CHAPTER 2 : Still NO


CHAPTER 2 : Still NO
Naglalakad na ako ngayon dito sa campus papuntang classroom ng tinawag ako ni Nizz at hinahabol nya na pala ako. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay nalang muna sya para sabay na kami we’re not on the same course but we’re on the same building. Bat parang iba mood nito, para masaya ata.
“Anong meron?” Agad kong tanong sa kanya habang sabay na kaming naglalakad ngayon.
“Huh? What do you mean?” In denial nya pang sagot saakin.
“Ma-ang ma-angan ka pa, iba ang mood mo today kaya tinanong kita kung anong meron?” Paglilinaw ko sa kanya. Baka pinandalhan na naman to ng allpwance ng Dad nya pang shopping.
“Guess what?” Kinikilig nyang saad saakin. Kaya confused ko naman syang tiningnan sa mga ganitong ngiti alam ko na kung sino ang dahilan nyan. Napalalim nalang ako ng paghinga at di nalang kumibo panigurado yung Kenzo na naman yan.
Di ko nalang din kinuwento sa kanya ang sinabi saakin ng baliw na yun dahil hindi naman din yan maniniwala.
“Hey! Pag alam nya na talagang usapang Kenzo na, umiiba na ihip ng hangin” saad nya saakin at kinuha ang phone nya mula sa hand bag nya.
“Look! It’s been weeks na pala since break up nila ni Lei!” Masaya nyang sabi saakin at pinakita ang screenshot nya ng I.G story ni Lei about sa break nila. Tsk! Pati ba naman ang mga ganyang bagay pinopost pa.
“Kinasaya mo yan?” Walang emosyon kong tanong sa kanya.
“A lil bit sad for Lie, but a 100% happiness that i felt today kasi single na si Kenzo” namumula nyang sabi saakin.
“Simulan mo nalang kayang manligaw dahil mukha madaming pipila din” pagsabay ko sa trip nya at di na nagsalita ulit.
………..
Nasa library kami ni Nizz ngayon habang nagbabasa ako ng tungkol sa literature sya naman ay nag aaral din about sa course.
Habang papalit-palit ako ng pahina at naghahanap ng magandang mababasa, ng biglang may humawak sa kamay ko. Napaangat naman kami ng tingin ni Nizz sa kung sino yun.
“Let’s just talk outside” saad nya at hinila ako papalabas.
“B-but Kenzo, saan mo sya dadalhin” nabiglang tanong ni Nizz sa kanya at nakuha pa nitong tumayo sa kinauupuan nya ng dahil sa pagkabigla.
“Relax, gusto lang syang kausapinni Ken” paliwanag nung kasama nitong depungal na ito at di na rin kami sinundan.
Tinginan lahat ng students mula sa loob na kahit pati sila nagtataka sa mga nangyayari. Napayuko nalang ako habang hawak nya pa dinng mahigpit ang kamay ko.
“Bitawan mo nga ako!” Paghila ko sa kamay ko mula sa mahigpit nyang pagkakahawak nung nasa labas na kami ng library.
“So? What’s your answer? I need your answer now.” Agad nyang saad saakin.
“Anong answer? Answerin ko yang mukha mo!” Suplada kong sagot sa kanya at pumasok na ulit ng library para kunin ang gamit ko sa loob.
“Tapos na kayong magusap?” Tanong saakin nung kasama ni Kenzo kanina pero di ki na sya pinansin.
“Nizz, tara na. Hanap nalang tayo ng ibang lugar” pagyayaya ko kay Nizz, agad naman syang sumunod saakin papalabas ng library.
“Gray, what’s going on?” Naguguluhan nyang tanong saakin at paglabas namin ay nandoon pa din si Kenzo na seryoso akong tinitigan.
Seryoso ko lang syang tinitigan saglit at nagmadali na akong umalis.
“Gray, may hindi kaba sinasabi saakin?” Pangungulit pa din ni Nizz saakin. Sa ngayon hindi ko na binilisan ang lakad ko dahil medyo nakalayo na kami at nakaalis ng building.
“Gray, don’t tell me you’re the reason about their break up” pangungulit nya pa din saakin.
“Hindi!” Agad kong sagot na parang nakukulitan na. Natahimik naman sya bigla na at di na nagsalita. Sige na nga! Ipapaliwanag ko na!
………..
“So you mean, in short niyaya ka ni Kenzo Falco na maging jowa nya with salary pa?” Malakas na boses nyang tanong saakin nung naexplain ko na ang lahat.
“Tumahimik ka nga!” Suway ko sa kanya baka marinig sya ng ibang kumakain dito sa cafeteria yung reaksyon nya para di makapaniwala.
“Wait…what? Seryosos?” Seryoso nyang saad na parang ayaw pa din mag sink in sa utak nya. Tumahimik lang ako na kahit ako di nga din alam takbo ng isip ng lalaking yun.
