LOVING HIM TOO MUCH WILL CAUSE ME TO DEATH


LOVING HIM TOO MUCH WILL CAUSE ME TO DEATH
Love was full of surprises. Love was full of emotions that you can’t name. Love can make you happy, inspired and contented. But at the same time, love can hurt you so much.
Have you feel it? The feeling that everything was perfect. Yung pakiramdam na sobrang nakakataba ng puso dahil kuntento ka na sa kung anong meron ka. Kuntento ka na simula noong dumating siya.
At this age, hindi ko inakalang malalaman ko na agad and definition ng ‘love’. Nalaman ko dahil naramdaman ko. Naramdaman kong magmahal ng totoo at mahalin ng totoo.
Steve was perfect. Lahat ng bagay sa kaniya, mahal na mahal ko. Mabuti o hindi niya magandang ugali, tanggap ko. Because that’s how much I love him.
He’s 4 years older than me. Maraming nagsasabing child abuse daw siya sa’kin, but we didn’t care. I start believing age doesn’t matter ever since I loved him.
Hindi nakakapagtakang hulog na hulog ako kay Steve. Bukod sa may sense of humor, maporma at sobrang bango, sobrang sweet niya rin sa’kin. He always makes me feel special.
Hanggang sa unti-unti, nasasanay na ako sa presensya niya. Palagi kaming magkasama kahit sa school, dahilan para lagi akong ma-excite pumasok. He was always there when I’m happy, sad, crying, and down.
Syempre hindi ko rin pinaramdam na siya lang lagi ang nandyan para sa’kin. I was also with him, facing his challenges. Lalo na kapag may pinagdadaanan siya, I’m always comforting him, saying that I’ll never leave him. Kahit iwan siya ng mundo, pipiliin kong manatili sa tabi niya para samahan siyang lumaban.
But that was my promise before. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang panindigan ang mga sinabi ko sa kaniya, na hinding-hindi ko siya iiwan. Hindi ko alam… kung kaya ko pa bang lumaban kasama siya.
Since COVID-19 started, we have no choice but to communicate through online. Hindi na daw kasi pwedeng pumasok sa school dahil ang cases ng virus, parami ng parami.
Hindi rin naman kami legal sa side niya lalo na sa side ko. I have a very strict parents at isa pa, menor de edad pa ako. Pero kahit bawal, tinago namin ang relasyon namin. We want to stay in that way. Stay lowkey.
Akala ko, kahit online nalang kami nag-uusap, walang magbabago sa’ming dalawa. But it looks like God are testing our relationship.
Kapag napapadalas ang pag-aaway namin ay napapadalas rin ang pag-iyak ko. It was very hard because he’s not there to comfort me even though he’s the reason why I am hurting and crying. I just know that if he’s there on my side, he’ll comfort me and hug me.
But day passed by, my patience become thin. Palagi na akong umiiyak dahil nakita ko ngayon ang side ng ugali niya na hindi ko nakita noong madalas pa kami magkita at magsama. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
He’s a working student and the breadwinner of his family. May obligasyon siya na kapareho ng akin, pareho kaming panganay at may responsibilidad sa pamilya. Pero nauna niya ‘yong gampanan kaya palagi ko siyang iniintindi.
Madalas, may mga nasasabi siya sa’king masakit. Lalo na kapag pagod siya at mainitin ang ulo, minsan sa’kin nababaling ang init ng ulo niya. And because I love him so much, I always let it pass even though it hurts me damn much. Kahit kinabukasan, walang ‘sorry’ ang bubungad sa’kin dahil hindi niya siguro namamalayan ang mga salitang nababanggit niya. Palagi, lagi ko siyang iniintindi.
Pero sabi nga nila, lahat may hangganan. And one of them are my patience for him. Minsan sinusubok narin ng tadhana ang pagmamahal ko sa kaniya. Ayaw kong bumitaw pero.. hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako kakapit.
Ilang buwan pa ang lumipas at gano’n parati ang nangyayari sa’min. Mag-aaway kami, magbabati pero wala akong nababasang ‘sorry’ sa kaniya. Maybe, he can’t give up his pride that’s why he can’t say sorry?
“Matulog ka na.”
“Oo na. ‘Wag kang makulit.”
“Bahala ka.”
“Okay.”
‘Yan yung mga salita na madalas niyang sabihin kapag nag-aaway kami. He even let me sleep with a heavy heart, which was very painful for me. Sobrang sumisikip ang dibdib ko habang nag uunahan na namang malaglag ang mga luha sa pisnge ko dahil sa mga sinasabi niya. Bakit gano’n? Hindi ba sapat yung pagmamahal niya sa’kin para ibaba ang pride niya? Bakit hindi siya makapagsorry?
Paulit-ulit ko ‘yong tinatanong sa sarili ko. And because no one can answer me, dinadaan ko nalang ‘yon sa pag-iyak ng tahimik. Lahat naman ng tampo ko, iniipon ko nalang sa sarili ko para naman wala na siyang ibang isipin. Marami na siyang pinagdaraanan ngayon at ayoko nang dumagdag.
Pero hindi ko parin mapigilang isiping ako ba, iniisip niya? Iniintindi niya? Sobrang sakit sa puso isiping hinahayaan niya lang ako maging ganito. Ni hindi niya matanong kung ayos lang ba ako dahil siguro nasanay na siyang ako lagi ang nagtatanong no’n sa kaniya. Pero kahit gano’n, sobrang sakit pa rin.
Sa araw, nagpapanggap nalang ako na masayang kausap siya kahit pa may pagtatampo parin sa puso ko. Sa gabi naman, hindi ko mapigilang umiyak at humikbi ng tahimik habang nag-iisip ng mga bagay na...


