(Tanya POV)
+ di ako makatulog. Mulat na mulat ang mga mata ko. Dahil bato sa kinain ko o dahil dun sa ano? Ganun ba talaga yun? Ang lakas ng kaba ko, di nako mapakali sa totoo lang. Gusto kong magkulong dito sa loob pero gusto ko rin syang komprontahin tungkol sa nangyare sa kanina. Pero di ko magawa, inuunahan ko ng kaba. Wag na lang, natatakot rin ako, baka ako lang ng nagiisip ng ganun. Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napatalukbong ako ng kumot.
Syto- Tanya?
+ ayokong lumabas. Layuan mo muna ako ngayun lang. Di ko alam ang sasabihin ko sayo. Biglang bumukas ang pinto. Ang bobo mo talaga Tanya, bat di mo nilock?!!!!
Syto- alam kong gising ka.
Tanya- Tulog na.
Syto- ahh okay. May sasabihin pa naman sana ako.
+ natigilan ako. Anong sasabihin nya?
Syto- tulog ka na pala eh. Edi wag na lang.
+ anong gagawin ko? Anong sasabihin nya? Tanya ano? Baka yan na yung hinihintay mo, kakausapin ko na ba? Pano kung hindi naman yun yung hinihintay ko, aasa lang ako?? Pero pano kung yun na nga. Sumilip ako ng bahagya, at pagtingin ko, wala na sya. WALA NA SYA!!! ANG BOBO MO TANYA!!! napasighay na lang ako. Ang bilis naman kausap nun! Di manlang ako pinilit!!
Tumagilid na lang ako at nabigla ako ng makita ko sya sa gilid ko, nakahalumbaba sa kama at nakaupo sa sahig na nakaharap sakin.
Syto- akala ko ba tulog ka na??
+ napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh.
Syto- hoy!!
Tanya- Bat ka kasi nandyan?!
Syto- wala. Naisip ko lang.
+ sira ulo.
Tanya- ano ba kasing kaylangan mo?
+tumayo sya. Umakyat at tumabi sakin sa pag higa.
Tanya- hoy!!
Syto- what?
+ tinitigan nya lang ako.
Syto- may gusto akong sabihin sayo pero ok lang ba dun ka humarap sa likod?
+ ano daw.
Syto- tatalikod din ako, wag ka mag alala.
Tanya- anong trip mo?
Syto- sige naaaa….
+ itinalikod na nyako. At tumalikod narin sya. Nag aantay lang ako ng pagsasalita nya.
Syto- Tanya.
Tanya- oh?
Syto- muka tayong tanga.
Tanya- oo nga.
Syto- kung sakaling di moko nakilala, tingin mo mas madali ang buhay mo?
Tanya- siguro. Tingnan mo naman wala akong trabaho ngayun hahaha.
Syto- sorry.
+ natahimik sya.
Tanya- pero kung di kita nakilala, baka ang boring ng buhay ko ngayun.
+ pareho kaming napalingon sa isat isa.
Syto- ha?
+ humarap na ko sa kanya, ganun din sya.
Tanya- Thank you sa sakit. Thank you sa takot, kaba at nerbyos na dinulot mo sakin.
+ seryoso syang nakikinig sakin.
Tanya- kung di dahil don, baka hindi ako tumibay ng ganto. Yung fact na kasama ko ngayun yung tao, nanakit at nagpahirap sakin, ay isang malaking achievement para sakin. Atsaka. Ewan ko ba, kahit ganun ang nangyare, parang mas maluwag pa ang pag hinga ko ngayun.
+ nagkatinginan kami. Ngumiti ako sa kanya.
Tanya- kasi nandyan ka.
+ medyo nahiya din ako haha. Ngayun ko lang napagmasdan ang mga mata nya. Parang nangungusap sakin, kitang kita ko na masaya sya. Bumuntong hininga sya. Inabot nya ng kamay ang mga pisngi ko.
Syto- pwede bang akin ka na lang?
+ sobrang tindi ng tama ng mga salita nyang yun sa dibdib ko, parang gusto kong maiyak, at ganun na nga ang nangyari, isa isang lumabas ang mga luha ko, at isa isa nya ring pinawi yon.
Tanya- okay, bat di natin subukan.
+ lumapit sya sakin at hinalikan ang noo ko matagal at parang napakaraming ibig sabihin. Niyakap nyako ng mahigpit na mahigpit, ito na yung pinaka peacefull na moment na naranasan ko.
Tanya- buti naman natuto ka ng magpaalam.
