Perfect Match Chapter 6


Perfect Match
Chapter 6
“Jerald hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako sa pagkamatay ni Gregor, hindi man lang ako nkahingi ng sorry sa kanya. Wika ni Elise
Pareho tayo, hindi naman nating siya masisisi kung nagalit siya sa atin. Mahinang sagot ni Jerald..
Jerald pov
Magkababata kaming tatlo si Gregor, ako at si Elise.. Nakatutuk ako sa pag aaral ko dahil gusto Kong ipag malaki ako nila papa at mama.. Sabi sa akin ng papa kami daw ni Gregor ang mamahala ng kompanya oras na mawala sya..kaya Pareho kaming kumuha ng Architecture.. Si Gregor wala syang hilig sa pag aaral laging nakay Elise ang atensyon niya..kaya lagi syang napapgalitan ng Papa.
Pero si Elise ako ang gusto, hindi ko ang sya mabigyan ang atensyon dahil mas inuuna ko ang pag aaral.. Isinantabi ko muna ang nararamdam ko sa kanya.. Kaya kay Gregor sya
lumapit.
Asang asang nun si Gregor na sasagutin sya ni Elise pero Hindi nangyari yon, dahil ako gusto ni Elise. Nahuli nya kami isang beses hinalikan ko si Elise Hindi ko na kasi mapigilan angmararamdaman ko sakanya kahit pinipigilan ko naman. Nagalit sa akin si Gregor
Nagkasuntukan pa kami noon dahil inagaw ko daw sa kanya si Elise.. Laging magulo ang bahay namin noon dahil Hindi kami magksundo ni Gregor, namatay na lang si Papa
Na masama ang loob sa amin si Gregor dahil palagi kaming nag- aaway. Hanggang napagpasyahan niya na
Ma, papasok po ako Military
Anu Gregor papasok ka sa Military ? Iiwan an mo kami..?iniwanan na nga tayo ng papa mo tapos ikaw aalis pa.. Anak naman.
Ma, kaya na Jerald dito total naman sya na ang magaling, sya ang matalino.. Sya na ang lahat pati si Elise sya ang gusto.. Aalis na ako Dito.
Sawa na ako na si Jerald na lang ang magaling.
Sawa na akong laging naiitsa pwera. Sya ang paborito ni papa. Sya ang paborito mo..pati yong kaisa isang babae ng minahal ko sya ang gusto.. Wika niyang may pait ang tinig..
Hindi totoo yan Anak mahal kita pantay lang ang pagtingin ko sainyo ng kapatid mo..
Hindi totoo yan Mama dahil mas proud kayo sa kanya kisa sa akin kahit ginagawa ko naman ang lahat nagpapakatino na nga ako eh, pero Nasa kanya pa rin ang atensyon nyo.!kaya gagawa ako ang sarili Kong mundo ayaw ko na dito sainyo. Kung na dito ako, lagi lang kaming mag aaway ng paborito nyo anak baka mapatay ko pa yan kapag Hindi ako nakapag pigil..
Mula noon ay umalis na sya..at Iniwan na niya kami..
Elise pov.
Badboy ang tingin kay Gregor sa school namin pati ng mga kaibigan at kamag anak ko, pero sa akin mabait sya, sinusunod niya lahat ng gusto ko.
Magkaklasi kaming tatlo mula Elementary hanggang college, kung Hindi lang sya pumasok sa Military bka hanggang sa trabaho magkasama pa kami.. Pero umalis sya kaya ka. Kami nalang ni Jerald ang magkasama ngayon
Nagtatrabaho ang ama ko sa kompanya nila.. Kaya ginusto ko na rin doon mag trabaho.
Si Jerald ang pumalit kay Tito Manolo Mendez bilang CEO. Mendez Constraction company. Deserve nya nman yon dahil magaling sya.. Kaya nga gusto ko sya mas matured syang mag isip kisa sa kapatid nya..
Nalulungkot lang ako ngayon dahil Hindi ko alam na kukunin si Gregor sa ganun paraan.. Mahal ko sya as a friend. Nasaktan ako ng mwala sya dahil sya lang kasi ang taong nagpadama sa akin ng special ako.namimis ko ang mga araw...