nakakasakit sa’kin. I always overthinking, why?
So many why’s.
Ayoko ng isa-isahin dahil mas lalo lang sasakit ang nararamdaman ko. Siguro naman, magsosorry din siya ‘di ba?
Hindi parin niya naman nakakalimutang iparamdam sa’king mahal niya ako. Pero nararamdaman ko parin na may kulang, and it’s tightening my chest again. Hindi ko alam kung mali bang isiping ‘bakit puro iloveyou nalang? Puro mahal kita? Wala bang sorry?’
Natawa ako ng mapait. I have this bad feeling thinking that his love was not enough for me. Pero hindi rin naman masisisi ang sarili ko dahil lagi nalang niya ako sinasaktan nang hindi niya namamalayan.
Nang nasagad na ang pasensya ko, sinubukan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa kaniya. Iniyak ko lahat ng tinitimpi ko sa kaniya. Isa lang naman ang gusto ko, ‘yon ay ang magsorry siya sa’kin at pagkatapos no’n, babalik na kami ulit sa dati.
Alam kong naintindihan niya lahat ng sinabi ko tungkol sa pagtatampo ko. Pero hindi ko inaasahan…na makikipaghiwalay pa siya sa’kin.
Imbes na suyuin ako, imbes na magsabi siya ng ‘sorry’, imbes na i-comfort niya ako, iniwan niya pa ako na para bang hindi kami nagsama nang isang taon.
I suffered a lot during that time. Araw-araw, wala akong tigil sa kakaiyak kakaisip sa kaniya at sa mga ginawa niya sa’kin. Nakakapagod na siyang isipin at gusto ko nalang siya makalimutan. Ayoko na. Sobrang sakit na talaga.
I was so desperate that time to forget him so I tried to find someone else. Gusto kong mabaling ang atensyon ko sa iba. Not because I want to be other’s property again, but because I’m starting to feel something in my chest, literally.
Lumipas ang araw at napapansin kong may kakaiba na akong nararamdaman sa puso ko. Hindi sakit dahil heartbroken ako, kundi yung kirot na literal. Nagiging mas mahina narin ang katawan ko at madali na akong mapagod. Minsan naman, hindi ko mahabol ang hininga ko dahil sa t’wing susubukan ko, kumikirot ang kaloob-looban ng puso ko. Kinakabahan akong isipin na, may sakit na ako sa puso.
Nakahanap nga ako ng iba pero kahit nalilibang ako, hindi parin ako nakakamove-on kay Steve. Gabi-gabi ko parin siyang iniiyakan na sana, hindi ko na ginawa.
Dahil napatunayan ko nang may sakit na ako sa puso.
Kakaiyak at kakapigil ko sa sarili kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, bumuo na ‘yon nang isang matinding kirot sa puso ko sa t’wing kumikilos ako o humihinga ng malalim. Ni kahit kailan, hindi ko inasahan na magiging ganito pala ako kapag hinayaan lang ipunin lahat ng tampo ko.
