CRAZY EX-WIFE CHAPTER 13


CRAZY EX-WIFE ”
CHAPTER 13
– Lorraine –
Malayo palang ay tanaw na kami ni Lara at kumakaway Ito.
Parang Hindi ko na Kaya pang humakbang papunta Kay Lara ng Makita ko Ang batang kalong-kalong nya habang naghihintay sa paglapit namin ni Alex sa pwesto Nila.. Naghahalo Ang damdamin ko sa saya at pangamba . Mas humigpit pa Ang kamay ko sa paghawak Kay Alex para kumuha ng lakas ng loob
” Tita sino Po Ang pupuntahan natin dito ? Akala ko Po ba bibili tayo ng mga books? ” Nasa harapan na ako ng anak ko pero parang Hindi nya pa ako namumukhaan. Baka masyado nang iba Ang itsura ko ngayon sa tinitingnan nyang litrato ko noon.
” Reyden, say hello to Tito Alex ” Sabi ni Lara ng madako Ang Mata nito Kay Alex.
” Hello Po. Ako Po si Lance Reyden ” Ang sarap sa pakiramdam pagmasdan Ang mga ngiti nya. Mga ngiti na matagal ko na sanang dapat nakita. Gustong-gusto ko na agad syang yakapin Kaya Lang di ko pa alam Kung Pano syA lalapitan o babatiin manlang. Dumako naman Ang Mata nya sakin at parang kinikilala nya ako.
” Tita who is she?”
” Diba sabi ko sayo may surprise ako sayo? Ito na yon. syA si Lorraine Ang mama mo. Go kiss and hug your mama na ”
” Kayo Po ba Ang mama ko?” Kumagat labi ako habang tumatango-tango sa kanya para Sana pigilan Ang mga luhang gustong kumawala sakin pero nang yakapin nya ako ay nagtuloy-tuloy na Ang pagbagsak ng mga luha Ko. Ang dami Kong pinanghihinayangan sa mga oras nato pero alam ko Hindi ko na pwedeng ibalik Ang natapos na. Hindi ko akalain na matatanggap nya ako ng ganito kadali
” Mama why are you crying? Are you hurt?”
” N-no anak.. I’m happy . Tears of joy lang to. Namis kasi Kita. Ang laki-laki mo na” inayos ko Ang buhok nya at niyakap ulit syA. Akala ko hindi ko na mararanasan Ang maging Ina.
” Wag ka na pong umiyak. Magaling na Po ba Kayo? Kasi ako na Po gagamot sa inyo ”
” Ang bait naman ng anak ko manang-mana sa tita Lara. Magaling na ako anak Kaya Hindi na tayo magkakahiwalay ” sobrang laki ng utang na loob ko kay Lara at Kay Alex dahil sa mga ginawa Nila para sakin. Hindi ko na alam Kung paano at saan ako makakabawi. Maayos Ang pagpapalaki nya sa anak ko at ramdam ko na iniidolo syA ng anak ko. Ngumiti ako Kay Lara dahil alam ko masaya Rin syA para sakin.
” Kumain muna tayo sa labas baka nagugutom na kayo? ” Aya ni Alex.
Lumapit ulit ako sa anak ko para ako na bumuhat sa kanya pero Kay Lara sya pumunta. Medyo nalulungkot ako pero Kay Lara na sya lumaki at syA na Ang nakasama nya sa araw-araw Kaya naiintindihan ko naman Kung mas malapit syA dito. Mas maraming nagmamahal sa kanya mas maganda at mas magiging panatag ako dahil kahit Wala syang papa Hindi nya mararamdaman na kulang sya.
” Mama ! ” Nagulat ako ng tawagin ako bigla ni Reyden
” Yes anak?”
” Sabi Po ni tita Lara mag sorry daw Po ako sa inyo”
” Ha ? For what? ”
” Kase, dapat daw Po sa tabi nyo lang ako. ”
” Okay Lang naman anak. Naiintindihan naman ng mama ha? Alam ko kasi Love mo si tita Lara “.
” At love ko Rin Po kayo ” nawala lahat ng lungkot ko ng sabihin nyang Mahal nya Rin ako. Hindi man ako sinuwerte sa Ibang bagay pero pagdating sa anak pinagpala naman ako. Sa twing tinitingnan ko Ang mata nya si Mark Ang nakikita ko. Kamukha syA ng papa nya.