na pinag samahan namin..
Hindi nya deserve masaktan ng tulad ko kung pwedi nga lang turuan ang puso ginawa ko na
Kaso may heart beats for Jerald only.. Sa taong minsan manhid, minsan sweet, madalas
Walang time sa akin.. Genius sya sa lahat ng bahay pwera lang sa pakikipagrelasyon..
**
Karena pov.
Hindi na mahalaga kung sino man ang ama ng anak ko alam ko lang isa syang Mendez.. Wla na akong balak alamin pa yon..Maliit lang ang tyan ko. Ang pamilya ko lang ang tanging npagsasabihan ko nito wala akong balak ipaalam sa kanila ito.. Lalo na sa mga Mendez.
Bubuhayin ko ito kahit ako lang mag isa..
Yon naman talaga ang plano ko dati pa..
Bumalik ako sa Mansyon, nagpaalam na ako
Kay Donya Martha at kay sir Jerald na aalis na ako.
Karena, pag isipan mo akala ko ba ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo? Dumito ka muna.. Wika ng matanda..
Naisip ko din yon.wla mag po provide sa mga kailangan namin.Hindi nman ako makabalik ang hospital dahil nahihiya ako sa ginawa baka pagtsismisan nila ako doon.. Kaso no choice ako ayw Kong malaman nila ito.
Hindi muna ako pinauwi ni Jerald ng araw na yon na nag paalam ako..
Karena, please stay here! Kailangan ka pa ni Mama lalo na ngayon, mandalas syang naghihina. Kung . Gusto mo dadagdagan ko pa ang sahod mo..
Nanatili pa ako ng ilang araw doon total Hindi pa naman halata ang tyan ko kaya ko pang itago kaya nanatili muna ako dito sa Mansyon..
Hanggang, isang araw, sa sumama ang pakiramdam ko dahil sa Hindi ko gustong amoy..tumakbo ako sa cr..Hindi ko na naisara ang pinto nasuka ako.
Karena? Okay kalang ba?tanong ni Jerald
Okay lang ako sir may nakain lang yata ako na Hindi gusto ng tyan ko..
Mag pahinga ka muna kung Hindi mo kaya ha?
Opo sir!
Ilang beses na akong nkikita ni Sir Jerald na nagsususka.. Tintingnan niya ako mula ulo hanggang paa.. At dumako ang tingin nya sa tyan ko na noon ay apat na buwan na.
Karena buntis ka ba?maputla ka.
Hindi na ako nakapag sinugaling pasa kanya..
Opo sir buntis po ako.!wika ko hinhintay ko na tanungin nya ako kung siya ba ang tatay.
Ah ganun ba.. Galing Kong maghula noh?wika niyang tango tango.
Nasaan ang tatay nyan? Okay lang ba sa kanya nag nagtatrabaho ka pa..?muli niyang tanong.
Opo sir! Okay lang sa kanya..
Nasaan nga pala ang tatay nyan..?muli niyang tanong sa akin.
Nadoon po sa amin kababata ko po.. Bigla ko na lang na nsabi dahil Hindi nya rin nman kiniclaim na sya..
Okay! Kaya mo pa namang magtarabaho Hindi ba Hindi pa naman yan ganun lalaki…
O… Opo.. Sir!!
Parang nabunutan ako ng tinik Sa reaction ni Sir Jerald.. Mukhang Hindi talaga siya..
Nalaman din Donya Martha ang tungkol dito
Tinanong nya rin ako kung sino ang ama ng anak. Pinanindigan ko na lang ang kasinuganligan ko kanina..tinuloy ko pa rin ang pagtatrabaho ko dito.. Sa tingin ko wala ng problima dahil mukhang wla talagang alam si si Sir Jerald.. Baka nga nagkataon lang yon na nandoon lang din sya..noong panahon na yon..
Pero alam ko sa sarili ko na Hindi si Jerald yon.nararamdaman ko yon..
Alam ko kung paano sya tumingin. Magkaiba din sila ng amoy nung lalaki na naksama ko.
Iisang pabango lang ang naamoy ko kay Sir Jerald mula ng mapunta ako dito Mansyon kaya alam Kong Hindi sya yon..
😊😊😊






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top