CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 18


– Blessy Grace-
“Blessy! Blessy! Blessy!!!”
Takneneng naman talaga oh! Ayan nanaman Ang alarm clock ko! Mas maingay pa kamo sa alarm clock ko at mas maaga ! Bumangon ako at nanggigigil na binuksan Ang pinto .
” Hey! Hindi kapa naliligo? Until now! What the– Ikaw talagang bata ka! Kelangan ko ba talagang gawin to sayo araw-araw ? College kana!”
” Sinabi ko bang gawin mo sakin to ? Ano naman Kung ma late ako Diba? Sanay naman ako sa ganyan! ”
” Ang Gaga mo! Gusto mong masabunutan ng mama mo ha? Hindi ka parin nagbabago! ”
Nakita kong papunta sakin si mama Kaya sinarhan ko Ang pinto ko. Kinakausap nya lang naman ako kapag andyan si papa. Hindi ko talaga malaman Kung ano bang problema nya sa buhay bukod sa pambababae ” daw” ni papa! Tsk!
” Blessy! Open the door! We need to talk! ”
Wow talk daw! Napairap ako
” Later ma! ”
After one hour. Oo Ganyan ako kumilos. Dami ko kasing ginagawa sa sarili ko. Lumabas nako at ready nako umalis. Langya! First day sa college. Hindi ko akalain na mararating ko matapos Kong malaman na may back subject ako.
” Blessy mag breakfast ka muna ” Sabi ng mama ko na kanina pa pala akong hinihintay. Himala Ito.
” Hindi na.. dun nalang ako kakain. Si papa?”
” Maaga pa umalis. Pagbutihin mo na Ang pag-aaral mo Blessy! Wag mong bibiguin Ang papa mo!” Napangiti lang ako sa kanya dahil feeling ko Hindi syA magiging proud sakin. Palaging si papa lang.
Pesteng mga aklat to andami! Ang bigat pa! Bakit kasi kelangan bitbitin ko to lahat? Hindi ko pa nga nababasa Kung ano ba Ang mga nakalagay dito ! Inikot ko Ang paningin ko at tuwang-tuwa ako para sa Ibang estudyante na alam na alam Kung San ang room nila tapos ako naghahanap parin.
” Teka may map nga pala ako. Mabuti nalang nilagay kanina ni tita sa bag. Maaasahan din talaga Ang babaeng yon. I love you talaga tita. Kahit na nag-aaway tayo love mo parin ako. ”
” Sa wakas nahanap din Kita!” Late nga lang ako ng thirty minutes di ko kasi maintindihan Yung map e! Hirap sundan! Napabuntong hininga muna ako bago pumasok. Parang walang Tao sa paligid ko at tuloy-tuloy lang ako. Pake ko ba sa professor namin.
Ayan nanaman Ang mga kalalakihan pag naka kita ng maganda .
” Miss dito ba talaga Ang room mo? ” Tanong sakin ng professor dahil Hindi Pako nakakaupo. Wala kasi akong mahanap na bakanteng upuan
” Yes why?”
” Hindi ko gustong Basta-basta nalang pumapasok sa klase ko ng walang pakundangan. Pero dahil first day palang natin to pagpapasensyahan ko muna Kayo ”
