Tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay sa akin balikat at walang lingon na umalis doon. Binilisan ko ang lakad ko nung naramdaman kong sumunod si Travis sa akin.
Suminghap ako nang mabangga ko ang plorera sa gilid no’ng nilingon ko si Travis na nakasunod nga sa’kin, tila mabagsik na hayop at handang sunggaban ako ‘pag sakaling maabutan ako.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ramdam ko ang pagkalampag nito sa loob ng dibdib ko.
Itinuloy ko uli ang mabilis na paglalakad palayo sa kanya, hindi ininda ang sakit sa paa. Ngayo’y hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina.
Hindi ko akalain na ang plano kong asarin siya ay kay dali niyang baliktarin. Sa huli’y ako ang dinapuan ng inis.
Malapit na ako sa sasakyan ko nang marahan niyang hinawakan ang braso ko at pinihit paharap sa kanya.
“Iniiwasan mo pa ba rin ako?” nagtagis ang bagang niya.
“Hindi ako pumunta rito kung iniiwasan kita.” pabalya kong sabi. Inalis ang kamay niya sa braso ko.
“Why walked so fast, then, Candace? Dahil alam mong nakasunod ako sa’yo,”
“Hindi totoo ‘yan,” mabilis kong depensa kahit ‘yon naman talaga ang totoo.
“Kung talagang hindi mo’ko iniiwasan, hayaan mong mag-usap tayo ng matagal.” mariin niyang sinabi. Akmang hahawakan uli ako nang umatras ako ng ilang dangkal palayo sa kanya.
“Hindi pa ba sapat sa’yong nag-uusap tayo ngayon. Saka isa pa, ano’ng pag-uusapan natin at kailangan pa na matagal?”
“Between us, Candace. Hindi pwedeng tuldukan na lang hanggang doon.” buong-buo ang kanyang boses.
Too late, Travis…. too late….
“You lost your chance, Travis! Hindi ba’t kanina lang ay ikaw mismo ang nagpamukha sa’king huwag isali ang nakaraan sa kasalukuyan!”
“Linawin mo! Wala akong ibang ipinakita kanina kundi paano kita tignan tulad ng dati.” he snapped.
“Sinungaling! ‘Wag mong bilugin ang isip ko. Kasasabi mo lang kanina na nagkaroon ka lang ng isang girlfriend, which I’m not that girl.”
Mariin siyang pumikit, pagdilat ay nagbabaga doon ang galit.
“Damn it! Hindi ba nasali sa mga naririnig mong tsismis na kahit kailan hindi ako nagkaroon ng iba. Before and after you.” tila kulog ang tinig niya na nagpanginig sa mga tuhod ko.
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang kaninang malalim na paghinga ay biglang naging malumanay ito dahil sa mga binitiwan na salita.
“Ikaw lang…”
“N-no… liar! Si Keith?”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “Oh, no, baby, it’s not what you think.”
Lumapit siya sa akin lalo at walang sabing hinila niya ako sa baywang.
Humaplos ang mainit niyang hininga sa’king pisngi. Naamoy ko ang amoy alak niyang hininga na may halong mint.
“Please, baby, talk to me.” he whispered.
“I’m tired. Gusto ko ng umuwi, Travis.” saad ko.
Sa nanginginig kong kamay, inalis ko ang pagkapulupot ng braso niya sa...