BEWARE THAT GIRL CHAPTER #10


Mabilis kaming bumaba sa sasakyan nakasunod parin ako kay Parker. Nakita ko ang isang tahimik na lugar. Gumabi narin tanging ilaw lang ang nagbigay liwanag sa lugar. May dalawa ring nakabantay na lalaki sa labas lumapit kami sa kanila.
“ Magandang gabi po sir Parker” bati ng isa sa kanila habang ang isa ay tahimik lang. Kakaiba talaga ang mga tao rito. Pinagbuksan kami ng pinto at pumasok kaagad kami. Tumambad sa amin ang napakalakas na tunog ng musika kasabay ng pag- sayaw ng mga tao sa loob. Halos masira na nga ang ear drum ko sa lakas nito. May nag- inuman ring mga lalaki, ang iba naman ay naghahalikan. Ano ba naman yan ba’t dito pa nila ginawa di naman to hotel para magharutan dito. May mga babae ring nakasayaw sa dance floor hubo’t hubad na nga tanging panty at bra na lang ang suot nila. Hay dyusko pano kaya sila pinalaki ng mga magulang nila. Di rin natin sila masisi dahil ginusto naman nila yun.
Habang naglalakad kami huminto kami sa isang pintuan at may humarang na isang matipunong lalaki saka kinapkapan kami sa katawan ng pataas pababa. Napataas na lang ang isang kilay ko.
“ Wag kayong mag- alala para sa kaligtasan lang naman ito ng lahat” pagpapliwag nito. Buti sinabi niya baka kung ano naman ang pumasok sa isipan ko.
“ Pwede napo kayong pumasok sir Parker naghihintay na po ang ninong niyo” bulaslas nito. Tahimik at seryuso parin ang kasama ko kanina pa kasi itong walang imik.
Bumukas ang pinto saka kami pumasok sa loob. Nakita ko ang isang lalaki nasa 50s na siguro ang gulang nito habang uminum ng alak may nakabantay ring mga lalaki sa likuran nito. Ito siguro ang ninong niya. Tumingin ito sa amin saka dumako ang paningin nito sa akin saka ngumiti.
“ Oh andito na pala kayo Parker” lumapit ito sa amin.
“ Magandang gabi po sa inyo, ako nga pala si Jasmin Rosales” pagpapakilala ko sa kanya saka ngumiti.
“ Magandang gabi rin ikaw pala si Jasmin” ika nito. Napatango-tango lang ito.
“ Ninong ano po pa ang pag- uusapan natin?” sabat ng kasama ko. Akala ko di na ito magsalita.
“ Well before that umupo muna tayo” sagot nito. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? At isa pa ba’t kasali ako? Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sumakit na ang ulo ko kakatanong sa isipan...


ko.
“ Sa ngayon nais-” napatigil sa pagsalita ang ninong ni Parker nang tumunog ang selpon ko. Kinapa- kapa ko pa ito sa bulsa ko at kinuha. Sino kaya ang tumawag?
“ Excuse me po sasagutin ko muna ang tawag” pagpapaumanhin ko tumango narin ang kausap ko. Lumabas muna ako papunta sa comfort room para sagutin ang tawag.
Nang makarating na ako sa comfort room sinagot ko agad ang tawag.
“ Oh ba’t ka napatawag?” tanong ko nito habang nakatingin sa salamin.
“ Jas, pwede ba pumunta ka rito sa Tagaytay bukas?” tanong nito. Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang kagaguhan ang ginawa nito.
“ Bakit may problema ba?” tanong ko uli sa kanya.
“ May nakuha akong selpon sa loob ng bag ng pinsan mo siguradong may impormasyon tayong makuha rito” hingal na sabi nito.
Inutusan ko kasi ang dating kaibigan kong si Miguel para mag-imbistiga. Hindi sana siya pumayag nang kausapin ko siya pero di naman niya ako matiis yun tuloy ginawa na lang niya. Taga- Tagaytay rin kasi siya, isa siyang pulis kung kaya madali sa kanya ang gawin iyon.
“ Wag kang mag-alala pupunta ako bukas diyan. Salamat rin dahil kinontak mo agad ako” pagpapasalamat ko nito.
“ Wala iyon Jas ang importante malapit na nating malaman ang totoo, oh sige ibaba ko na’to may gagawin pa ako mamaya mag-ingat ka diyan ha” pag-papaalala nito. Binaba ko rin na ang tawag. Napaka-swerte ko talaga dahil may kaibigan akong handang tumulong. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto.
“ Anong ginawa mo dito Parker?” halos atakihin ako sa kaba dahil bigla-bigla lang kasi itong sumusulpot sa harapan mo.
“ Tapos kana ba diyan?” tumango na lang ako saka lumabas sa c.r. kasama ang lalaking ito.
Habang naglalakad kami pabalik sa kwarto kung saan ang kanyang ninong. Saglit lang ay tumigil ito sa paglalakad agad naman siyang nilingon ng lalaki.
“ Sino yung kausap mo kanina?” nangunot naman ang noo ko sa tanong niya. Bakit ba interesado siya?
“Ah kaibigan ko lang iyon nangungumusta lang” pagsisinungaling ko. Dahil hindi ko dapat ipaalam ito kahit kanino dahil baka matanggal sa serbisyo ang kaibigan ko kung magkataon,illegal kasi ang pag-iimbistiga niya. Hindi ko yun’ hahayaan no’. Hindi pa kasi ako sigurado kay Parker kung mapagkatiwalaan siya. Sa ngayon ang alalahanin niya kung paano malaman kung sino ang gumawa sa pagpatay sa pinsan nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top