Mr Mayabang Meets Ms Sungit ANG PAGTAKAS


Mr Mayabang Meets Ms Sungit
ANG PAGTAKAS
(nadine’s pov)
from: mark
no prob. : ) 2log k n. gudnyt.
salamat tlaga kay mark. mabuti na lang at nandyan siya. mabuti na lang at may kaibigan akong katulad niya.
tinitigan ko yung unan na bigay niya, kasunod ay ang note na nasa likod nito.
“Sa bawat pagsubok, sa bawat problema,
hindi ka nag-iisa, lagi mo kong makakasama.”
haha aba naman. nagiging makata si mark lately ah. : ) ahaha
“o bestfriend, wag mo masyadong titigan yang unan. nababaliw ka e. kita mo, ngumingiti ka mag-isa diyan.”
‘grabe ka naman liz. hindi ako nababaliw noh.”
“bilang bestfriend mo, e paniniwalaan kita. sabi mo eh.”
“ikaw talaga… haha”
“o siya sige na at papatayin ko na tong ilaw. inaantok na ko e.”
at sa isang iglap lang, dumilim ang buong kapaligiran. tanging ang ilaw na galing sa bintana na lang ang liwanag na nasisilayan ko dito sa kwarto namin.
pinikit ko ang mata ko. gusto ko na rin kasing matulog. masyadong nakakapagod ang araw na ito para saken. kaya lang bakit hindi ako makatulog?! naku naman..
“sis, di ako makatulog..”
“ah? anong sabi mo?hahhhh”
“naalala ko ung nakita ko kanina.”
“ano bang nakita mo? multo? naku wag kang ganyan..”
“hindi naman multo ung tinutukoy ko e. si bong kasi e.. ano.. teka, panu ko ba sasabihin… uhm..”
“o anong tungkol kay boss?”
“boss? sinong boss?”
“boss? sabi ko bong! hahaha bakit ba? anong meron kay bong?”
“dumating kasi yung ex niya. si badette.”
“o anong problema dun? ex na pala niya e. ginugulo ka ba niya? ano nadz? uupakan ko na ba?”
“ikaw talaga ang bayolente mo masyado. mabait nga si badette e. ano kasi..ganito yun, ah.. nakita ko silang magkayakap kanina. tapos nalaman ko na magkababata pa pala sila tapos–”
“tapos nagseselos ka. ganun?”
“hindi a!”
“asus.. ganyan din ang reaksyon mo nung pumasok sa eksena si love noon.”
“hindi ako nagseselos. bakit naman ako magseselos?”
“ewan ko. malay ko. bat kaya hindi mo yan itanong sa sarili mo?”
“bat naman ako magseselos?”
“o sige matutulog na ko a. kausapin mo na lang ang sarili mo. pero wag kayong magsigawan a. inaantok na kasi tlaga ako e. haha
selos? ako? bakit naman ako magseselos? hindi ako nagseselos noh! bakit ako magseselos?! imposible yun!
pero pano nga kaya kung nagseselos ako? waaa!!!! hindi pa rin! hindi dapat!
“siya nga pala mahal ka nun.”
ano daw?
napatingin na lang ako sa gawi ni liz.
“ang tinutukoy ko ay yung nagbigay ng unan na yan. mahal ka nun panigurado. maniwala ka saken.”
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
(kinabukasan. ..)
(bong’s pov)
takte naman o. ang sakit ng ulo ko. hindi ako halos nakatulog kaiisip sa mga nangyari kahapon. nakakainis naman kasi e. bakit ba kailngan pa niyang bumalik dito sa pilipinas? lalo lang tuloy nagiging kumplikado ang lahat.
lumabas na lang ako ng kwarto para naman makapasok na kami ni brent sa klase. pero bago yan, kinuha ko muna yung bangaw shades ko. alam niyo na, para maipantakip sa eyebags.. hehe : p
“pare papasok ka ng nakaganyan?”
kita mo tong isang to, para namang napakasagwa ng suot ko.
“oo brent. kaya tara na bago pa tayo ma-late.”
“dude sigurado ka?”
“halika na nga.”
“hindi ako makapaniwala sayo bong. nakikita mo ba kung gano kalakas ang ulan ngayon? aba! kulang na lang ay masuspinde ang klase pero heto ka at naka-shades pa!”
“uso to.”
“trend-setter ka talaga bong! wahahaha”
nakakainis. pero wala kong magagawa. kailngan ko talagang takpan ang eyebags ko.
nakarating kami ng klasrum ni brent at ngayon ay nagsisimula ng maglecture si prof.
“sir sorry im late.”
“pinag-usapan kaya nila?”
“ui tingnan mo pareho silang nakashades.”
