CRAZY EX-WIFE CHAPTER 26


– Lorraine-
Mag- isa lang ako dito sa bahay kaya naman boring na boring ako. Wala si Lara, Wala si Alex, nasa school naman si Reyden. Tapos narin akong maglinis ng bahay. Naupo muna ako saglit sa sofa para magpahinga ng biglang pumasok sa isip ko na wala na nga pala kaming makakain ni Reyden . Uuwi na ang anak ko mamaya tapos walang makakain. Masisira ko ata ang promise ko kay Alex ngayon na hindi ako lalabas ng bahay ah! Wala kasi akong choice e! Pagod na ang anak ko kawawa naman kung sya pa uutusan ko pag uwi ng bahay.
Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukang tawagan si Alex para magpaalam pero out of reach. Dibale Alex saglit lang to.
Napalit lang ako ng bistida saka humarap sa salamin para tingnan kung bagay ba sakin o hindi
” Ma’am ito na p0 ang listahan ng mga sangkot sa kaso nyo”
” I-Itigil nyo na to! N-Nagbago na ang isip k0! Iurong nyo na ang kasong to. Hindi ko na to itutuloy ”
” P-pero bakit p0 ma’am hinihintay nalang natin ang warrant ”
” Sinabi nang itigil nalang yan! Ayoko na understand?! ”
Napahawak ako sa ulo ko na parang sumakit dahil sumagi nalang sa isip ko yon. Nakakasira naman ng mood ang mga naiisip ko nalang bigla . Naghilamos muna ako saka bumalik ulit sa salamin para magsuklay ng buhok kong mahaba nanaman. Mukhang kailangan ko ng ipagupit ito. Lumagay din ako ng powder at lip balm. Huminga ako ng malalim nang matapos ako. Sana lang hindi na kami magkita pa ni Mark para wala na akong pinoproblema
– MARK-
Tinapos ko ang lahat ng mga deadline ko sa trabaho para marami ang oras sa pamilya . Baka nagtatamp0 na sakin ang anak ko.
” Wala na tayong grocery sa bahay. Mamaya pako uuwi Mark baka pwedeng ikaw na bumili. ” Pauwi na sana ako pero nagtext pa si Jane kaya bumalik muna ako para dumaan sa grocery store
Ito ang pinaka ayaw ko pag nagmamadali ako . Ang traffic sa daan.
” Pa, where are you na? I’m so happy. Antataas ng mga grades ko. Thanks to Reyden talaga papa ” Masaya ako sa binalita sakin ni blessy kaya lang medyo dismayado ako dahil nadamay pa yong sinasabi nyang kaibigan nya na halata namang gusto nya. Mga kabataan talaga ngayon hindi na makontrol ng magulang. Parang ako nun, ayaw papigil”
Ayan na sa wakas makaka alis na! Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ng mapansin ko si Lorraine na naglalakad. Parang si Lorraine nga ito at kahit nakatalikod sya kilala ko parin sya. Ilang araw akong pabalik-balik sa tinutuluyan nya hindi manlang sya lumabas dito pa kami nagkita. Hinarangan ko ang dinadaanan nya kaya nagulat sya dahil akala nya sasagasaan ko sya.
” Hoy dahan-dahan naman! ” Napahawak pa sya sa dibdib nya. Kahit nuon gustong-gusto ko ang ekspresyon nya sa twing nagugulat sya sakin . Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko para makita nya ako
” M-Mark? ” Parang ayaw nya akong makita kaya tinarayan nya ako at nagmadali sa paglakad. Bumaba ako ng sasakyan para mahabol ko sya.
” Sandali.. nagmamadali ka naman masyado e!”
” Anong kailangan mo? ”
” Bakit ka naglalakad? Ang init-init. Sabay kana sakin ”
” Ok lang ako minsan nalang ako maarawan kailangan ko to. ”
” Masusunog ang balat mo halika na sabay kana sakin san ba punta mo?”
.
” Mark hanggang ngayon makulit ka parin! Tumatanda na tayo hindi ka parin nagbabago!”
” At hanggang ngayon, matigas parin ang ulo mo! ” Tumigil sya sa paglalakad at naisip ko yung sinabi ko.
” Sorry Lorraine .. ”
” Wag mo na akong sundan pwede? Hindi ako komportable ! ”
” Bakit naman ? Kahit naman papano may pinagsamahan din tayo kaya hayaan mo na akong ihatid ka sa pupuntahan mo. ”
” Mark ano ba? Hindi magandang tingnan na yung lalaking may asawang tao kung sino-sino ang sinasakay sa sasakyan nya. Kapag nalaman to ng asawa mo magagalit yon! ”
” Wala namang ibig sabihin to bakit sya magagalit? Maraming masasamang loob dyan sa daan baka mapagtripan ka ” natawa sya sa sinabi ko
” At sa tingin mo may mag iinteres pa sakin? Hindi nako teenager! Kaya kung ako sayo, iwan mo na ako dahil hindi naman ako sasama sayo. Isa pa, ayaw kong pag isipan tayo ng ibang tao ng masama. ”
” Alam ng lahat na asawa kita kaya walang masama sa ginagawa naten”
” Correction Mark, asawa noon, Ex wife mo na ngayon ”
Gusto ko lang masiguro na safe sya sa pupuntahan nya para matahimik narin ako . Kahit papano concern parin ako sa kanya.
” San ba punta mo?”
” Sa grocery store malapit narin ako ”
” Pareho lang pala tayo ng pupuntahan kaya halika na ” hinila ko ang kamay ni Lorraine papasok sa kotse ko kaya kahit pumapalag sya ay pinilit ko parin sya.
” Ang kulit naman ng taong to! Sinabi nang ok lang ako e! ”
” Ngayon hindi mo na kailangan magpanggap na okay ka kahit hindi naman talaga kasi hindi nako maniniwala ”
-Lorraine –
” Iniiwasan mo ba ako Lorraine?”
Tinanong nya pa talaga? Hindi ba halata?
” H-Hindi naman. ”
” Suot ka muna seatbelt para safe. ”
” Hindi na . Malapit narin e. ”
Nagulat ako ng sya mismo ang sumuot sakin. Gusto kong alisin yung kamay nya at ako na ang gumawa para sa sarili ko pero napatapat lang mata namin. Nakikita ko sa mga mata nya si Reyden. Umiwas nalang ako ng tingin dahil ayaw kong mag isip sya ng kung ano-ano
Pagkarating namin sa bumaba na agad ako. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya pa ako at nagtuloy-tuloy na sa loob. Wala na akong planong magtagal pa dito.
” Sandali! Hintayin moko ! ”
Bahala ka nga sa buhay mo! Naghanap na agad ako ng mga bibilhin...