“But why? Bakit ikaw?” Curious nyang tanong at nag angat balikat nalang ako, ewan ko ba sa trip ng lalaking yun lakas ng tama.
…………..
Nasa work ako ngayon, kaya umabsent muna ako sa klase, nagpaalam na din naman ako kay Prof, isa pa isang araw lang naman syang din e. Nag sesales lady ako ngayon dito sa isang Mall, ang permanent days ko lang talaga dito para magduty is Saturday and Sunday. At iba iba ang salary dito depende sa kung saang department ka na asign, e umabsent ang sales lady for this day shift na pang 500 pesos ang per day kaya sinunggaban ko na. Madadgdagan pa ipon ko para sa dream house ko para kina Mama.
Habang nag aayos ng mga android phone na dinidisplay dito sa department ay may tumawag saakin. Unknown phone number? Sino to? Pero di na ako nagdalawang isip na hindi sagutin kase baka emergency to sa bahay.
“Hello?” Pormal kong sagot.
“Bat ka absent i-” hindi pa sya tapos magsalita ay pinabaan ko na sa boses palang nakakasira na ng araw! Yun Kenzo na naman! Hmm!! Sigurado akong si Nizz ang nag bigay ng number ko.
“Kainis” naiinis kong sabi sa sarili ko.
“Oh! Naka aircon tayo pero parang ang init ng ulo mo” saad ni Kyle na kasamahan ko dito ngayon, iisang department lang kasi kami.
“Iinit talaga, mula sa impreyno yung tumawag saakin e” agad kong sagot sa kanya.
“Sinong nag mula sa impreyno?” Agad na sabat nung pumasok na nga costumer sa department namin.
“Ikaw!” Agad kong sagot nung nakita ko si Kenzo kasama si Nizz at yung kaibigan nya.
“Gray, costumer yan” pag awat saakin ni Kyle.
“Eh! Yan naman talaga ang tumawag saakin, anong ginagawa nyo dito? Nizz nakipagsabwatan ka pa” bungad ko sa kanila bago pa sila makapagsalita.
“Pinilit lang sya ni Ken” pagtatanggol ng kasama nila kay Nizz.
“Woah…is this the way you treated your costumers here? Isa pa hindi mo naman pagmamayari ang mall na to to ask us kung anong ginagawa namin dito right?” Maayos nya pang...


paliwanag saakin pero salunbong pa rin ang kilay ko ng tiningnan ko sya.
“I’m so sorry, Sir. Medyo wala lang po sa mood si Gray ngayon” pagpapaliwanag ni Kyle sa kanya.
Ng seryoso namang napunta ang atensyon ni Kenzo dito “Am i talking to you? Abogado ka ba nya to depend her? I didn’t even ask you. Or baka boyfriend ka nya?” Seryoso nyang sabi dito, ang yabang!
“N-no Sir, we’re just friends” nauutal na paliwanag ni Kyle at natahimik nalang.
“Good. Kasi kung nagkataon dalawa pala tayo” yabang nyang saad dito ng napatingin naman saakin si Kyle.
“Hindi ko papatulan yan!” Agad kong sabi sa kanya.
“Tsk! Anong oras ba ang uwi mo dito?” Pagtatanong nya saakin habang tinitinganan ang mga ibat-ibang klase ng phone case.
“Wala kang pake” pagtataray ko.
“I think magshashopping nalang muna ako” pagpapaalam ni Nizz saakin. Ng seryosos ko lang syang tiningnan.
“Dude, I’ll just come with her” saad naman ng kasama nya at umalis na.
“Oh? Ikaw anong ginagawa mo dito? Sumama kanalang kaya sa kanila” pagpapaalis ko sa kanya sa department.
Ng parang wala syang narinig at kinuha lang ang phone nya na parang may tinatawagan. Niloud speaker pa pero di ko na sya pinansin.
“Hello? Mr. Guzman, yes…this is Ken” nakangisi nyang saad sa phone pareho naman kaming natigilan ni Kyle ng narinig namin ang pangalang Mr. Guzman, tama ba ang naisip ko? O kapangalan lang ng kausap nya ang manager namin?!
“Yes, I’m here on of you departments medyo i didn’t-” pagkwekwento nya sana dito ng agad kong inagaw sa kanya ang phone at pinatay ito.
“Hey! Can’t you see i’m talking to him?!” Galit nyang sabi saakin at kinuha agad mula saakin ang phone.
“Ikaw ang sama mo! Gusto mo ba talaga kami mawalan ng trabaho?!” Inis kong sabi sa kanya.
“Do you want to take that risk?” Seryoso nyang tanong saakin.
“Gray, for you.” Sabi ni Nizz saakin na may inaabot saakin ngayon dito sa frontseat, oo nasa sasakyan kami ni Kenzo ngayon. Ng tinitigan ko nalang muna yung paperbag.