Syto- ano na naman.
Tanya- tanda ko pa nun, sabi mo sakin. “akin ka! ”
Syto- ahh talaga ba?
Tanya- talaga.
Syto- ahhh ganun?
Tanya- ganun.
Kiniliti kiliti nyako, ang saya nya ha. Hahaha. Hanggang sa napagod kami kakukulitan at nakatulog na lang bigla ng magkayakap.
(Syto POV)
+ Bumangon ako para magluto ng pagkain, napasarap ata ang tulog ng babaeng ito, oo nga pala, girlfriend ko na nga pala ang babaeng to, lalabas na sana ako ng magising sya.
Tanya- san ka?
Syto- magluluto lang po.
Tanya- sama ako.
Syto- halika.
+ bumangon sya at sumabay sakin pababa, tumulong sya sa pagluluto. Maya maya tumunog ang cp nya. Kaya sinagot nya. Medyo malayo sya kaya di ko marinig. Ng matapos na sila ng kausap nya, lumapit na uli sya sakin.
Syto- sino yun?
+ nginitian nya lang ako.
Syto- tanya.. Sino yun?
Tanya- si Ken.
+ medyo kumunot ang noo ko nun.
Syto- at bakit ka tatawagan ni Ken?!!
+ ngumiti na naman sya ng malaki.
Syto- tinatanong kita.
Tanya- INAPRUBAHAN NA DAW NG EVENT COORDINATOR AT DIRECTOR ANG BANDA NYOOO..
+ ano daw?
Syto- what?
Tanya- outbreak na ng banda nyo.
+ napatulala na lang ako sa kanya, hindi ko ma digest, sa tagal ba naman kasi ng banda ko, ngayun lang ata kami nag ka chance na maglevel up. Niyakap ako ni Tanya na mas excited pang tingnan para sakin.
Tanya- at alam mo ba kung san ako mas excited?!! Ha?!!!
Syto- s-saan?
Tanya- may trabaho nako………!!!!
Syto- ha? Saan?
Tanya- kinuha raw ako ng Sir nyo bilang Personal Assistant ng banda nyo!!
+ napangiti ako ng sobra sa sinabi nya. Sobrang saya nya, nagtatalon talon sya sa may sala, may pag akyat pa sa sofa. Tawang tawa ako sa kanya.
Tanya-bukas na bukas raw, pumunta tayo sa company nyo para makuha na ang deal.
+ wala akong masabi, sobrang saya nya. Napagtanto ko na napakahalaga ng ngiti nyang yun, walang kapantay, simula sa puro iyak at sama ng loob na binigay ko sa kanya, pinili parin nyang sakin sumaya, lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
Syto- dahil sayo yan Tanya.
+ humarap ako sa kanya.
Syto- salamat ng marami.
+ matamis na ngiti ang isinagot nya.
Syto- I love you.
+ halatang namula ang dalaga.
Tanya- Tama ka na nga hahah. Kumain na tayo.
Syto- wala manlang ayabyu too?
Tanya- tumigil ka, halika na.
+ haha, hinila nya nako at kumain na kami, sobrang saya nya talaga, hindi nya mapigilan ang sarili nya eh. Haha.
(KINABUKASAN)
Syto- Tanyaaaaa.
Tanya- oh?
Syto- ang dami mo namang arte, dalian mo na maleleyt na tayo sa meeting.
Tanya- heto na, tara na.
+ tinitigan ko lang sya, pano ba naman, naka dress at maigsi pa ang palda.
Syto- gusto mo bang makapanapok ako ng lalake?
Tanya- hm? Bakit?
Syto- magpalit ka, magpantalon ka, mag long sleeves ka!
+ napatingin sya sa suot nya. Hindi na sya nangulit pero bubulong bulong syang pumasok uli sa kwarto nya. Ano sya siniswerte?! Mga ilang minuto pa nga ay bumaba na uli sya ng nakapantalon at t-shirt.
Tanya- ikaw tong nagmamadali, ikaw tong maligalig
Syto- lets go.
+ hinila ko na sya palabas ng bahay.
Tanya- excited ka nho?
Syto- sshhh..
Tanya- kaya ka nagmamadali nho?
+ dami nyang sinasabi. Pumara na kami ng Taxi at sumakay. Hanggang sa makarating kami sa company, medyo kinakabahan ako, kasi para sakin big break na ng banda to. At tulad nga ng inaasahan, nagkaron kami ng recording session chance. Maya maya nag si dating narin ang mga ka...