“ang ganda tlaga ni nadine..”
napansin kong bahagyang natigilan si prof nung pumasok si nadine. binaba niya ang hawak niyang white board marker at humarap sa buong klase.
prof: “mga kabataan nga naman ngayon.. look class, alam ko naman na may need kayo to be always in the fashion. mahilig kayong pumorma. gusto niyo lagi kayong nasa uso. pero sana pag-isipan niyo muna ang mga ito. halimbawa na lang ay ang shades. ginagamit yan para pananggalang sa ating mga mata. pamproteka sa init na dulot ng araw. pero sa panahon katulad ngayon na nagtatago ang araw, hindi niyo naman kailangang magshades..”
yumuko na lang ako ng mapansin kong bigla siyang tumingin sa direksyon ko..
prof: “anyway, just take your seat para makapagproceed na ko sa lesson.”
naku naman… at naglecture pa ang prof namen tungkol sa fashion.. hai… pero hindi nga, bakit kaya naka-shades din tong si sungit?
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
hai sa wakas at natapos na rin ang dalwang subject para sa araw na ito. may 2 pa uli after ng lunch break. papasok na sana ako ng cafeteria para kumain kaya lang natanaw ko si brent at kasama niya si badette. naku naman.. bakit ba siya andito?
kaya naman para wag niya kong makita, dahan dahan akong umatras, tumalikod sabay takbo!
“hai mabuti naman at nakalabas na rin ako..”
bahagya pa kong sumilip sa table kung saan andun sina brent at badz. mabuti na lang at nakalabas ako agad. tatalikod na sana ako uli para bumalik na lang sa kwarto namen kaya lang..
“aray!”
nabangga ko siya. napalakas pa ata kasi natumba siya e.
“ano ba naman bong?! hindi ka na ba nakakakita gawa niyang shades mo?”
“sorry naman! hindi kita nakita e!”
“e bat kasi hindi ka nakatingin?”
naku naman.. ngayon pa ba makikipagtalo tong babaeng to? alalayan ko na nga lang tumayo.
“tumayo ka na nga lang dyan.”
“o sya nga pala hindi ka ba kakain?”
“hindi. wala akong gana.”
“o sige ako na lang. ui andun pala si badz e.”
“oo nga. kaya nga rin ayokong–”
“BADETTE!!!”
“bakit ka sumisigaw?! ”
“papalapit na si badette dito.”
ano?! shet! anong gagawin ko? bahala na nga.
“teka? bakit mo ko hinahawakan?”
“sumama ka saken.”


/> “ha? san mo ba ko dadalhin?”
“basta. umalis tayo dito.”
dumaan muna kami sa classroom namin at pagkatapos ay umalis na kami.
(nadine’s pov)
dinala ako ni bong sa isang restaurant na medyo malayo sa school namin.
“iniiwasan mo ba si badette?”
“hindi.”
“bakit kinailangan pa nating umalis ng malaman mo andun siya?”
“akala ko ba nagugutom ka? kumain ka na nga lang.”
“sisigawan mo pa ba ko matapos mo kong kaladkarin dito?!”
“mamaya na tayo mag-usap. nagugutom ako e.”
“idinamay mo pa ko sa pagka-cutting classes mo! tapos–”
“sorry na. mamaya ko sasagutin yang mga tanong mo. sa ngayon, kumain na muna tayo. alam kong gutom ka na rin e.”
“susuhulan mo pa ko ngayon?”
pasalamat tlaga siya at bukod sa libre niya to, e masarap ang pagkain sa kinainan namin.
“o ngayong tapos na tayong kumain, pwede na ba–”
“shh… wag kang maingay.. hello?”
“anong hello?”
“hindi mo ba nakikitang may kausap ako?”
sabay pakita niya saken ng celphone niya.. sorry naman.. di ko napansin na may tinatawagan pala siya..
“hindi ikaw. kasama ko si nadz ngayon…oo..dalhin mo yung kotse dito…dahan-dahan sa pagdrive a, madulas ang kalsada ngayon, maulan.”
sino kayang kausap niya?
“ipalinis mo na rin pala yung isang kwarto dyan bago ka umalis…dyan kami matutulog ni nadz..”
ano raw? san kami matutulog?
“o sige bahala ka… o gusto ka raw makausap..”
sabay abot niya saken nung phone.
“hello?”
“ATE NADINE!!!!”
si love pala ung kausap ni bong.
“ui hello.. hehe”
“dito muna kayo matutulog ngayon ni bong sa bahay namen. yehey! ang saya-saya! tabi tayo mamamay a!”
“ano? teka! hindi pwede yun! uuwi ako sa–”
at inagaw na nga saken ni bong ang celphone.
“o love… hayaan mo nga siya.. mamaya na kayo mag-usap… o sige.. bye. love you.”
tiningnan na niya ko. at aba naman! ngumiti pa!
“hoy ikaw! ano na namang kalokohan yun ah? hindi ako matutulog sa bahay niyo!”
“e hindi ka naman talaga matutulog sa bahay namin e….”
“a ganun ba? mabuti naman kung–”
“bahay nila love yun,.”