ko para maka uwi nako .
” Ang bilis mo namang mamili . Nakakapagod sumunod sayo ”
” Hindi ko naman sinabing sundan mo ako napapagod ka tuloy ”
” Alam mo feeling ko, bumabalik tayo sa ligawan nuon. Gantong-ganto karin kahirap suyuin nuon ”
” Mark gusto kong malaman mo na hindi ako natutuwa na ipaalala sakin ang mga natapos na sa buhay ko. Kung ano ako nuon, iba na ako ngayon. ”
Nag ring ang phone ko at napangiti ako ng makita ko na tumawag na si Alex
” Hello? Alex? Kamusta kana? Kanina pa kita tinatawagan hindi lang kita makontak ”
” Pasensya kana Lorraine. Masyado lang kaming busy dito pero dont worry ayos lang ako dito ha? Relax kalang dyan. ”
” Alex may kasalanan ako sayo e, lumabas ako ng bahay dahil kailangan kong mag grocery ”
” Ok yan . Basta mag-iingat kalang ha? Sumakay ka pauwi wag ka ng maglakad . I miss you Lorraine ”
” I miss you too Alex. Thank you sa paalala. Ingat kadin dyan. I love you ” haist! Kahit papano lumuwag yung paghinga ako. Ngumiti pako pagkatapos ng tawag nakatingin pala sa mukha ko si Mark. Nagbago nanaman tuloy ang mood ko
” M-matagal na ba kayo ng Alex na yan?” Seryosong tanong nya
” Bakit mo natanong? It’s none of your business ”
” Wala lang.. Ang akin lang, sigurado ka bang mapapagkatiwalaan ang taong yan? Baka sinasamantala kalang nyan ah!” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi nya..
” Pano ba kumilala ng tao para masabing mapapagkatiwalaan sya? Ang alam ko lang kasi, mapapagkatiwalaan ko si Alex dahil sya lang naman yung naging kasama ko nung mga panahong walang-wala ako. Matagal ko na syang kilala kaya sigurado akong hindi nya ako pinagsasamantalahan ”
” Okay sabi mo e! Mahal mo ba sya? ”
” O-o0. H-hindi naman sya mahirap mahalin ”
” O-okay. Sige mauna na muna ako baka masyado na kitang naiistorbo basta sumakay ka pag uwi mo baka mag- alala ang boyfriend mo sayo ” nakita ko nanaman ang lungkot sa mga mata ni Mark kaya gugulo nanaman to sa isip ko. Tumalikod na si Mark pero bakit gusto kong bawiin yung mga sinabi ko dahil iniisip kong nasasaktan sya.
Sinundan ko si Mark pero hindi ako nagpapahalata. Ang bilis nyang kumuha ng mga bibilhin nya at parang hindi narin nya binabasa kung kelan ba ang expiration date. Kuha lang sya ng kuha at nakasalubong ang kilay . Alam kong naramdaman nya na akong malapit sa kanya pero hindi nya ako pinapansin.
” P-pwedeng pakiabot ng Alaska? Malapit kasi sayo”
Hindi ako pinansin at pumunta na sa cashier. Sumunod nadin ako sa kanya para makapag bayad na din . Inaakala kong pauunahin nya ako dahil ako yung babae pero hindi. Pagkatapos nyang pinatakbo nya ng mabilis ang sasakyan nya. Naiwan akong nakatulala. Parang ang bilis ng pangyayare.
” Miss , five thousand po lahat ” kung hindi pa nagsalita ang cashier nakatingin parin siguro ako sa labas.
Hayst! Pakiramdam ko pagod na pagod na ako tapos magluluto pa pag uwi. Pagkarating ko sa bahay sinara ko muna ang gate. Nakita ko ang sapatos ni Reyden kaya binilisan ko ang pagpasok
” Ma bakit kayo pa po ang namili? Sana inutos nyo nalang po sakin. Pagod na nga po kayo sa mga gawaing bahay e ”
” Wag mo akong alalahanin. Kumain kana ba? Wala pa akong lito natagalan ako sa pamimili. ”
