BETTER VERSION


BETTER VERSION”
written by—solene terpsichore
—take time to read this.
“Nicole! hintayin mo naman ako, bilis-bilis nitong lumakad.” sigaw ko sa kaibigan ko, yes she’s my bestfriend but i see her more than just a bestfriend, pero wala akong balak umamin sa kaniya, I can’t afford to lose her.
“Alam mo Khairo?”
“Ang alin?”
“Syempre hindi.”
“Dinodogshow mo na naman ako Nics, tigil-tigilan mo ako.” wika ko at humalak-hak naman siya ng tawa, aba eh paano kasi lakas mang-asar.
Habang nag-lalakad kami ay napahinto ako kaya pansamantala rin siyang huminto.
“Bakit ka tumigil Khai?” tanong niya.
“Napagisip-isip ko lang, what if malaman mo na may gusto ako sa’yo?” tanong ko at siya naman ay hindi agad nakapag-salita.
“Siguro, lalayo muna ako sa’yo.” wika niya kaya agad nabaling ang tingin ko sa kaniya.
“Lalayo? bakit ka naman lalayo?” agad kong tanong sa kaniya.
“Kasi we’re still young, we’re just a freakin’ 7 years old, okay minor moment’s nga naman.” agad naman akong napatawa, oo nga pala, maybe ako nalang ang nakaka-alala, kung alam niya lang ang tagal ko siyang hinintay, knowing na sa past life namin ay hindi kami nagkaroon ng happy ending.
“Grabe maka minor moment’s ah, sino kaya sa atin ang maraming kalandian sa chat’s?” tanong ko at kinunutan naman niya ako ng noo.
“Well that was Mark, John, and Chester my three crush, may angal ka? ikaw nga lahat ng girl’s sa room nababaliw sa’yo nagalit ba ako? tyaka wala naman akong karapatang magalit dahil lang sa crush ka nila, mukha naman silang frog, iwww kadiri, oh huwag mong sabihin na sila ang kakampihan mo?”
“Wala naman akong sinabi na kakampihan ko sila, tsk tyaka bakit ka ba nagagalit diyan ha!?”
“Sabihin mo fake prend ka!” wika niya sa akin at tyaka tumakbo palayo, well what was that? anong connect ng fake friend sa mga usapan namin.
______________________________
“Ang bastos mo naman kausap khai! binabalik mo na naman ’yong usapan natin way back 7 year’s old tayo!” wika ni Nics kaya natawa ako, kanina pa siya inis na inis sa akin.
“Pero Nics, kapag ba sinabi ko sa’yong gusto kita maniniwala ka?” tanong ko at siya naman ay nahinto.
“Syempre hindi mangyayari ’yon mag-bestfriend tayo eh.” wika niya.
“Alam mo kung bakit ko ’yan tinatanong ngayon kasi totoong gusto kita Nics, more than just a bestfriend.” wika ko at nanlaki naman ang mga mata niya, as I expected magugulat talaga siya.
“Khai, alam mo naman na sa bagay na ito ay hindi pa ako handa at tyaka nag-promise tayo na kapag naging better version na tayo ng mga sarili natin tyaka natin ipro-prioritize ang love ’diba?”
“Wala naman akong sinabi na sagutin mo na agad ako, sinabi ko lang para aware ka.” wika ko at ngumiti naman siya agad sa akin.
____________________________
Kanina ko pa hinihintay si Nics, asan na kaya ’yon? at sa ’di kalayuan ay nakita ko siya, kasama si Chester.
“Bakit ngayon ka lang Nics, kanina pa kita hinihintay.”
“Alam mo Khai sana hindi mo na ako hinintay, kasi nandito naman ang boyfriend ko si Chester.” wika niya at ako naman ay nanlaki ang mata.
“Boyfriend mo?”
“Yes, sinagot ko na siya kasi doon rin naman papunta ’yon eh.”
“Akala ko ba, hinihintay mo na maging better version tayo ng mga sarili natin, bakit ganito? nagpapatawa ka ba?”
