– Lorraine-
Madaling araw na nang magpahatid ako sa bahay. Hindi na kami nakatulog sa kakakwento ni Mark. Hindi parin sya nahihiyang mag open sakin ng mga bagay-bagay pero ako, pinipili ko lang ang sinasabi ko sa kanya.
” Dito lang ako Mark. Wag mo na isentro sa labas ng bahay. Ayaw kong mapag usapan tayo ng mga tao. ”
” Pasensya kana. Masyado akong maingay hindi kana tuloy nakatulog o naka idlip manlang . May gagawin kaba ngayon? ”
” Hindi okay lang. Bago ka naman dumating nakatulog nako diba? Ikaw nga itong puyat dyan e. Wala naman akong gagawin ngayon kaya matutulog nalang ako. Ikaw baka mahilo ka sa trabaho”
” Hindi. Day off ko today. Wala akong gagawin. Baka gusto mong kumain sa labas? ”
” Matutulog lang ako ng mga limang oras tapos pag iisapan ko kung sasama ba ako sayo ”
” Sige tawagan mo nalang ako kung matutuloy ka. ”
” Pasok na ako Mark ingat ka pauwi ”
Nadatnan kong makalat ang loob ng bahay. Ngayon lang nangyare na makalat ang mga gamit ni Reyden sa school. Speaking of Reyden nasan kaya yon? Palagi naman yon maaga gumigising para pumasok pero ngayon parang iba. Pumunta ako sa kwarto nya at bukas agad ang pinto. Nakita ko syang tulog parin kaya lumapit ako sa kanya para gisingin sya.
” Reyden anak, gising na. May pasok kapa ” para bang wala syang narinig
” Reyden.. Reyden.. ” minulat nya ang mata nya pero halata ko sa mga mata nya na wala sya sa mood
” Tinatamad po akong pumasok ma.”
” Bakit naman anak? Ngayon kalang tinamad pumasok may problema kaba? Nag away ba kayo ni blessy?”
” Ma please, wag mo muna banggitin sakin ang pangalan nya. ” Sabay tabon nya ng unan sa tenga nya at dumapa
Hindi ko na nga muna sinabi sa kanya na magkapatid sila ni blessy para hindi sya masaktan pero ngayon parang hindi pa nangyayare yon nasasaktan na agad sya. Hindi ko kayang makitang malungkot ang anak ko dahil doble ang balik sakin.
” Reyden yung mga gamit mo sa labas naka kalat ako nalang ang iimis. Pag okay kana, lumabas ka para kumain ha? Mukhang wala ka pang kain simula kagabi. ”
” Alam mo, para makayanan mo pala yung problema mo dapat inoopen mo sa iba . Dun sa mga taong alam mo na maiintindihan ka. Gaya ko anak, makikinig ako sayo at handa kitang damayan. Naalala mo ba yung mga sinasabi mo sakin nuon? ” Wag mong dibdibin mama , may nagmamahal pa sayo. Know your worth. Wag mong iyakan ang mga taong nananakit sayo. Kailangan mong maging matapang at panindigan ang mga naging desisyon mo. Wag mo akong gayahin na nagpakahina kaya anong nangyare diba? Pinagmukha kong kaawa-awa yung sarili ko. Hindi ko agad nakita yung mga taong tunay na nagmamahal sakin ” Kagagaling nya lang sa pag iyak nang humarap sya sakin.
” Sa tingin mo p0 ba ma kaya ko pa?”
” Ofcourse you can anak. Iiyak mo lang ngayon lahat tapos kapag pakiramdam mo nabuhos mo na sa luha lahat ng sakin lumaban ka ulit sa buhay . Hindi magiging patas ang mundo kaya sumabay kalang sa agos ng buhay at matututo ka. Bata kapa Reyden marami kapang mararanasan pero ang hiling ko lang, wag kang sumuko. Kung wala ka ng makapitan, lumapit kalang sakin dahil yayakapin kita. Itatayo kita kahit paulit-ulit kang madapa. Mahal na mahal kita Reyden . ” Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko at gusto kong alisin lahat ng sakit na nararamdaman nya. Gusto kong saluhin nalang ang nararamdaman nya.
