A FATHER’S LOVE


A FATHER’S LOVE
“Doc kamusta maayos naman ba yung mag-ina ko?”
Maayos namang nakalabas ang bata. Ikinalulungkot ko Mister pero hindi kinaya ng asawa niyo ang pag cesarian sa kanya.
“Ano hong ibig-sabihin niyo doc?”
Wala na siya.
—–
17 years later…
“Happy birthday anak ko. Pasensiya kana ah ito lang yung nakayanan ni papa, hayaan mo sa debut mo babawi ako.”
Tumahimik ka ngang pilay ka!
Hindi ko kailangan yan, sana ikaw nalang yung namatay noh pa?
Tila walang walang narinig ang ama sa masakit na salitang ibinato niya. At sa halip na magalit ay mas lalo niya pa itong sinuyo.
“Anak mahal na mahal ka ni papa, ayaw mo ba nitong cake na binili ko? Gusto mo kumain nalang tayo sa labas sabihin mo lang may naitabi pa naman ako dito.”
Hindi na kailangan pa, tsaka itong cake mo tsk! Itinapon niya ang cake na pinasadya pa ng ama para sa kanya. Nagkalat ito sa sahig.
“Anak? ano bang gusto mo? sabihin mo naman kay papa oh?”
Ang gusto ko mawala nalang kayo. Dahil sainyo palagi nalang akong binubuly sa school namin.
“Sorry napilay lang naman ako dahil sa pagligtas sayo nung nasunog...


yung dati nating bahay.”
Kita niyo na pa? sinisi niyo pa ko? Kasi kung hindi kayo tanga hindi masusunog yung bahay natin!
P-pa sumasakit ang puso ko.
“A-anak kapit lang dadalhin kita sa ospital.”
Kahit hindi pantay ang paglakad ng kayang ama ay pilit parin siya nitong isinakay sa pampasadang jeep nila.
Pagkarating nila sa ospital ay hindi mapigilan ng kanyang ama ang mag alala sa kalagayan niya.
“D-doc ano ng kalagayan ng anak ko?” Tarantang tanong niya
Sir mamamatay siya kung hindi kung papatagalin pa natin ang operasyon.
“Ano po bang kailangan?”
Kailangan ng anak niyo ng heart donor.
——
Sa wakas ay natapos na rin ang operasyon niya. Ligtas na rin ang buhay niya.
Doc asan yung papa ko? Kalmadong tanong niya.
Iha wala na ang papa mo, ibinigay niya yung puso niya para mabuhay ka. Ito yung ipinabibigay niyag sulat sayo.
“Anak sorry nalate yung regalo ni papa. Sana maging masaya kana dahil sa wakas nangyari na ang hininiling mo, pero anak sana mapatawad mo si papa sa lahat ng katangahang nagawa ko. Mahal na mahal kita anak ko, palagi mong iingatan yung puso ko ah.”
THIS IS A WORK OF FICTION






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top