“Look Khai, kung hindi mo siya matanggap pwes wala na akong magagawa, Khai mahal ko si Chester.” wika niya at ako naman ay agad ng sumakay sa motor ko at umalis, dala ang mga luha na pilit kumakawala sa mga mata ko.
______________________________
NICOLE POV:
It’s been five years at simula ng mangyari na malaman ni Khairo na may boyfriend na ako ay hindi ko narin siya naramdaman pa, nabalitaan ko nalang na lumipat na sila ng bahay, kinukumusta niya parin naman ako kaso sa chats nalang.
Hanggang ngayon ay suot-suot ko parin ang binigay niyang necklace sa akin noong mag 18 birthday ako, hindi ko ito hinuhubad kasi parang ito nalang ang mayroon ako.
Patuloy ako sa pagmuni-muni ng biglang may kumatok sa pinto, kaya agad ko itong pinagbuksan, baka mamaya si mama na pala.
“Ma—”
“Hi, Nics long time no see, ano kamusta na?” si Khairo pala ito ang laki na ng pinagbago niya sa tingin ko ay talagang nakapasa siya bilang isang ganap na engineer.
“M-Medyo may kaunting sakit lang pero magiging maayos rin ang lagay ko.” wika ko, nakakatawa dahil kabaligtaran ako nito, hindi na magiging maayos ang lagay ko, sa katunayan nga ay may taning na pero si mama lang ang may alam nito.
“Pumunta ako rito para personal sanang ibigay ang invitation na ito.”
“I-Ikakasal ka na?”
“Yes, I am getting married Nics, ikaw kamusta kayo ni Chester?”
“Hindi naman naging kami, Khai.”
“P-Pero? ano ’yong sinabi mo noon”
“Wala, kalimutan mo na, congrats pala ah, masaya ako para sa’yo!” wika ko at pilit tinatago ang mga luha, ako sana ’yan eh.
__________________________
Araw na nang kasal ni Khairo at talagang napaka-garbo...


at enggrande ng kasalan na ito, maging ako ay namamangha.
Hindi ko sila magawang titigan pakiramdam ko ay para akong pinipiga, mahal ko si Khairo simula noon pa man pero ayokong ma-stuck siya sa taong iiwan narin naman siya.
Ako ang maid of honor nila pero hindi ko maatim na titigan sila pakiramdam ko ay para akong dinudurog.
Sa wakas ay natapos na, agad akong tumakbo papalayo, sa dalampasigan ginanap ang kasal nila, kaya nandito kami ngayon.
Napansin ko na sinunda ako ni Khairo at nagmamadali rin siya na maabutan ako.
“Nics, anong problema?” tanong niya ng maabutan ako.
“K-Kasi hindi ko na kaya Khairo, ayoko kayong makita na ganiyan nasasaktan ako kasi noon pa man mahal na kita pero alam mo ang mas masakit hindi ko masabi sa’yo dahil ayokong masaktan ka sa pagkawala ko, ayokong matulad ka kay mama noong mawala si papa, hindi ko kayang nasasaktan ka dahil sa akin.”
Napatingin naman ako sa sunset napakaganda.
“Khai alam mo wala akong galit sa’yo natutuwa pa nga ako kasi nahanap mo na ang better version mo at ang babaeng makakasama mo sa lahat, hangad ko lahat ng kaligayahan para sa’yo.” wika ko sabay higa sa buhangin.
KHAIRO POV:
Kanina ko pa napapansin na ang tahimik ni Nics, siguro tulog lang. Mga ilang minuto ay tila napansin ko na parang may kakaiba na, agad kong hinawakan ang pulso niya at naramdaman ko na hindi na ito tumitibok pa.
I hug her tightly, sobrang higpit na parang ayoko na siyang pakawalan, pero siya na ang kusang namaalam, bakit ganito, huli na ba talaga ang lahat? hindi na ba kayang ibalik ang dati? bakit kailangang mangyari pa ang lahat ng ito!