” Salamat po mama” walang kasing saya marinig na nagpapasalamat sayo ang anak mo. Masasabi mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang sa kanya dahil naaappreciate ka nya .
– Jane-
Madaling araw na pero gising parin ako. Hinihintay ko si Mark. Minsan ginagawa nya to at naulit nanaman ngayon. Tapos kapag tumatawag ako sa trabaho nya wala naman daw don. Hindi ko malaman kung san pumupunta! Kumukulo na ang dugo ko pero kailangan ko paring magpigil kase kahit sya na yong may kasalanan dapat magpakumbaba nanaman ako dahil ang ending ako nanaman ang masama ! Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa basong may laman na alak na iniinom ko para na itong mababasag. Hindi nako natutuwa sa ginagawa nya. Wala naman akong mahanap na ebidensya kung ano ba talaga ginagawa nya.
Bumukas ang pinto ng kwarto namin at pumasok si Mark na antok na antok na .
” San ka nanaman galing? ” Kalmado kong tanong sabay lagok ng alak.
” Bakit ka umiinom ng alak? Diba sinabihan na kita Jane! ”
” Kailangan ko ito ngayon. May problema ako”
Humiga lang sya at hindi na inalala ang sinabi ko. Dati kapag may problema ako interesado syang makinig
Hinagis ko ang baso sa sahig kaya nabasag ito. Sobrang sama ng loob ko sa kanya pero hindi nya parin nahahalata. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa kanya. Sinubukan ko syang akitin dahil matagal na namin tong hindi nagagawa. Palagi nalang syang nagdadahilan. Hinalikan ko sya pero tumalikod sya sakin.
” Inaantok na ako Jane may lakad pako mamaya ”
Gigil na gigil nako at gusto ko nanaman sya awayin dahil sa ginagawa nya sakin. Ayaw ko ng ganitong buhay. Ano nalang ba ang tingin nya sakin ngayon? Gusto nya lang ata ako maging yaya ni blessy para maging maayos ulit ang trato nya sakin.
Lumabas ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pwedeng maging manhid nalang ako. Aalamin ko ang tinatago mo sakin Mark . Nararamdaman kong may tinatago ka sakin hindi ko lang mahuli sa ngayon.
– Alex-
Andito nga ako sa trabaho pero lumilipad naman kay Lorraine ang isip ko. Kamusta na kaya sya? Bigla nalang nawalan ng signal ang lugar na to baka nagtatampo na yon . Wag naman sana.
“Wala paring signal? Pumunta na ako kung san-san pero wala talaga don sa pinuntahan ko e ”
” Hayaan mo na . Ilang araw nalang din naman tayo dito e. Tiis-tiis nalang muna tayo”
Parang mababaliw narin ako dito lalo nat mga baliw din pasyente namin. Kumain muna ako ng chocolate. Nakakabawas ng stress para sakin to e.
” Chocolate ? Yehey chocolate! ” Inagaw nalang bigla sakin ng isang pasyente . Thirty five years old na ang pasyenteng ito pero dahil namatay ang asawat anak hindi din nakayanan. Lalo ko lang namis si Lorraine sobrang hilig nya sa chocolates nuon.
” Wag ka ng malungkot dyan! Diba nga kapag masyado mong iniisip yung isang tao mas nauna ka nyang inisip. Inaalala ka rin non. Wag mong masyado isipin mahal ka non ” sinong niloko ng kaibigan kong ito? Nakalimutan ata nito na pareho lang kami ng trabaho nakuha pa kong pakalmahin pero thankful parin dahil meron akong kaibigan na gaya nya. Mabuti talaga sya kahit nuon pa.
” Ang swerte naman ni Lorraine ”
” Bakit naman ?”
” Kase mahal mo sya. May nagmamahal sa kanyang kagaya mo. ”
” Tingin mo talaga swerte sya sakin? Hindi ko ma feel yon. Pakiramdam ko kulang na kulang parin ako sa kanya .”
” Hindi ko makita yung pagkukulang mo sa lahat ng bagay. Lahat naman ginagawa mong sapat nakadepende nalang talaga sa tao kung pano ka pahahalagahan”
” Lar, kung ikaw si Lorraine iiwan mo pa ba ako? ”
” Kung ako si Lorraine , hindi kita...