kama sina Ariel at Katherine.
.
Elena : Ariel!!!!!(sigaw niya)
Itutuloy…..
Sa buhay talaga ng tao ay di maiiwasan na merong kontrabida ano po.πŸ˜…πŸ˜… ano na kaya ang gagawin ni Ariel?
Abangan po ang pagtatapos ng kwento..
Salamat po sa lahat ng nakasubayay..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top