Childhood Enemies Turns To lovers CHAPTER 2.1


🍂HWOTC-BOOK 2🍂
⛱️⛱️
“Yaya Norma hindi kasi ako makatulog tsaka inaatake na naman ata ako ng insomia kaya hayaan nyo na lang po ako. Mauna na po kayo sa kwarto ninyo at matulog”
“Pero bilisan mo dyan ha? kasi namamalantsa pako hindi ko pa natatapos dahil mapumilit ka sige na nga lang!”
“Wala namang ibang gagawin dito sa baba kundi itong kusina tsaka aakyat narin ako sa kwarto pagkatapos” sabi ko kaya nagmadali na si yaya na tapusin ang iba pang trabaho nya.
Matapos ang kalahating oras naupo muna ako sa sofa dahil nangangalay na ang balikat ko. Di ko na namalayang papikit nako at tuloy tinamad nakong umakyat ng kwarto.
___________
Shan Rushen Rick’s POV
Inabot nako ng alas dyes ng gabi galing kina ezra dala ang laptop para sa report bukas. Paakyat na sana ako ng mapansin kong nakatulog sa sala si Rica. Nagpatuloy ako sa paghakbang paakyat pero di mawala sa isip kong baka lamigin sya dun sa baba kaya umikot at humakbang uli ako pababa at naglakad palapit sa natutulog na si Rica.
“Rica wake up” mahinang sambit pero di ako marinig
“Gising oi!...


bakit ka natutulog dito!” nakatayo parin ako kaya yumuko ako ng bahagya at hinawi ang buhok nyang nakatabon sa maamong mukha.
“Hey” mahinang saad.
Tsk! haist! malamang tumulong na naman to sa paglilinis kahit di na naman nya gawain Yun. Ang ginawa ko nalang ay binuhat ko nalang sya hanggang makarating sa kwarto nya…Dahan dahan kong pinahiga at kinumutan.
“Mama” nanaginip ata sya. Nagsasalita ng tulog.
“Niyakap nya ang braso ko’t nagsalita uli.
“Dito kalang antagal mong umuwi” sabi nya uli.
Malamang namimis nya si ninang Michelle dahil laging Overtime sa trabaho.
Dahan dahan akong kumalas at inayos uli ang kumot nya.
Kahit pilit akong kumalma dahil bigla na naman bumilis ang pintig ng puso ko. Tuloy napahawak akot nasabi sa sariling “Rushen,kalma ka lang di mo papatulan ang kinakapatid mo ok?”
napailing nalang akot nagpasya ng umalis sa kwartong yun.
__________
Rica’s POV
Nagising nalang akong puno ng pagtataka kung pano ako nakarating sa kwarto ko. Ang naalala ko lang ay napagod ako’t nakatulog sa sofa. Tsk! baka nakalimutan ko lang ilang beses na nangyari to?
Bumangon na ko at naghanda para pumasok sa skwela…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top