BULONG


✍Shortie Wrìtès
Genre: HORROR
“Saraaaaahhhh……”
Animoy may hangin na umihip sa batok ko, kanina ko pa naririnig ang bulong na iyon.
Nagtindigan ang balahabo ko ng tila may malamig na humaplos sa aking pisngi
“Saraaahhh……”
palamig ng palamig ang boses ng babae. Kung kanina ay nilalamig ako, ngayon ay pinagpapawisan ako dahil sa takot. Magisa ako sa kwarto ngayon at di ako mapakali. Nakatalukbong ako ng kumot at tila isang hipon na nakabaluktot.
“Saraaahhhh….”
Napaiyak ako habang nasa ilalim ng kumot. Hindi ko alam kung bakit pangalan ko ang naririnig ko mula sa tinig ng isang babae.
“T-tulong….”
naramdaman ko ang dahan dahang pagbigat ng kamang hinihigaan ko, sht dont tell me may gana pa syang sumiping sakin.
“Saraaahhh….”
paos ang boses na iyon, boses na parang galing sa malalim na balon, tila boses ng natutuyong lalamunan.
“Sarahh tulong – Saraaaah….”
umihip ang malakas na hangin dahilan ng pagmulat ko ng mata.
Tumambad sakin ang mukha ng isang babae.
Pano sya nakapasok sa loob ng talukbong kong kumot?
May bahid ng dugo ang pisngi nito, maitim ang gilid ng mata, tuyo ang labi at tila malapit ng maagnas. Kapansin pansin din ang buhok nitong manipis ngunit mahaba.
Maputla ang balat kaya pansin ang mga pasa na nasa kanyang leeg tila ba ito ay sinakal.
Nakasuot ito ng bistidang puti. Matalim ang tingin nya sakin ngunit tila ba parang gusto nyang umiyak.
“Tulong….”
Bulong nya sabay pagpatak ng likidong kulay pula na mula sa kanyang mata. Lumuha sya ng dugo! Nanginig ako sa takot, hindi ako makahinga hanggang sa unti unti ng lumabo ang aking paningin.
Nagising ako ng may kumakalabit sa akin.
“Sarah?”
Boses ng isang lalaki, Jacob! Ang boyfriend ko.
” Bakit andito ka sa sala? Hinihintay mo ba ako?”
“Saraahhh…”
“Tama naaaaaa!”
Iyak ko habang yapos ang aking sarili. Hindi mawala sa aking isip ang boses at mukha ng babaeng iyon.
“Sarah!”
Rinig kong sigaw ni Jacob.
“Saraaahhh….”
Wika ng tinig na iyon. Sumasabay sya sa boses ni Jacob.
“Tama na!”
Sigaw ko hanggang sa mawalan na naman ako ng ulirat.
*Nagising ako dahil sa malansang amoy. Amoy ng dugo, iminulat ko ang mata ko at tumambad sakin ang duguang...


katawan ni Jacob. Nagimbal ako sa nakita ko. Patay na sya!
“Saraaah…”
Andyan na naman ang boses na iyon.
“Jacob!”
Sigaw ko, lalapit sana ako ng mapansin ko ang aking katawan na puno ng dugo, katabi ko rin ang isang itak na ginagamit namin kapag maghihiwa ng karne.
Napatingin ako sa aking kamay, Dugo!
“Sarahhh”
Ang noon ay malamig na boses ay tila may sigla na.
“Saraahhhh…”
” Anong ginawa mo!” Sigaw ko sa kawalan,
“Saraaah? Galit ka ba?”
Tila lumungkot ang boses at nangilabot ako ng sa isang kurap ay nasa harapan ko na ang babaeng iyon.
“S-sino ka?”
Bulong ko habang nanginginig na napahawak sa sahig.
“Mara…”
tipid nitong wika habang hinahawakan ang pisngi ko. Nawalan ako ng lakas dahil sa haplos na iyon. Ngunit mas nawalan ako ng lakas ng mapagtanto ko ang pangalan niya.
Mara, pangalan ng dating kasintahan ni Jacob. Narinig ko na ang pangalan na iyon ngunit hindi ko pa sya nakikita sa personal.
Namatay ito 3 buwan ang nakalipas bago kami maging magkasintahan ni Jacob. Ni minsan ay di binanggit ng boyfriend ko ang dahilan ng pagkamatay nito.
” Pinatay nya ako Saraaahhh….”
Lumuluha nitong sambit, kulay pula pa rin ang pumapatak sa mata nito.
Tila isa itong baliw na hinahaplos ang kanyang braso at balikat.
” Pinagsamantalahan nya ako! Binaboy nya ang katawan ko! Nung sinabing kong kakalas na ako sa relasyon namin ay pinatay nya ako!” Galit na sigaw nito.
Nanlumo ako, di nya yun magagawa, mabait si Jacob. Hindi yun totoo.
” Saraaah…” andyan na naman ang tinig na iyon. Nakakakilabot, nakakatakot.
” Sarrraaaaahh…..” malamig na boses ang paulit ulit na naririnig ko. Napatakip ako sa tenga ko habang paulit ulit ang bulong na iyon.
“Tama na, tama na, tama naaaa!” Iyak ako ng iyak.
“Saraaah…”
“Saraaaah…”
Nanlamig ang buo kong katawan ng humalakhak ito, This time ay tila buhay ang boses na iyon.
“Sarah..” tumawa ito ng nakakatindig balahibo.
“Salamat…”
Bulong niya hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pagsakit ng dibdib ko. Nakapasak ang itak sa aking puso. At kamay ko mismo ang nagtarak ng itak na iyon.
Habang unti unti akong binabawian ng buhay ay napansin kong unti unting paglaho ni Mara.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top