“ano? teka nga muna…”
“ang tagal ni love. malapit lang yung bahay nila rito a.”
“nakakainis ka tlaga bong!”
“matagal ko ng alam yan. hahaha”
dapat talaga hindi na ko sumama sa kanya e. grrrr!!!!!!
maya-maya tumunog ang celphone ni bong..
“hello love? oo sige papunta na kami dyan.. halika na. andyan na si love.”
at gaya ng dati, kinaladkad na naman niya ko. hai naku…
“ate nadz! na-miss kita! bong ikaw na ang magdrive ah.”
“o sige. wala kong tiwala sayo e.”
“lika dito tayo sa likod para makapagkwentuhan tayo ng maayos!”
pumasok na ko sa sasakyan at nagsimula na ring umandar ito.
“ginawa niyo pa kong driver niyo.”
“wag kang mag-alala. bagay naman sayo maging driver. haha”
“talaga lang a? kung ganun masasabi kong ako na ang pinakgwapong driver na makikita mo. bwahahahah!!”
“ang yabang talaga. ”
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
nakahiga na kami ni love ngayon sa kama niya. wala naman kaming ibang ginawa knina kundi ang manuod ng mga chick flicks na ikinainis naman ni bong. hahaha
“kumusta nga pala kayo ni bong ate?”
“gaya ng dati.”
“wala pa ba siyang sinasabi sayo?”
“ano naman ang sasabihin niya saken?”
“ang bagal talaga ng kapatid kong yan. kulang na kulang sa diskarte.”
“ano ba yun?”
“hai naku ate. hindi ko pwedeng sabihin.”
“ang daya mo naman e.”
“😃 ”
“siya nga pala, may kilala ka bang ex ng kuya mo na badette ang pangalan?”
“badette? natatandaan ko na,.. siya yung iyaking bata.”
“kilala mo siya?”
“oo. pero hindi kami close. i dont like her. maarte kasi siya. lagi siyang nakadikit kay bong.”
“ganun ba? mabait naman siya ngayon.”
“kilala mo siya? panu nga pala kayo nagkakilala?”
“mahabang storya. saka ko na ikukwento.”
“wag kang mag-alala. hindi na yung babalikan ni bong.”
“panu mo naman nasabi yan?”
“basta lang. haha tulog na tayo. ahaha medyo sumakit ung mata ko kakapanood kanina e.”
“naku.. sige na nga.”
maya-maya pa nakatulog na si love. ako naman, eto, nagbibilang pa rin ng tupa. hindi ako makatulog e. haha kaya naman naisipan kong magpahangin na lang muna sa terrace nila love.
dahan dahan akong lumabas ng kwarto para hindi magising si love. malapit na ko sa terrace ng mapansin kong andon din si bong.
ano kayang ginagawa niya dun? babalik na nga lang ako sa kwarto. makakatulog rin naman siguro ako maya-maya.
tatalikod na sana ako kaya lang..
“hindi ka makatulog?”
nahuli ako. hehe lumapit na lang ako sa kanya.
“anong ginagawa mo dito?”
“hindi ako makatulog e. ikaw?”
“magpapahangin lang sana. di rin ako makatulog. hehe”
“pareho pala tayo.”
“kanina ka pa dito?”
“medyo.”
“anong ginagawa mo?”
“nag-iisip.”
“nag-iisip? akalain mong meron ka pala nun? ahaha”
“ewan ko sayo.”
“ang seryoso mo a.”
“iniisip ko kasi si badette.”
“ano bang problema?”
“may gusto akong sabihin sa kanya. importanteng malaman niya to.. kaya lang hindi ko alam kung panu ko sasabihin.”
anu kaya yun? hindi kaya gusto niyang sabihin kay badz na sobrang na-miss niya ito? na mahal na niya si badz?
“nahihiya ako sa knya. parang hindi ko ata kayang makita siya.”
hindi kaya natotorpe lang si bong kaya hindi niya yun masabi?
“o bat natahimik ka ata diyan?”
“aah? wala.. napaisip lang ako sa sinabi mo..”
“bakit naman? nagseselos ka noh?”
“ako magseselos? sira ka ba? hindi ako nagseselos noh! gago ka!”
at pinagsusuntok ko siya sa braso.
“ang kapal mo naman! grabe ka!”
“ahaha ikaw naman binibiro ka lang. haha”
“hindi ako natutuwa.”
“alam mo nadz, kababae mong tao ang lakas mo magmura. ang lakas mo ring manuntok.”
“bakit sino bang nagsabi sayong babae ako?”
“bakit? lalaki ka ba?”
“oo. may angal ka?”
sabay taas ko ng manggas ng shirt ko.
“lalaki ka talaga?”
“oo nga sabi e! upakan kita gusto mo?”
“kung lalaki ka talaga, pahawak nga….”
shet! pahawak ng ano?!
Wahhhhhh bukas ulit
Next or Delete






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top