” Mama?” Balak ko ng kumain ng tumawag ulit syA sakin
” Hmm? Gusto mo...


bang magpasubo sakin? ” umiling sya bilang sagot
” Ice cream gusto mo? Order ako para sayo . Wait lang ”
” Mama nakita nyo Po ba si papa don sa states?”
Napatigil kaming lahat.. hindi ako naging handa sa tanong ng anak ko. Pwede ba Akong magsinungaling?
” Ahhh.. Ang papa mo? H-hindi e. Nag work kasi sa Ibang Bansa Ang papa mo siguro nagka problema syA don Kaya hindi nya na tayo matawagan manlang. ” Napakababaw ng dahilan na binigay ko at Kung nasa tamang edad lang sya, iisipin nya talagang may tinatago ako at nagsisinungaling Lang ako
” Okay Lang naman Po na walang papa. Yung classmate ko Rin Po na si Miko wala Rin Po syang papa kasi may iba na daw Po asawa Ang papa nya ” hindi kailanman naging okay Ang walang papa pero mas mabuti narin siguro sa ngayon na yon muna Ang isipin nya para hindi syA masaktan. Nakakapanghina lang dahil pareho sila ng sitwasyon ng kaklase nya ng di nya nalalaman
” Ganon ba.. don’t worry Lance, paglaki mo makikita mo narin Ang papa mo . Uuwi din yon Gaya ni mama ” ngumiti syA sakin. Dahil narin siguro nabuhayan syA ng pag-asa na makikita nya pa Ang papa nya
” Gusto ko na pong lumaki mama. Ilang Buwan Po ba yon? ”
” Kung gusto mong lumaki, kumain ka muna ng marami dahil maraming Buwan pa yon”
” Yehey! Makikita ko Rin si papa paglaki ko. Kapag hindi Po natin sya makita mama ako Po maghahanap sa kanya para sa inyo. ”
– MARK-
” Papa I want doll. Ibili mo Po ako nyan ”
” Andami na nating biniling laruan Hindi mo naman nilalaruan lahat e. Sayang Lang Ang pera ”
” iiihh papa! Yung Isang doll ko walang baby. Gusto ko ng baby doll ”
” Oh Sige na nga.. after natin nito, uwi na tayo ok? Hinahanap na tayo ng mama Jane ”
” Okay Po. Pero ibili mo muna ako ng ice cream papa ”
” Ice cream ulit? Nabili na natin yon kanina ah bago tayo pumunta dito. ”
” Isa pa Po please? Papa please? ”
” Sige na nga. dinadaan mo nanaman ako sa paglalambing mo. Teka, bakit mapula labi mo? Bata mo pa marunong ka nang mag make up? Blessy bad yan. Sinong lumagay nyan? ”
” Sorry Po papa.Naglalaro Po kasi kami ni tita nilagyan nya Po ako”
” Sinasabi na nga ba. Basta kayo magkasama puro kaartehan lang ituturo non. Ibibili narin Kita ng books para may babasahin ka. Wag puro laro baby ha ? Unahin mo muna Ang pag-aaral mo. Gusto mo ba maging proud si papa sayo?”
” Yes Po papa ”
.
” Then, mag-aral ng mabuti ok? Maganda kana kahit hindi ka mag make up ok? Sabihin mo Kay tita magagalit ako kapag inulit nya pa yan. Sundin mo si papa at mama para maging proud kami sayo ”
” Yes Po papa ”
” Pabili Po ng ice cream, mango flavor please? ”
” Ito na Po ma’am ”
” Thank you ”
Napalingon ako sa babaeng malapit sakin ng marinig ko Ang boses ni Lorraine. Naamoy ko Rin Ang paborito nyang pabango. Nakalugay Ang mahabang nyang buhok at nakaharang sa mukha Kaya hindi ko na nakita Kung si Lorraine ba o Hindi. Hindi ko maiwasang isipin na syA si Lorraibe dahil pati paglakad nito ay parehong-pareho. Tinuon ko nalang Ang atensyon ko sa iba ng Hindi ko na Makita Ang babaeng yon . Baka sumagi lang ulit sa isip ko si Lorraine kaya naghahalusinasyon ako. Matagal ko na syang Hindi nakikita at Wala narin akong balita. Siguro ay maayos na Ang buhay nya ngayon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top