“Matagal na tayong tapos, Pia! Huwag kang mag-assume na tayo pa rin! ‘Di ba? Ikaw pa nga ang nakipaghiwalay sa ‘kin?! Tapos ngayon tatawagin mo ‘kong ‘Love’? Ang kapal mo rin para bumalik pa! Bakit hindi ka na lang bumalik kung saan ka nanggaling? Umalis ka na rito!” pagtataboy niya. Gusto talaga niyang umalis na ako? Bakit sobrang sakit naman nito?
“G-gavin, huwag ka naman ganyan magsalita sa ‘kin. H-hindi mo ‘ko naiintindihan–”
“Paano ko maiintindihan? T*ng ina!” Nagtangka ako na lapitan siya pero…
“Huwag na huwag mo ‘kong lalapitan!” mariing sambit nito. Napaurong ako. “Baka kung ano lang ang magawa ko sa’yo kapag lumapit ka sa ‘kin! So stop right there, don’t come near me!” Nagulat ako sa sinabi nito. Pinagbantaan niya ‘ko, na kahit kailan hindi niya ginawa, ngayon lang. Parang kailangan ko ng oxygen dahil hindi ako makahinga nang maayos. Natatakot ako sa awra niya.
“G-gavin, I know I’m wrong all this time. Pero nandito na ako, oh. Bumalik ako para sa’yo kasi, kasi gusto kong bumalik tayo sa kung anong meron tayo dati–”
“Ang kapal mo rin, no? Pagkatapos mo ‘kong iwanan nang halos dalawang taon ngayon ganyan lang kadali sa’yo na sasabihin ang mga ‘yan?” Tumawa ito ng mapakla. Bakas sa boses nito ang pait.
“I’m s-sorry. Just listen to me first, please? Magpapaliwanag ako,” pakiusap ko rito.
“Sorry? Bakit? Mabubuo ba ulit ‘yung puso ko na sinira mo, na winawasak mo, kapag humingi ka ng sorry, ahโ” Ramdam ko ang pait sa bawat salita na lumalabas mula sa bibig niya, at ang sakit-sakit dahil para ‘yong patalim na tumutusok sa aking puso. Wala na ‘kong naisagot pa sa kanya. Iyak lang ako nang iyak na parang bata.
“Pia, kung inaasahan mo na pagbalik mo tayo parin at tayo pa, nagkakamali ka! Dahil simula nang araw na iniwan mo ko, ay siya rin araw na kinalimutan kita.” Nanatili akong nakayuko upang iwasan ang malamig na tingin niya. Nakatakip rin ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko, ayaw kong marinig ang mga sinasabi at sasabihin niya, masyadong masakit.
“T-tama na!” pagmamakaawa ko rito. Pero parang dumaan lang sa tenga niya ang sinabi ko dahil nagpatuloy siya sa masasakit na salita niya na tumatagos nang sobra sa aking puso. Nilapitan ako nito at hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog ako nang paulit-ulit.
“Itatak mo sa kokote mo na kinalimutan na kita Pia! Binura na kita sa utak at puso ko, inalis na rin kita sa buhay ko! Kung inaasahan mo na babalik sa dati ang lahat tumigil ka na sa ilusyon mo, dahil matagal na ‘kong sumuko sa’yo simula pa nang araw na binitawan at iniwan mo ‘ko!” Marahas ako nitong binitawan.
“N-no.” parang may bumabara sa lalamunan ko. Para na ‘kong sasabog sa sobrang sakit.
“It hurt, Pia! You hurt me–”
“P-patawarin mo ‘ko. I-isa pang pagkakataon, G-gavin–”
“It kept hurting, you know? You went away, and now you’re back? If you stay, you will leave again, and It will hurt again....
Just keep making good content. Exactly what I needed! I have been browsing the various search engines all day long for a decent article such as this
Nakakaiyak
Ganda nito
Who’s the person behind this? Where did you get this novel? I’m the author of this story. Why did you get this without my permission? And, as far as I remember, I didn’t give the rights to you just to post my story in this kind of platform. To the someone who just get my story without my permission, kindly delete this, this is illegal and plagiarism.