Whatever!
” Miss dito ka sa tabi ko oh! ” Nag offer ng upuan tong mukhang paso Kong kaklase. Asa pa syang tumabi ako sa kanya!
” No need! ”
” Wow! Ayaw siguro makopyahan ! ”
Anong ayaw Kong makopyahan e pareho Lang naman siguro kaming walang masagot! Ayaw ko Lang sa mukha nya. Wala na ngang masagot tapos makikita ko pa agad face nya. Yaks! Umupo ako malapit sa babaeng naka salamin. Mukhang ilag sa tao Ang babaeng to. Ang weird nya pero mas okay narin to kesa don sa lalaking panget na yon! May bakante pang upuan sa right side ko Kaya dun ko nilagay Ang bag ko. Para komportable akong umupo
– Lance Reyden –
” Oh shit! Late na ako! Hindi ko namalayan Ang oras ” dali-dali akong lumabas sa clinic nang Makita ko Kung anong oras na
” Reyden San ka pupunta? ”
” Next time nalang Po Doc may klase Pako”
Sumasakit kasi Ang ngipin ko kagabi pa Kaya pumunta muna ako sa dentist Kaya Lang Ang tagal nya e. Inabot na tuloy ng klase ko
Pagod nako kakatakbo . Bitbit ko pa Ang limang aklat na makapal. Marami-rami narin akong nabasa dito. Panigurado magtatanong agad Ang Prof namin mamaya.
” Good morning Prof. Sorry I’m late. ” Nakakahiya man dahil unang klase palang late nako . Ngayon Lang nangyare to.
” It’s ok . Come in ” salamat at mabait itong Prof sa first subject namin. Nakahinga ako ng maluwag
May nakita agad akong bakanteng upuan Kaya lumapit agad ako. May bag? Kanino to?
” Miss may nakaupo na ba dito?” Tanong ko sa nerd Kong kaklase
” Wala. Dyan nya lang nilagay bag nya ” tinuro nya Yung nasa likuran nya at nakita ko kung Sino Yung tinuro nya. Yung lumagay lang naman ng ink sa damit Ko. Uminit agad Ang ulo ko pagkakita ko sa kanya. Magkaklase pa talaga kami nitong Maarte nato! Hinagis ko sa kanya Yung bag nya. May nagtuturo sa unahan tapos sya naka headset ! Wala talagang manners Ang babaeng to kahit San!
” Hoy bakit mo hinagis sakin to?!” Anlakas ng boses nya Kaya tumigil si Prof at tumingin samin. Pati tuloy mga kaklase namin samin na Ang atensyon.
” Sorry Prof. Binigay ko Lang Po Yung bag nya. ”
Umupo nako at nagbasa nalang ng aklat para sundan Ang lesson. Umuusok nanaman ilong nya sa inis at gusto ko yon. Nagpakita ulit syA sakin e.
– Blessy Grace –
Letseng lalaki to! Ang sama talaga ng ugali! Kung masama ugali ko mas masama ugali nya! Hindi nga ako nirerespeto e! Kung pwede ko Lang ihambalos sa kanya tong upuan ko ginawa ko na. Ang...


