Bituin sa kalangitan CHAPTER 1


Writer:0blino Gabiana Yanyan
Genre:Love story
“Isang umaga nagising si Diana dahil sa lakas ng boses ng Nanay niya dahil tanghaling tapat na ay tulog parin siya
Diana’Anak ko!Ano ba! Tanghaling tapat na tulog ka parin tulungan mo naman ako sa lahat ng gawain dito sa bahay.Ano ba! Labinlimang taon gulang ka na kailangan mo ng matuto sa lahat ng bagay at Gawain dito sa bahay,sayang Lang ang pagpapalaki ko sayo simula nung pitong taong gulang ka hanggang ngayon Ang tamad tamad mo.napapagod na ako kakasalita sayo sa Araw araw,hindi ka ba naaawa sa akin?
Usal ni Aling Ana Kay Diana habang nagliligpit ng kalat sa kwarto Kung saan naroon si Diana na animo’y naghihilik pa sa pagkakatulog.
Nanay naman eh ang aga aga ang lakas ng boses mo Nakakabulabog kayo, natutulog pa ang tao ang ingay naman.
Pagalit na sagot ni Diana sa kanyang Ina na nagdadabog at nagmamaktol sa subrang inis
Aba! Tanghaling tapat na uh!Tirik na tirik na ang araw tulog ka parin pinapairal mo na naman ang katamaran mo! bumangon ka na nga dyan Tambak Ang hugasan sa kusina hindi pa nahuhugasan tulog ka parin.Alas kwatro pa lang ng madaling araw gising na ako Nagigising ako ng maaga...


para magluto para makakain ka ng almusal mo sa umaga.maaga pa ako pupunta sa bukid para magbungkal ng lupa magtanim ng mga gulay para kahit papaano may maibenta Lang naman akong gulay sa palengke para matustusan ko Ang Pag aaral mo.
Nanay mamaya na ako babangon inaantok pa talaga ako.gusto ko pang matulog
Usal ni Diana sa kanyang Ina na nakahiga pa at Antok na antok pa habang nakikipag usap sa kanyang Ina.wala ng nagawa pa si Aling Ana kundi sundin ang pakiusap ng kanyang kaisa-isang Anak.
Uh siya sige,Kung gusto mo pa matulog Anak ko, matulog ka muna,Ali’s muna ako Anak ko pupunta ako ng bukid magtatanim ng mga gulay Kasi mag aani ako at magtitinda ako ng gulay sa palengke kailangan Kong kumayod ngayon.dapat pag uwi ko nakapagluto ka na at nakapaghugas na ng Plato, nakapaglinis na ng bahay para makabawi ka naman sa akin at mapawi Lang naman ang pagod ko.kumain ka Anak ko ha baka magutom ka
Habilin ng Nanay ni Diana habang nagbibihis ng damit pangbukid
Opo nanay susundin ko po Ang mga utos mo;
Tuwang tuwa si Diana dahil nasa isip niya Ang matulog maghapon at Wala siyang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya.
ITUTULOY…..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top