YUNG GIRLFRIEND MONG NAKAKAGAGO


YUNG GIRLFRIEND MONG NAKAKAGAGO
***
” Bhie! Bhie!” nag-angat ako ng tingin at binigyan ng simpatya si Kriza ( girlfriend ko). May hawak itong lobo at mukhang manggugulo na naman sa tahimik kong pagmumuni rito sa may gilid.
” Hmmm?”
” Pag-tinusok ko ba tong lobo ‘puputok ba toh?”—siya.
Takteng Yawang tanong yan?!!!
” Malamang!” pagsagot ko.
” Ahhh… So ibig sabihin kapag pinuntok ko ‘toh puputok siya? Tama ba?” sunod-sunod ang naging tango ko bilang pagsagot sa nakakabaliw niyang tanong.
Minsan kasi—ay mali!
Madalas pala at walang katupasan ang kakatanong niya sa mga bagay na nakikita niya. Hindi ka niya titigal sa kakatanong hangga’t hindi mo nasasagot yung mga yun…
***
Kasalukuyan akong nagluluto para sa umagahan namin ni Kriza ng bigla na naman siyang sumulpot sa harapan ko na parang kabute…
” Bhie…”—siya na napapayakap pa sa akin.
” Hmmm? May problema ba?” takang tanong ko’t hinarap siya pagkatapos kong mailagay sa kanya-kanya naming plato yung pang-umagahan namin.
” Bhie—BHETLOG NG DRAGON! Whahahaha!!!!”
Tangn*!
Akala ko kung ano na!
Mang-iinis lang pala siya’t manggugulo na naman!
Pina-upo ko na siya sa lamesa at hinainan ng makakain. Tinali ko rin ang hanggang bewang niyang buhok na hindi na naman niya sinuklay bago matungo sa hapag kainan…
” Bhie, diba sabi ko sayo lagi kang magsuklay. Tingan mo yang buhok mo ngayon? Mukha na namang pancit na nagkanda-buhol buhol…” panenermon ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ‘eh parang wala lang sa kanya’t basta na lang kumain.
Haysst!!!
Ako na naman ang magsusuklay sa kanya na lagi niyang kinatatamaran gawin…
***
” HUHUHUHUHU” umiiyak na pag-ngawa nitong natunghayaan ko habang papasok ako ng kwarto namin.
” Bhie, anong problema?” nag-aalala kong tanong sa kanya matapos ko siyang daluhan. Nag-angat ito ng tingin at masama akong inukulan nito.
” B-bakit?” nauutal kong saad. Para ka siyang manlalapa at handa akong ipatapon sa bulkan ng mayon dahil sa mga tingin na ipinupukol niya.
” SINO YUNG BABAENG KASAMA MO KANINA?!”
Babae?!
Huh?!
” Wala naman akong kasama...


kanina ‘eh.” pagsagot ko.
” SINUNGALING! NAHULI KITANG MAY KASAMA SA MALL KANINA ‘TAPOS NAKA-BRIDE STYLE MO PA SIYANG BINUHAT?! ANO?! SUMAGOT KA!” humihiyaw na akusa nito sa akin.
” Eh ‘wala naman talaga!” pagtatapat ko.
Ako lang naman kasi kanina ang mag-isang pumunta sa mall para sana bilhan ‘tong babaitang toh ng aso…
” SWEETIE PA NGA ANG TAWAGAN NIYO ‘EH—HUHUHUHU” at dahil doon biglang nagsink sa akin kung sino yung tinutukoy niya.
” Bhie, Aso mo yun! Eto ‘oh!” sabay kuha ko ng kulungan habang nasa loob yung asong tinutukoy ko.
” SA ASO PA TALAGA, BHIE?! SA ASO MO PA TALAGA AKO IPINAGPALIT?! ANO BANG MERON YANG ASO YAN NA WALA SA AKIN?!”
Anak ng puts*!
” Regalo ko ‘toh sayo. Diba sabi mo noon sa akin gusto mo ng aso? Kaya ayan na.” bigla naman ‘tong natauhan at mukhang nagbalik na sa ulirat niya.
Jusmeee!!!
” Ayyy! Hindi mo ba yan kabet? Hehehhe—sowwy naman! Akala ko pa naman ipinagpalit mo na ako sa aso ‘hehehe”—siya.
Naku po!
Nakakagago naman ‘toh!
Mukha ko ba siyang ipagpagpapalit sa kung sinong nilalang sa mundong ‘toh?!
Geezzz!
Kung alam mo lang bhie!
Kahit nay katulad ka pa sa mundong ‘toh… Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin ko.
Mukhang wala na akong takas sa nakakagagong babaeng ‘toh—haysst!
” Bhie, ano ‘toh?” tanong niya habang hawak yung singsing na inilagay ko roon sa leeg ng aso.
” Ahmm—” akmang luluhod na sana ako ng bigla niya akong sampalin.
*Pak!
Shet?!
Anshakitttt!!!
” BAKIT YUNG ASO NATIN MERONG SINGSING ‘EH HINDI NAMAN KASYA SA KAMAY NIYA TAPOS AKONG GIRLFRIEND MO ‘WALA?!”
Tangn*!
Eto na naman siya!
” Para sayo yan ‘eh!”
Wala na! Sira na ang plano kong pagpu-purposed sa kanya!
” Akin ‘toh? Yieeeee!!! Kenekeleg ako bhieee! I love you na talaga! Pero—IKAW ASO! BAKIT NASA IYO ‘TOH?! ANG BATA-BATA MO PA TAPOS NATUTO KA NG KUMUHA NG HINDI SAYO?!” biglang baling niya roon sa aso namin.
Tsk!!!!
Haynakuuu!!!
Nakakabaliw ka ‘bhieeee!!!
#end
Worked of: @binibining_mac_lyn






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top