Sabi ng papa ko wag akong magpapatalo sa mga lalaki! Hindi dapat ako saktan nang kahit Sino tapos itong walang hiyang to! May atraso pa nga sakin dumagdag nanaman! Ang sakit ng kamay ko sa pagsalo!
” Miss Blessy Grace Del Valle ? Sino to?”
Kumukulo na nga Ang dugo ko tinawag pa pangalan ko
” Yes sir?”
” What is life for you?” Yan Ang ayaw ko sa lahat. Ang Q and A! Lalo nat Wala ako sa mood! Tas life pa itanong . Ano nga bang buhay para sakin?
” I- I don’t know Sir ” nagsitawanan Ang mga kaklase ko. I don’t care! Ano bang isasagot ko? Ang buhay ay masaya? Malungkot? Madrama? Tsk nevermind!
” Minsan kasi, wag lang puro paganda! Sabi nga , what is beauty if your brain is empty”
Lalong kumulo Ang dugo ko sa sinabi ng lalaking to! Ginagalit nya talaga ako! Anong palagay nya sakin Bobo?
“For your information hindi lang ako maganda matalino Rin ako ! Bakit Ikaw matalino kaba ? Kung makapanlait naman to! ”
” Bakit? Dito sa school Hindi importante Kung maganda ka o Hindi . Ang importante dito may manners ka at may utak ! Palagay mo dito fashion show? Beauty pageant? Sana hindi nalang Ito pinili mong course dahil kapag dito ka, malalaman mo Lang Kung Hanggang San lang Kaya ng utak mo”
Grrrr!!! Kala mo Kung sinong matalino! Bakit Kaya hindi nalang syA sumagot! Kuda ng kuda Wala Rin naman syang alam!
” Lance Reyden Gonzales? ”
” Ako Po yon Prof!” Akala mo din Kung sinong magalang! Teka, Gonzales? Ka apelyido syA ng papa ko? Tas magkamukha pa sila? Wala naman akong nararamdaman na lukso ng dugo sa kanya . Kulo ng dugo pa Meron. Baka magka apelyido lang talaga. Hindi ko Rin matatanggap na kadugo ko syA Kung sakali noh! Marami naman dyan magka apelyido pero Wala namang koneksyon! Baka Isa na kami don!
” Binasa nyo ba Ang mga libro nyo? Ilan sa inyo ay parang hindi sineseryoso Ang pag-aaral. For you Mr. Gonzales . Same question. Base on your book, what is life ?”
Ayan! Sige ikaw sumagot ngayon Kung talagang matalino Kang mayabang ka! May itsura ka nga Wala ka Rin namang utak panigurado!
– Lance Reyden –
Mukhang masayang-masaya na Ang babaeng to dahil binalik sakin Ang tanong sa kanya . Akala nya talaga Hindi ko masasagot Ang tanong ni Prof.
“Life is an echo . What you send out, comes back.
What you sow, you reap .
What you give, you get
What you see in others, exists in you .
Don’t judge – so you will be judged
Radiate And give love and love will
Come back to you ”
Yun talaga Ang sinabi ko para narin may matutunan tong Maarte na to! Pag nagalit nanaman to natamaan nanaman syA. Nginitian ko syA ng nakakaloko .
– JANE-
Pinuntahan ko si Mark sa opisina nya pero Wala sya don Kaya hinanap ko syA at sinusundan ko Ang sasakyan nya Kung San syA pupunta ngayon. Hindi ako matahimik. Hindi talaga ako mapalagay hanggat hindi ko nakikita Ang babae nya. Palagi nalang syang ginagabi umuwi. Hindi naman nya gawain Yan tapos trabaho lang Ang palagi nyang dinadahilan.
Tumigil Ang sasakyan nya at lumabas syA kasama Ang Isang Babae.
” Sinasabi ko na nga ba! Walang hiya kayo! ”
Lumabas din ako at sinundan ulit sila. Pumasok sila sa isang restaurant.
May pakain-kain pa talaga Kayo sa labas ha! Humanda kayo sakin!
Kakaupo palang ni Mark at nang Babae nang pumasok ako
Sinugod ko agad Ang babae at sinabunutan Ito .
” Aray!! Sino kaba??!!”
” Jane itigil mo Yan ano ba! ”
” Malandi Kang babae ka! Wag mo akong pigilan Mark dahil tatamaan ka Rin sakin! ”
” Jane sinabi nang itigil mo Yan! Nakakahiya sa mga Tao! Nakakahiya sa kanya! Hindi mo syA Kilala!”
” Ako pa ngayon Ang mahihiya?! Kung naloloko mo Yung ex wife mo ibahin moko Mark! Hindi ako tanga! ”
” Mark Sino Ang babaeng to?!”
” Ma’am I’m sorry asawa ko Po syA”
” Abat may pa ma’am-ma’am kapa dyan para hindi kayo mahalata? Mga letse kayo! ”
” I can’t believe this! ” Umalis Ang babae at balak ko pang sugudin para kalbohin
Kinaladkad ako ni Mark papunta sa sasakyan nya
” Nakakahiya ka Jane! Hiyang-hiya ako sa inasal mo! ”
” Nakakahiya? Mas nakakahiya kayo! Nakakadiri kayo! ”
” Andumi ng isip mo! Pamangkin syA ng boss ko! Tingin mo ba papatol sakin yon? Parang anak ko Lang yon ah! ”
” Malay ko ba Kung ano syA ng boss mo! Palagi ka nalang late umuwi. Uuwi ka gabing-gabi na tapos aalis ka ng sobrang aga ! Wala ka ng time sakin tapos magtataka ka Kung bakit ako nagkakaganito ?”
” Anong gusto mo? Ginagawa ko to para sa pamilya natin! Para sa inyo ni Blessy ! Pagkatiwalaan mo naman ako! ”
” Pano ba magtiwala ? Paano?” Lumabas ako sa sasakyan nya at paulit-ulit nyang tinatawag Ang pangalan ko. Ayaw Kong mag apologize sa kanya kahit na Mali ako .
” Jane bumalik ka dito! Jane!!!! Jane!!!”






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Princess Jorie Araño

    pano po makita yung ibang chapter bago lang po kasi ako dito i hope u will help me thanks

Leave a Reply


top