But 2 months passed, he came back. Gusto niyang bumalik ako sa kaniya pagkatapos niyang malaman na may bago na ako. Nasaktan siya ng sobra sa nalaman niya dahil siguro hindi niya inasahang maghahanap ako ng iba. Pero…ako din naman, sinaktan niya.
“Sorry…” Umiiyak na siya ngayon sa harap ko. Nakatakip ang palad sa mukha. “W-Wala kasi akong phone no’n kaya ‘di na kita ulit nakausap…tapos… n-na quarantine pa ako…nagkasakit ako.. kaya ‘di kita naasikaso..sorry mahal.. sorry..”
Kahit umiiyak pinilit niyang humarap sa’kin para hawakan ang kamay ko. Tumingin siya sa’kin, nagmamakaawa ang mga mata. I bite my lips and looked away, trying hard not to fall my tears from my eyes. Pero kahit anong pagpipigil ko, sunod-sunod parin tumulo ang luha ko.
“Sorry… sorry talaga.” Napahikbi na siya ngayon habang hawak ang palad ko. Now, he can say sorry a million times. Pero noon, noong halos magmakaawa ako sa kaniya magsabi lang siya ng sorry kahit hindi siya sincere, hindi niya magawa dahil inuna niya ang pride niya.
Hindi ako nagsalita at napahikbi nalang habang iniisip lahat ng pinagdaanan ko noong wala siya. Naiintindihan ko naman ang nangyari sa kaniya pero bakit noong nakapag-usap pa kami nang maayos hindi niya ako masuyo? Bakit ngayon lang? Ngayon lang kung kailan handa na ako kalimutan siya at ngayon lang kung kailan hawak na ako ng iba.
Hindi ko alam kung dapat pa ba akong bumalik sa kaniya. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, nanganganib na ang buhay ko. Alam ko, ano mang oras, mawawalan nalang ako bigla nang malay dahil sa lumala ang sakit sa dibdib ko at ‘yon ang kinakatakutan ko.
I’m tired of loving him because loving him too much will cause me to death.

Love was not enough to make someone stay. Kailangan aware kayo sa nararamdaman ng isa’t isa. Hindi porket alam mo kung gaano ka niya kamahal, sasaktan mo na siya ng paulit-ulit dahil alam mong hindi ka niya kayang iwan. Huwag masyadong magpakampante dahil lahat tayo ay may pasensya. Kahit pa gaano ka kamahal ng isang tao, iiwan at iiwan ka niyan kung inaabuso mo na ang pagmamahal niya sa’yo.
✍️: @janessCious | Janess Manunulat
A friendly reminder to everyone:
Wag niyong hayaan na ipunin ang tampo ng mga girlfriend niyo. Dumaan na ako sa ganito and believe me, it’s not good in a relationship. Lalo na sa part ng babae. Kahit pa sabihin mong hindi kami marunong manuyo, kayo naman ang lalaki ‘di ba? Alam niyo kung gaano kalambot ang puso namin pagdating sainyo. So don’t you ever do this to your girl. Dahil hindi pagmamahal ang tawag diyan kundi nakakalason na pagmamahal. At ang lason, nakakamatay.
Photo is not mine.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. relate

Leave a Reply


top