Christmas Day Turns Into Halloween


Christmas Day Turns Into Halloween
✍️: Xabreena Valdez
(Based on a true story)

“Merry Christmas.” masayang pagbati ng mag asawang Theresa at Romeo habang hawak-hawak ang kamay ng bunsong anak na si Daisy na mag a-apat na taong gulang pa lamang.
“Oh! nand’yan na pala kayo, pasok.” masayang saad ni Amanda ang ninang ni Daisy na nakapangasawa ng Australiano at kapatid ng sister-in-law ni Romeo na si Alice.“Yan na ba ang inaanak ko? ang laki na ah. Bless kay ninang.” nakangiting pagbati ni Amanda sa kanyang inaanak saka tinapat ang kamay niya sa bata at agad naman ‘yun hinawakan ni Daisy saka nag-mano.
Agad na ngang tumuloy sa loob ang mag-asawa kasama si Daisy. Nadatnan nila ang ilan pang malapit na ka-anak at close-family na nasa malawak na sala. Nandoon din ang mga batang pinsan ni Daisy na masayang pinaglalaruan ang mga natanggap na regalo mula sa mag-asawang Amanda at Steve.
“Oh! here she is. Hello Daisy, come to ninong.” masayang bati ni Steve ng makita ang inaanak, napa-atras si Daisy dahil sa takot matapos na makitang naka-Santa Claus costume ang kanyang ninong.
“You scared our little girl.” saway ni Amanda sa asawa at saka nagtawanan ang lahat.
“Anong gusto mong kainin? you want Ice cream? Spaghetti?” malambing na tanong ni Theresa sa anak, at umiling lamang si Daisy saka sumubsob sa ina. Agad naman siyang kinalong ni Theresa saka pina-upo sa hita niya.
“Romeo, Theresa, kumain na kayo.” alok ng kapatid ni Romeo na Lorenzo.
“Sige lang, maya-maya nalang ng kaunti.” saad ni Romeo.
Samantala, nakita naman ni Daisy ang mga pinsan na halos kasing edad lang niya na naglalaro sa may hardin.
“Mama, I want to play outside.” bulong ng bata sa ina.
“Mamaya na baby, hindi ka pa nakain.” saad ni Theresa.
“Bakit?” tanong ni Amanda ng marinig ang sinabi ni Theresa.
“Eh gusto daw maglaro kasama mga pinsan niya.” ani Theresa.
“Pagbigyan mo na, d’yan lang naman yata sila sa hardin. Wag lang lalabas ng gate. Lorenzo, i-lock mo nga ‘yung gate para hindi makalabas ‘yung mga bata.” ani Amanda at agad naman sinunod ‘yun ni Lorenzo.
Masayang naglalaro si Daisy kasama ang mga pinsan niya bitbit ang mga laruan na kanilang natanggap mula sa mag-asawang Amanda at Steve.
Maya-maya pa, napansin ng batang si Daisy ang matandang babae na nakatayo sa gitna malapit sa sala at kinakawayan siya. Nakatulala lamang ang batang si Daisy hindi alam ang kanyang gagawin. Hanggang sa hindi niya namamalayang unti unti niya na palang inihahakbang ang mga paa patungo sa kinaroronan ng matandang babae. Kapansin-pansin din na tila hindi napupunan ng mga tao sa sala ang matandang babae na nakatayo malapit mismo sa kinauupan ng ina ni Daisy.
Sa kabilang dako, hindi namamalayan ng mga tao sa sala na nawawala na ang batang si Daisy. Hanggang sa..
“Nasaan si Daisy?” tanong ni Theresa sa pinsan nitong si LJ na pitong-taong gulang ng magsipasukan na ito sa loob ng bahay.
“Hindi naman po namin kalaro si Daisy eh.” saad ni LJ, agad naman nagkatinginan ang mag-asawang si Theresa at Romeo.
“A-Anong ibig mong sabihin?” may pag aalalang tanong ni Theresa.
“Umalis po siya agad kanina at pumasok siya dito sa loob. Nakatulala nga po siya eh Habang naglalakad.” pagki-kwento ni LJ.
“Mama!!” isang malakas sigaw ng batang babae ang narinig ng lahat mula sa sala.
“Si Daisy ba ‘yun?” saad ni Amanda.
Hindi na kumibo si Theresa at nagmamadaling tumayo sa kinauupan upang hanapin kung nasaan ang anak.
“Mama!!” muling sigaw ng bata.
“Daisy nasaan ka?!” sigaw ng ina na bakas na ang matinding kaba at takot para sa anak.
“Parang sa kwarto niyo nanggaling ‘yung sigaw.” sabat ni Alicia ng tignan niya ang kapatid na si Amanda.
“Pero naka-lock ang kwarto namin. Saka imposimbleng mapunta doon si Daisy. Mataas ang doorknob ng kwarto namin...