“Nics naman, akala ko ba tutulog ka lang kasi puyat ka! gumising ka na! lumubog na ang sunset, kasabay mo, kasabay mo siyang nawala.”
Kapalaran nga naman napakahirap hulaan hindi mo alam kung anong mangyayari, hindi mo masabi na porke tila na sa’yo na lahat magiging masaya ka.
Napakalaki ng regret ko na hindi ko nagawang ipaglaban siya, bakit ba ako sumuko agad!
____________________________
Habang nandito kami sa harap ng reception ay nagulat ako ng magsalita si Elyse ang babaeng pinakasalan ko.
“Father, huwag niyo na pong i-submitt ang marriage contract kasi wala naman akong balak ma makasal sa lalaking ito, dahil lang ito sa kahilingan rin ng kaibigan ko, gusto niyang may mag-alaga kay Khairo kaya pinilit niya ako, at dahil wala na naman akong magagawa ay tinupad ko at dahil nawala narin siya wala ng dahilan para tuluyan kaming maikasal.” wika niya at sabay umalis kami naman ay agad nagkatinginan, para kaming nagbibiruan dito.
_______________________________
Last day na ni Nicole at lahat kami ay hindi matigil ang pag-iyak, ito ba ’yong better version niya na paulit-ulit niyang sinasabi, bakit hindi ko nalaman na may leukemia pala siya sana mas marami pang ala-ala ang nabuo namin ng magkasama.
Nagulat ako ng may batang babae akong nakita, she really looks like Nicole when we’re still a kids.
Umiiyak ito at niyakap naman siya ni nanay Laida, mama ni Nicole.
“Nay, anak niyo pa po ’yan? hindi ko na naiwasang magtanong dahil sa ang gaan ng pakiramdam ko sa bata.”
“Anak ni Nicole.”
“Anak po ni Nicole? nay?”
“Anak ni Nicole sa’yo, hindi mo ba natatandaan noong gabi na pumunta ka raw sa bar at nagkita kayo, wala ka sa katinuan noon at pinilit mo ang anak ko, kaya wala na siyang nagawa.” nanlaki naman ang mata ko at unti-unting nanumbalik sa akin ang lahat.
“Ibig sabihin po anak namin ’yan ni Nicole?” lumuluha naman siyang tumango.
“Kaya rin lalong na triggered ang sakit niya kasi hindi niya iniinom ’yong mapapait na gamot for treatment niya kasi ayaw niyang may mangyaring masama sa anak niyo.” at nag-umpisa na naman akong maiyak, kaya pala.
“Dada?” wika ni Nicka Khaira ang anak namin ni Nicole, agad ko siyang kinarga at niyakap naman niya ako ng mahigpit.
“Dada sabi ni mommy huwag daw po tayong mag-cry sa kaniya kasi masaya na daw po siya ngayon tyaka pumapangit raw po kapag umiiyak, sige ka dada pangit na ikaw.”
“Pangit ka narin anak naiyak ka eh.”
“Kasi dada nasasaktan po ako, ayoko po wala mommy.”
“Anak kagaya ng sinabi ng mommy mo masaya na siya kaya dapat maging masaya narin tayo sa kaniya ah, mahal na mahal ka ni daddy, nandito lang ako anak babawi ako sa tatlong taon na nawala sa atin anak, pangako ’yan.”
“Nics, kung naririnig mo ako ngayon sana tulungan mo kami ng anak mo na harapin ang mga pagsubok kagaya ng kung paano ka naging matatag, kasi mahina ako eh, mas malakas ka kaya kailangan ko parin ng gabay mo pero wala ka na.” agad kung pinunasan ang luha ko.
Kung sana lang ay nandito ka pa, namumuhay na sana tayo bilang isang pamilya, marahil ito na ang better version nating pareho, pero hindi ang ganiyan ka, pero pipilitin naming tanggapin na hanggang dito nalang ang lahat sa atin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top