BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 38


Kinabukasan ay matamlay na ako, ayaw kong umalis si mama pero para din naman ‘yon sa ikabubuti n’ya.
Ihahatid ko s’ya sa airport ngayon.
“Nay kayo po muna bahala sa bahay, saglit lng po ako” ngumiti ang mayordoma namin at tumango.
“Magiingat kayo Cathy, Celestine” aniya na tinanguan namin ni mama. Dalaga yata si mama ng namasukan si nanay rito.
Sumakay na kami sa Taxi at inantay na lang na makarating sa Airport.
Tahimik lang akong pinagmamasdan ang mga dinaraanan.
Kumunot ang nuo ko ng mapansing may nakasunod sa aming itim na van.
Pinagmamasdan ko ito at nakahinga lng ako ng maluwang ng lumiko ito, napaparanoid na nga yata ako.
Dumating na kami sa airport at saktong malapit na ang boarding nila mama.
“I’ll miss you anak, tatawag ako agad once na nakarating ako ruon” tumango si mama at agad ako yinakap.
“Mamimiss Rin Kita ma” I’m trying hard not to cry, mabilis lng naman ang isang linggo Hindi ba?
Hinalikan n’ya ako sa pisngi bago s’ya naglakad papasok sa airport.
Nagstay ako dun ng ilang minuto hanggang sa narinig kong paalis na ang eroplanong sasakyan nila.
Tahimik akong naglakad, pupunta muna ako sa mga Cafeteria rito bago ako umuwi, nagugutom na ako.
Tanaw ko na ang cafeteria ng may nagtakip ng panyo sa aking ilong Mula sa likuran, unti unti akong nanghina at unti unti ring naglabo ang aking mga mata.
“Sa wakas nakuha din natin s’ya, matutuwa si boss dito” iyan lang ang narinig kong usapan Mula sa dalawang taong Hindi ko mamukhaan bago nagdilim ng tuluyan ang aking mga Mata.
Unti unti kong idinilat ang aking mga mata ng nahimasmasan, inilibot ko ang aking tingin sa paligid kahit na mabigat ang talukap ng aking mga mata.
Hindi ako pamilyar sa lugar na Ito! Nasaan ako?! Nanghihina pa rin ang katawan ko kaya hindi ako makasigaw.
“Gising na yata” Sabi ng isang boses na Hindi ako pamilyar.
“Patulugin mo ulit, baka mangahas tumakas ‘yan” boses ng Isa pa, nasaan ba ako? Bakit nila kaylangang gawin ito sa akin?
“Gago ka ba?! Tignan mo nga ang itsura mukhang naghihingalo na! Tayo ang patay dito pag hindi nakarating si boss dito ng buhay ‘yan!” Lintaya ulit ng naunang nagsalita kanina.
“T-tulong” hirap kong saad, Hindi ko Alam kung may nakarinig ba nuon, halos bulong na lang ang tinig ko.
Dito na ba ako mamatay? Naiiyak na ako sa mga iniisip ko, kaylangan kong magpalakas, dadalawa lang sila. May kakayahan pa ako para makatakas rito!
Laking pasalamat ko ng hindi na nila muli akong pinatulog, unti unting bumabalik ang lakas ko!
“Tulong!” Sigaw ko ng mabawi ang lakas, ngunit maling galaw yata ito.
“Tumahimik ka!” Aniya ng pangalawang lalaki at agad nilagyan ng takip ang bunganga ko.
“Mga hayop kayo!” Sigaw ko ngunit Wala silang maintindihan pagkat nakatape ang bibig ko pawang mga sigaw lng ang narinig nila.
Tumawa ang pangalawang Tao at bumaling sa kasama n’ya.
“Pagdiskitahan kaya muna natin Ito, makinis eh” aniya, nagsitayuan...


ang mga balahibo ko sa narinig! Hindi ito maari, Hindi!
“Gago baka patayin Tayo ni boss pag nalaman n’ya!” Anang isang Tao, laking pasalamat ko at napigilan nito ang kasama n’ya.
Nagugutom na ako ngunit Hindi pa rin nila ako pinapakawalan.
“Anong oras ba darating si boss?!”
“Itago na lang daw muna natin iyan” usapan ng dalawang hayop!
Makakalabas pa kaya ako rito?
At sinong boss ang tinutukoy nila?
Lumipas na ang isang araw ngunit Wala pa din naghahanap sa akin, maaring nasa U.S na si mama at nagpapahinga.
Naiiyak na lang ako sa kaisipang Wala manlang nakapagisip na nasa panganib ako, tila kinukurot ang puso ko dahil sa mga naiisip.
“Oh kumain ka!” Inihagis Niya ang platong may kaunting kanin at kaunting ulam-itlog.
Tinanggal n’ya na ang takip sa bibig ko.
“Bakit n’yo ba ‘to ginagawa?” Lumabas ang tanong na Ito sa bibig ko.
“Malaki yata ang atraso mo sa boss namin!” Sigaw n’ya, nakakapangilabot ang boses n’ya.
“Sino ba ang boss n’yo?” Napangisi s’ya sa tanong ko.
“Ano ako Bobo?! Tingin mo sasabihin ko sayo?! Tsk! Tumahimik ka na lang Jan at kumain” tinalikuran na ako nito matapos n’yang sabihin iyon.
Tahimik akong kumain, kaylangan ko ng lakas para makapagisip kung paano ako nakakatamas rito.
Walang ibang magliligtas sa akin kundi ang sarili ko.
Bumalik ang lalaki at binigyan ako ng tubig, agad ko iyong ininom dala ng uhaw.
Nang napansin n’yang tapos na ako kumain ay tatakpan n’ya na sana ang bibig ko ng magsalita ako.
“Naccr na ako” usal ko, kumunot ang nuo n’ya at ibinigay ako sa Isa pa n’yang kasama para maidala ako sa CR.
Napansin kong nasa gubat kami ng nakalabas, matatayog ang mga puno at madilim na. Magdadalawang araw na pala ako rito.
“Dalian mo at magiinuman pa kami” Aniya habang kinakalag ang Tali sa aking kamay, tumango ako bago pumasok sa isang CR
Sinilip ko muna ang pwesto ng dalawang lalake bago ako pumasok. Ang Isa ay nasa harap ng Cr ang Isa naman ay umiinom na malapit sa kuwartong pinagkulungan nila sa akin, malayo layo ‘yon sa amin.
Sinuyod ko ng tingin ang buong CR, may bintana rito ngunit Hindi ako kasya. Kinuha ko ang bato sa gilid at Sinarado ko ang pinto bago binasag ang bintana, kumuha ako ng ilang pirasong bubug.
“Anong nagyayari Jan?!” Sigaw ng nagbabantay sa akin sa labas, pilit na ring binubuksan ang pintuan.
“May nangbabato sa likod, sawayin mo” pagpapalusot ko at binuksan na ang pinto.
Kumunot ang nuo n’ya at pinasadahan ang nasa likod ko, lumakad s’ya at tinignan kung ano ang nangyari sa luob Dali Dali kong isinaksak ang isang bug sa binti n’ya at isinarado ang pinto ng CR.
Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon bago pa mapansin ng Isa n’yang kasamang nawawala ako.
Tumakbo lng ako ng tumakbo kahit na madilim Hindi inalintana ang mga iniisip na baka mayruong ahas o masamang hayop rito.
To be continued…
__________________
Maraming salamat po sa pagbabasa 💚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top