ni Steve, at isa pa. Kung pupunta man siya doon edi sana nakita natin siyang dumaan dito sa harapan natin. Dahil wala naman siyang ibang dadaanan papunta sa kwarto kundi dito sa sala. Kung nasaan tayo nagtitipon-tipon.“ ani Amanda.
“Mama!” muling sigaw ng bata na mababakas na ang takot sa boses nito habang umiiyak.
Sa kabilang dako, sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nakulong ang batang si Daisy sa loob closet ng mag-asawa Amanda at Steve. Mabuti na lamang at naka-bukas ang bintanang jealousy na pinasadya ipalagay ng mag-asawa sa likurang bahagi ng closet na tagos sa labas. Ang closet din na iyon ay tila isang maliit silid sa loob ng kwarto ng mag-asawa.
Halos kalampagin ni Daisy ang pintuan ng closet makalabas lamang siya.
“Mama!!” sigaw ng batang paslit habang umiiyak dahil sa takot.
Ngunit ang takot na kanyang nararamdaman ay mas tumindi pa, ng pagtingin niya sa likod niya isang babae na naka-side view, mas mataas lamang sa kanya ng kaunti at nakasuot pa ng uniporme na tila sa isang private school. Ito ay nakadungaw sa bintana at nasa loob din ng closet gaya ni Daisy. Mapapansin din na tila may umaagos na dugo mula sa ulo ng batang babae at pumapatak iyon sa puting uniporme niya. Napaatras ang batang si Daisy dahil sa takot. Ilang saglit pa narinig niya ang pag tawag ng kanyang ina sakanya kaya muli niyang kinalampag ang pintuan, ng lingunin niya muli ang batang babae, ay palabas na ang kalahating katawan nito mula sa bintanang jealousy.
Samantala, nang mabuksan na ni Amanda ang pintuan sa silid nilang mag-asawa gamit ang susing nasa bulsa niya ay narinig nila ang kalampag na nagmumula sa pintuan ng closet.
Kaya agad ‘yun tinungo ni Theresa upang buksan ngunit naka-lock din ito.
“Nasaan ang susi!?” tarantang tanong ni Theresa. Saka sila nagmamadaling hinanap ang susi ng closet sa buong silid. Ngunit wala doon ang susi. Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay saka pa lamang nila natagpuan ang susi sa kabilang silid na naka-lock din ang pintuan. Kaya sobrang pagtataka ng lahat kung paano naka-pasok si Daisy sa loob ng closet. Imposible naman na sa bintana dahil maski ulo ni Daisy ay hindi kakasya doon.
Nang mabuksan na ang ang pintuan ng closet, agad na natumba ang wala ng malay na si Daisy at agad naman siyang nasalo ng kanyang ama na si Romeo. Dinala siya sa sala saka pinaypayan ng pinaypayan hanggang sa magkaroon na ‘to ng malay at agad na yumapos sa ina kasabay ng pag-iyak.
“I still can’t believed this is really happening.” halos hindi makapaniwalang saad ng ninong ni Daisy na si Steve.
“Na-blessingan ba ‘tong bahay niyo Amanda ng bilhin niyo ‘to?” ani Alicia.
“Oo.” sagot ni Amanda.
“Eh bakit parang wala naman nagbago? pati pamangkin ko muntik ng mapapahamak.” ani Alicia.
“Kaya nga hindi kami nag i-stay ng matagal dito ni Steve kung wala naman okasyon. Dahil nga sa masyadong nakakatakot ang bahay na ‘to. Walang pinipiling oras sa pagpaparamdam.” saad ni Amanda.
Magmula noon, hindi na sumama si Daisy sa pagpunta sa bahay ng ninang niya dahil sa takot na maulit ang nangyaring iyon.
Lumipas man ang maraming taon, nananatiling buhay sa kanyang isipan ang naganap noong siya’y mag a-apat na taong gulang pa lamang. Isang pangyayari na hanggang ngayon ay nahihirapan parin siyang ipaliwanag kung paano siya nakarating sa loob ng closet. Dahil wala naman siyang ibang naaala kundi ang matandang nakita niya, at pagkatapos ay nagising nalang siyang na loob na siya ng nasabing closet.
Ngunit ‘yun palang pala ang simula ng pagkakaroon niya ng kakaibang kakayahan na makakita o makaramdam ng hindi kayang makita ng isang normal na taon lamang. Ang tinatawag nilang ‘3rd Eye’.
—THE END—
A/N: Meron tayong magkakaibang paniniwala, kaya naman hindi ko kayo pipilitin na maniwala sa kwentong isinulat ko. Ngunit ang kwento inyong nabasa ay hango sa totoong buhay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top