BEWARE THAT GIRL CHAPTER#09


Habang nasa biyahe sila Jasmin naisipan niyang tanungin ulit ito.
“ Parker, saan ba talaga tayo pupunta?” pangungulit ko nito. Kanina pa kasi siya tahimik parang may iniisip.
“ May kaibigan akong taga- CIDG siguradong mayroon siyang criminal records kay Crisanto Valdemoria” hay salamat sinagot na talaga ako nito. Astig pala nito may koneksiyon pala siya sa may awtoridad. Siguradong may makuha kaming impormasyon sa taong yun.
Huminto ang kotse sa tapat ng isang lumang bahay. Ito na ba yun? Bakit parang ang screepy naman ng lugar nato. Wala ring katao-tao sana naman walang multo dito. Lumabas na kami sa sinasakyan namin saka kumatok sa pinto ng bahay na kaibigan niya.
Tok! Tok! Tok!
Tatlong beses kumatok kami at agad na bumukas ang pinto. Iniluwa ang isang lalaking ka edad ko. Siya ba ang tinutukoy na kaibigan niya? Parang mukha palang di na mapagkatiwalaan. Ewan ko ba napaka judgemental kong tao di ko pa nga nakilala ang tao,yun na ang pumasok sa isip ko.
Pinapasok kami habang ako nakasunod lang kay Parker. Napaka- kalat rin ang loob ng bahay niya, ang dami rin mga papel sa mesa nito. Iniabot rin ni Parker ang dala niyang alak...


kanina.
“ Parker ano bang sadya niyo dito?” tanong nito. Nainip na rin ako dahil ni-isang upuan man lang walang binigay sa akin yun tuloy nakatayo lang ang naging posisyon ko ngayon. Tumingin rin ito sa akin at ngumiti nakayanan pa talaga niyang ngumiti ni- isang upuan man lang para sa bisita di magawang ibigay.
“ Hi ako nga pala si Cla-” di niya naituloy dahil inunahan ko na siya.
“ I’m not interested” putol ko nito saka nag cross arm habang nakasandal ang katawan sa pader. Nagkatinginan pa silang dalawa. Di ba nila naintindihan HINDI AKO INTERESADO. Natahimik kami saglit. Mayamaya pa ay binasag ni Parker ang katahimikan.
“ Clark nandito kami para makakuha ng impormasyon tungkol kay Crisanto Valdemoria” pagpahayag ni Parker habang ako nakatingin lang sa lalaki inoobserbahan ko kasi bawat kilos niya. Natigilan si Clark nang marinig ang pangalang Crisanto Valdemoria.
“ Segurado ba kayo sa gagawin niyo? Hindi basta- bastang makalaban si Valdemoria” nang marinig ko yun agad akong naging interesado lalo sa sinabi niya. Hindi basta-basta ibig sabihin delikado palang tao ang iimbistigahan namin. Pano nato? Makakaya kaya namin to? Sa tingin ko mahihirapan kaming gawin ang imbistigasyong ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top