BINANATAN KO LANG NOON, ASAWA KO NA NGAYON
(PART 2)
Nasa sala kami ngayon kasama ang tatlo kong anak. Biniyayaan kami ni Ethan ng tatlong anak and still counting.
HAHAHA. Malay mo diba mamaya may mabuo.
Principal na si Ethan ng NO LABEL ACADEMY at siya din mismo ang may-ari nito.
Ganda ng pangalan noh? Ako nag suggest niyan.
“Mama, pano kayo nagkakilala ni papa.”napalingon ako kay Aron ng tanungin niya ako. Siya ang panganay 7y/o. Gwapo mana sa tatay.
“Hmmm, simple lang. Binanatan ko siya tapos ayun kinilig.”sagot ko naman habang inaalala ang lahat. Kung saan nagsimula ang love story namin ni Ethan. At kung paano ako naging isang Mrs. Valdez.
Pagkatapos ko sa pag-aaral pinakasalan niya ako kaagad. Para daw di na ako makawala.
“Mama, may crush din po ako at gusto ko din siya banatan tulad ng ginawa mo kay papa.” napangiti naman ako sa sinabi niya.
Sa wakas maipapamana ko na rin sa mga anak ko ang kagalingan ko sa pagbanat. HAHAHAHAHA
“Eto nak, may naisip na ‘ko.” saad ko habang nakangiti.
“BATA MAN AKO SA IYONG PANINGIN ATLEAST KAYA NAMAN KITANG PALIGAYAHIN.”lumapad naman ang ngiti ng anak kong si Aron sa sinabi ko.
“Sige mama, try ko yan sa kanya.” Mukhang malapit na ako magka-apo.
“Ako din mama, may crush din ako. Bigyan mo din ako banat. Pero gusto ko sa mama niya ako babanat para pag pumayag pakasalan ko agad si crush.” Naka pout na saad ni Ash. Second baby ko 6y/o .
Ang babata pa nila pero bumabanat na.
“TITA, WAG NIYO NA PO ALAGAAN ANG...