” Kumain na po ako sa labas kanina busog pa po ako”
” Mabuti naman anak. Hindi ka gugutumin kakahintay sa lulutuin ko ”
Napansin kong parang ang saya-saya ng anak ko nitong mga nakaraang araw . Inlove na kaya ito?”
” Ma, pwede na ba akong manligaw?”
Muntik ko pa masugatan ang daliri ko dahil naghihiwa ako ng bawang at sibuyas. Sinasabi ko na nga ba inlove na to. Laging nakangiti e.
” W-wala naman masama manligaw anak. Binata kana e. Pero sana lang, hanggang don lang muna yon. Kapag sinagot ka ng nililigawan mo, wag parin pababayaan ang pag-aaral ha? Mga kabataan ngayon masyadong mapusok kaya pakiusap ko lang sayo na wag kang sumabay sa takbo ng mundo ngayon dahil kung susunod ka, kawawa ka sa huli. Ikaw pa naman ang lalaki kaya ikaw bubuhay sa pamilya mo. ”
” Opo mama naiintindihan ko po at susundin ko po kayo. Gusto mong makita ang picture nya ma? Hindi ko pa kasi pwedeng ipakilala sya agad sa inyo dahil ayaw nyang magalit ang papa nya sa kanya. Strict kasi parents nya ”
” Natutuwa ako kung istrikto ang parents nya dahil para din sa kanya yon . ”
” ang totoo nyan ma, sya yung inaaway ko dati e. Pero okay na kami ayon, mabait naman pala medyo maarte nga lang spoiled brat e. Naaawa nga ako dun ma kasi papa nya lang yong close nya. Yung mama nya mabait lang daw sa kanya kapag andyan yung papa nya kaya dito sa picture na to sandali kukunin ko lang po sa bag ko. Napulot ko kanina bago ako umalis nahulog ata sa notebook nya. Sinabi nya sakin dati , ito daw paborito nyang picture sa lahat kasi parang mahal na mahal daw sya dito ng mama nya ”
” Patingin nga ako. Nakakaawa naman pala yang nililigawan mo. Bakit may mga ganyang ina? Dapat minamahal nila mga anak nila gaya nalang ng pagmamahal ko sayo ”
” Ito po ma oh, si Blessy Grace Del Valle po yan. Yang mama nya naman p0 , Jane daw pangalan. ” Tinitigan kong maigi ang picture na inabot sakin ni Reyden at nanlaki ang mata ko dahil nakikilala ko ang babaeng kasama ng níliligawan nya . Ang bagong asawa ni Mark. Si Jane? At ito ang anak nya? Ang anak nila ni Mark?”
” Ano ma? Ok ba? ”
” O-o0! Magandang bata naman pala yang si blessy ”
” Don’t worry ma, makikilala mo rin sya sa personal.” Parang nawalan ako bigla ng lakas. Bakit ang liit ng mundo samin ? At kahit anong iwas lalong napapalapit. Hindi kaya lukso lang ng dugo ang nararamdaman nila sa isat-isa?






Share On Whatsapp

"19" Comments
  1. how to get hydroxychloroquine prescription do you need a prescription for hydroxychloroquine buy generic hydroxychloroquine online

  2. erythromycin 250mg tablets http://erythromycinn.com/#

  3. erythromycin side effects erythromycin ointment

  4. http://erythromycinn.com/# erythromycin eye ointment

  5. buy modafinil 100mg generic provigil 100mg

  6. modafinil without prescription buy modafinil 200mg online buy provigil online

  7. oral provigil 100mg modafinil without prescription

  8. provigil oral provigil 100mg uk

  9. provigil uk brand modafinil 200mg

  10. provigil 200mg over the counter cost provigil 100mg provigil price

  11. modafinil 100mg canada modafinil 100mg generic

Leave a Reply


top