QUEEN OF THE MOON


QUEEN OF THE MOON
“Tila manganganak na ‘ko, Lando!” Saad ni Sharon sa kaniyang asawang mahimbing ang tulog. Agad nagising si Lando sa tawag ng kaniyang mahal na asawa. Binuksan niya ang bintana upang pumasok ang malamig na hangin mula sa karagatan, tumama din sa katawan ni Sharon ang liwanag ng buwan at sa hindi malamang dahilan ay tila may ibinigay ang buwan sa kaniya na hindi niya mawari
“Hating gabi na, mahal ko. Sigurong sarado na ang mga paanakan!” Natatarantang saad ni Lando “Si Sonya, nabanggit sa akin ni Sonya na maalam siyang mag paanak” Saad ni Sharon sa kaniyang asawa. Nagmadaling lumabas si Lando upang tawagin ang kanilang kapitbahay
Makalipas ang isang oras ay isinara na ni Sharon ang binatana upang hindi mahamugan ang bagong silang niyang sanggol. “Kay gandang bata, ano ang nais niyong ibigay na pangalan sa kaniya?” Tanong ni Sonya “Luna, dahil bago ko siya iluwal ay tila nagbigay ng kung ano ang buwan sa akin” Saad ni Sharon na sinangayunan naman ni Lando

Ng nag isang taon si Luna ay nanaginip si Sharon ng isang rosas na may labing anim na petals ng may nahulog na isa. Sumapit muli ang ikalawang kaarawan ni Luna at muli siyang nanaginp ng rosas na may labing limang petals at isang petals na nasa lapag, nahulog ulit ang isang petals mula sa labin limang petals kaya naging labing apat na lang ang petals at dalawa na ang nahulog. Palaging ngyayari ang ganung klaseng panaginip sa tuwing sasapit na ang kaarawan ng kaniyang anak. Hanggang sumapit na ang ika labing anim na kaarawan ni luna ay nahulog na ang huling petals ng rosas sa kaniyang panaginip.

Ginanap ng pamilya Salazar ang kaarawan ng kanilang anak na si Luna malapit sa karagatan sa harap ng buwan at ng lumabas na ang buwan ay kakaininin na nila sana ang kanilang handa ng nagliwanag...


ang buong katawan ni Luna “Ma! Pa! Mag-iingat kayo dito ah, pangako magiging maayos din ako” Nagulat ang magasawa dahil tila hindi nagulat ang kanilang anak sa pag liwanag ng buo niyang katawan
Isa isa niyang niyakap ang kaniyang magulang na naguguluhan parin. “I love you ma, pa!” Saad ni Luna bago nag lakad ng bahagya papunta sa tubig. Inangat niya ang kamay, lumingon muli si Luna sa huling pagkakataon sa kaniyang mga magulang bago naglabas ng sobrang liwanang ang buwan. Nagtakip ng mga mata ang mag-asawa dahil sa liwanag at ng nalaho na ang nakakasilaw na liwanag ay naglaho na din si Luna
Nag yakapan ang magasawa dahil kahit naguguluhan sila ay alam nilang magiging maayos ang kanilang anak
“Kadalasan ay pinapalabas ng mahal na reyna na siya’y na aksidente kapag lilisan na siya sa mundo pero ngayon, tila nagpaalam siya ng maayos sa isang tagalupa” Saad ng isang matanda na bigla nalang sumulpot sa gilid ng mag asawa
“Tila nasiyahan siya sa pagaalaga n’yo sa kaniya. Ikaw ang napili upang mag alaga ng labing anim na taon kay Reyan Selene. Upang bumalik sa pagkabata ay kailangan niyang ipanganak muli. Madalas niyang ding inaalis ang mga alala ng kaniyang mga nakaraang magulang dito sa lupa sa tuwing lilisan na siya sa pagdating ng labing anim na taon, siguro’y labis siyang natuwa sa inyong pagmamahal. Huwag kayong magalala, may regalong iniwan sa inyo ang mahal na reyna” Saad ng matanda at sa isang kislap ng mata ay nawala siya na parang bula

Makalipas ang ilang buwan ay napag alaman ng magasawa na nangdadalang tao si Sharon. ipinanganak niya ang isang maganda’t malusog na batang babae na kamuka at kaugali ni Luna at bilang alala sa minsang naging kanilang parte ng pamilya ay Luna din ang kaniyang ipinangalan sa kanilang anak na regalo ng mahal na reyna
[END]
Work of imagination
Photos not mine(cttro)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top