“Gray, tanggapin mo na peace offering ko na to, alam mo namang di ko matatanggihan si Kenzo if he ask something” pagsosorry nya saakin at nagpapacute pa habang inaabot pa rin saakin yung shinopping nya kanina.
Kaya tinanggap ko nalang din to.
“Yes! I know na di mo ako matitiis” pangiinis nya pa saakin. Hayst ewan ko sayo pero pasalamat ka nalang talaga at di kita matiis!
Nakakapagodkaya ang whole day na nakatayo lang sa department, kaya pasekreto kong nilingunan dito sa left side ko sa Kenzo na mukhang busy naman sa pagdradrive at busy din naman si Nizz at Theo sa paghaharutan kaya di naman siguro nila ako mapapansin na umiglip saglit.
………….
Naginsing nalang ako ng nandito na pala ako sa tapat ng bahay ng Tito ko. “Tamang-tama, gising kana” bungad nya saakin na nasa driver seats ng sasakyan nya.
Oo! No choice ako kundi pagbigyan ang sabi nyang sya ang maghahatid saakin, kasama namin si Nizz at yung kaibigan nyang Theo ang pangalan kanina, inuna nya na din sigurong ihatid. Hayst! Bat ba kasi ako di nagising agad.
“Ngayon lang ba tayo dumating?” Agad kong tanong sa kanya.
“Amp…more than a half hour since we get here, then tulog ka pa naman kaya di nalang muna kita ginising” paliwanag nya saakin.
“Baliw ka ba? Bat di mo ako ginising? Edi sana nasa loob na ako ng bahay ngayon” pagtataray ko sa kanya at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan at dumiretsyo na ng pasok sa bahay. Di ko na rin naman sya narinig na nagsalita pa.
………..
“Gray, sasama ka saakin na mag lunch?” Pagyayaya ni Nizz saakin sa cafeteria.
“Ah…hindi muna may exam pa ako bukas na urgent ko dapat pagaralan” pag tanggi ko sa kanya.
“Okay, kita nalang tayo mamaya” saad nya saakin bago kami nag ikwas ng direksyon. Ang totoo medyo masakit imdin ulo ko, di ko alam kung bakit? Bat ngayon pa? Ang dami ko pang dapat pag aralan.
Habang naglalakad ay nakita ko na naman sya, ang liit na ba talaga ng mundo para saaming dalawa? Sana di nya ako kulitin ngayon, ang dami ko pang gagawin kaya umasta ako na parang di sya nakita.
“Gray, so ano na?” Hayst! Pangungulit nya na naman.
“Pwede ba wag ngayon madami akong gagawin” pagmamakawa ko sa kanya at nagpatuloy sana sa paglalakat.
“Wait…bat ang putla mo” pagpigil nya saakin sa paglalakad at hinarap ako sa kanya.
“Are you okay?” Pagtatanong nya saakin habang dinadampi ang kamay nya sa nuo ko ng pakiramdam ko ay bigla nalang umikot ang buong paligid at kasabay ng pagpikit ko saaking mga mata.
………….
Nagising nalang ako ng nakatitig sya saakin “ialis mo nga yang mukha mi sa harap ko ang panget ng view” nanghihina ko pang sabi sa kanya at tinulak sya.
“Tsk! Masyado akong gwapo para sa pang iinsulto mo” magkasalubong nyang kilay na sagot saakin at umupo sa bandang gilid na bahagi ng kamang kinahihigaan ko ngayon.
“Bat ako nandito?” Gulat kong tanong sa kanya at napaupo agad mula sa kinahihigaan.
“Dont! You need to take a rest, yun yung sabi ng school nurse na nagcheck sato kanina” sabi nya saakin at pinilit akong humiga ulit.
Ng napahawak naman ako sa ulo ko dahil naramdaman ko na naman ang sakit nito.
“Nawalan ka kaya ng malay kanina, and i brought you fruits nalang din kasi sabi ng nurse, namutla at nawalan ka daw ng malay dahil sa gutom” paliwanag nya saakin ng naalala ko na may pa random exams kami ngayon na pwedeng lumabas sa exam namkn bukas.
“Kailangan ko ng umalis” natataranta ko saad at lalabas na sana ng school clinic.
“No, you need to rest and don’t worry nakausap na namin ni Nizz yung prof mo about this and you’re already got excused” pagpapakalma nya saakin.
“Sige ka, pag ikaw nawalan na naman ng malay doon, wala nang magbubuhat sayo papuntang clinic” pagpaparinig nya pa. Ibig sabihin binuhat nya ako papunta dito? Masusuka ata ako.
“Bakit? Ikaw lang ba ang lalaki dito sa campus na pwedeng magbuhat saakin?” Pagtataray ko sa kanya.
“Maybe no, pero as far as i know ako lang ang gwapong lalaking pwedeng magbuhat sayo ng nakabridal” nakangiti nyang sagot saakin. Tumatayo balahibo ko! Grabe!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top