NINAKAW NA SANDALI CHAPTER 5


“Nakakabwisit ang Makoy na yon!Nanggigil ako sa kanya!ang sarap niyang hampasin ng walis tambo sa mukha!”naiinis pa rin na sambit ni Bella habang binabaybay na nila ni Chacha ang daan Pauwi sa kanila
“Hoy Bella para ka namang Sira diyan.Bakit ka ba inis na inis Kay Makoy?Ano bang kasalanan non sayo?”di na napigilang itanong ni Chacha rito
Sapat para balingan siya ni Bella rito.
“Kung ikaw ba ang NASA kalagayan ko kanina Chacha. Papayag ka bang harap-Harapan na picturan na walang pahintulot.”
“Aba siyempre Hindi ako papayag..Pero tekA nagawa ba talaga ni Makoy yon sayo. Grabe ha nakakapagtaka gayong Hindi mo naman close yon. Hindi Kaya May crush yon sayo.”
“Ano bang lumalabas diyan sa bunganga mo Chacha. Crush talaga ha?Nakakainsulto ka ba.”
“Heto naman di na mabiro. Pero sa totoo di ko rin alam kung anong trip ng pulis na yon.”
Seryosong pinagkatitigan ni Makoy ang kanyang camera na kung saan ninakawan niya ng isang shot ang dalagang si Bella. Nakaupo siya sa kanyang Motorsiklo na kung saan iyon nakagarahe.
Agaw pansin niya agad ang pilat niyon sa kaliwang pisngi. Pero alam niyang May kahulogan ang pilat na iyon para sa kanya..DAHIL parang sinadya iyon na sugatan kumpara kung aksidente lang ang pagkakataon niyon ng ganong klaseng...


pilat. Dalawang Bakas kasi iyon na halatang sinadyang sugatan.
Natigil ang pagmasid niya sa imahe ni Bella nang marinig niya mula sa suot niyang earpiece ang boses ng taong sinusubaybayan niya.
“BABE..HINDI AKO MAKAKAUWI. NAGPARESERVE NA KASI SA AKIN SI MAYOR MArquez ng isang room sa Hotel dito sa San Juan. Bukas na kasi ang Pista rito Kaya Kailangan kong mag-stay. If you want pumunta ka rito sa akin Bukas..Okay BABE hihintayin kita. Bye..love you.”
Marahil ay ang fiancee nito na si Jiro Cojuanco ang kausap niyon sa telepono.
Natuon muli ang atensyon niya sa imahe ni Bella at sa Pagkakataong ito ay hindi niya maiwasan na napatingin sa kanang pisngi nito na kung saan May Nunal Pala ito roon..
“Tama Kaya ang kutob kong ito.”bigla na lamang niyang nasabi
Muling nagkagulo ang mga Tao sa labas na ito ng munisipyo. At Tanaw niyang paalis na ang singer na si Shanaira. Binuhay na niya rito ang kanyang motor upang sundan ang kanyang subject sa Hotel na tutuloyan nito rito sa San Juan.
Pagod na isinandal ni Nicole ang kanyang likod sa loob na ito ng sasakyang kinalulunadan. NGunit Hindi dapat siya nagrereklamo dahil ginusto niya ang maging sikat kahit Hindi kanya ang mukhang ginagamit.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top