Crazy Inlove” Chapter 5


Crazy Inlove”
Chapter 5
✍; Jeon Kim
andito kami ngayon sa sala, naka higa si chin sa kabilang sofa at ako naman ay naka upo dito sa single sofa ng may nag doorbell
“Baka si tita chelsey na yan? tanong ko
“Baka nga, teka buksan ko lang” sumunod ako ky chin sa labas at tama nga si tita chelsey
Pumasok na kaming tatlo sa bahay
“Oh eto mga groceries para hindi kayo kulangin, may mga curls din jan” saad ni tita chelsey kaya tumango lang kami ni chin
“Chin, si zack muna makakasama mo dito ha”
-Chin Pov
“Chin, si Zack muna makakasama mo dito ha” sabi ni mama
“Opoo ma!” at nakita ko namang ngumiti silang dalawa
“Siguraduhin nyung wala kayong himalang gagawin ha! pero kung hindi na talaga kayo makapag timpi osge gusto ko nadin kase magka apo HAHAHAHA” tawang saad ni mama kaya nagulat ako at napatawa si zack
“Hoyy mama! Anong sinasabi mo ha”
“Suss chin HAHAHA, dumalaw ako sa bahay nyu zack pumayag naman sina shezy at clarck, napag usapan din namin ang tungkol sa inyu HAHAHAHA boto kami sa inyong dalawa” tawang tawa sabi ni mama na syang kinagulat namin ni zack
“Tita naman, hinay hinay lang tayo HAHAHAHA” sagot ni zack na ikinagulat ko
“Hoy mama anuba!!” inis kong sabi dahilan ng pagtawa nila
__________________
andito kami ngayon sa gate ng bahay namin, aalis na kase si mama
“oh pano, chin aalis na ako mag iingat kayo dito” naka ngiting sabi ni mama
“Oo naman ma, kayo din po mag ingat kayo!”
“Zack salamat at sasamahan mo dito si chin”
“No problem po tita” ngiting ngiting sabi ni zack
“Sgena aalis na ako, naghihintay na ang tricycle driver” sabi ni mama sabay beso sa akin at niyakap nya din si zack
“Babyee po/ma” sabay na sabi namin ni zack
Nang makaalis na ang tricycle na sinasakyan ni mama ay pumasok na kmi ni zack sa loob andito ako ngayon sa sofa nakahiga at si zack naman ay naka upo sa single sofa ng biglang sumakit ang puson ko dahilan ng pag daing ko
“urghhhh” daing ko na namimilipit sa sakit kaya nilapitan ako ni zack
“Hoy chin anong nangyare sayo? san masakit?” Saad nito sa nag aalalang tono
“Ansakit ng puson k- ughh”
“Ha? Eh bakit ba sumasakit yan” taka nyang tanong
“Bwi*ct zack malamang rereglahin ata ako ngayonn aghhh”
“Ay eh may stocks kapa ba ng extra pads dito?”
“Oo meron” akmang tatayo na sana ako ng buhatin ako nito ng pa bridal style
“Wag kana sumabat alam ko namang hindi ka makakalakad ng maayos” seryoso nitong sabi kaya tumahimik nalang ako at pinikit ang aking mga mmata
_____________
-Zack Pov
Inihiga ko si chin ng dahan dahan sa kanyang kama, ambilis nyang makatulog pero dahil narin siguro sa sumasakit nyang puson. Bumaba ako sa sala at dumeretso sa kusina para maghanda ng luch, nakita ko ang manok na binili kanina ni tita chelsey kaya naisipan kong magluto ng Adobo
Matapos ang ilang minuto ay tapos na akong magluto at tiningnan ko ang oras sa wall clock 11:44, mag tetwelve nadin kaya pumunta na ako sa kwarto ni chin para gisingin sya
“Chinn, gising na mag lulunch na tayo” saad ko habang hawak ang kamay nya
“Uhmm” ugol nito
“Tara na kumain na tayo, alam kong nagugutom kana”
“Uhmmm” ungol nito habang dahan dahang minumulat ang mga mata nya
“Ayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit?”
“Hindi na, okay na ako” paos nitong sabi kaya ngumiti lang ako at ngumiti din...


sya
“Tara na, nagluto ako ng adobo”
“HAHAHAHA nakss sgee”
At sabay kaming bumaba, nang nasa lamesa na kami ay pinaupo kona muna si chin at ako na ang naghain, nang ready na ang pagkain sa lamesa ay kumain na kami
Pag tapos naming kumain ay ako na din ang nag representang manghugas ng pinggan at pinapunta ko nalang sya sa sala para magpahinga. Nang matapos akong maghugas ay tumungo ako sa sala kung nasaan si chin
“Auhh chinn, pupunta ako sa bahay para kumuha ng mga damit ko, sasama kaba?”
“Sgee bah, namimiss ko nadin kase sina tita shezy” masaya nitong turan kaya napangiti ako
_______________
Around 3pm na ng napag desisyonan naming pumunta na ng bahay dahil hindi namana masyadong mainit, naglalakad kami ngayon at nauna si chin maglakad dahil pinauna ko ito, Naka short sya na darkblue at fit na croptop. “Tss babaeng to anhilig sa shorts” sabi ko sa aking isip base kase sa porma nya ngayon ay kitang kita ang kurba ng kanyang katawan at hindi ko maitatanggi na ang sexy nya at–
Hindi ko napatapos ang aking pag iisip ng tanongin nya ako
“Hoy okay kalang ba?”
“Ha, oo naman. Bakit? Sagot ko sabay akbay sa kanya
“Tch wala, antahimik mo kase kupal!!”
“Anong kupal ka jan, may tanong pala ako chin”
“Sge anu ba yun?”
“Bakit pandak ka?” tanong ko at expect ko na kung anong magiging reaction nya kaya natawa ako HAHAHAHA
“HAHAHAHAHA chill lang nagjojoke lang eh” tawa ko
“Bwi*ct ka talaga zack” sabi nya at naunang maglakad kaya hinayaan ko nalang at tumawa
Napatigil ako sa pag tawa ng makita kong my nang babastos kay chin kaya agad akong tumakbo para protektahan sya “bwi*sit bat ko kase sya hinayaang maunang maglakad eh alam ko namang madaming loko-loko dito” saad ko sa isip ko habang tumatakbo papunta ky chin, ng makarating ako kung asan sya ay agad ko syang inakbayan
“May problema ba mga tol?” Seryoso kong saad sa tatlong lalake na umiinom at ramdam ko ang kamay ni chin na yumayakap sa bewang ko
“Pwede bang tikman yang magandang kasama mo, ha?” manyak na sabi ng isa kaya agad uminit ang ulo ko at sinapak ko ito dahilan ng pag hawak ni chin sa kamay ko
“Zack tama na, halika na” saad ni chin habang pinipilit akong maglakad pero halata sa tono nya ang takot pero sininghalan ko ang lalaki
“Wag mong mababastos ang babaeng to, kung ayaw mong mapaaga” sabi ko sa seryosong tono at akmang aalis na kami ng magsalita ang isa
“Bakit, kaano ano mo ba yan ha, kaibigan mo lang naman dito yan a!!” siga nitong sabi kaya napa lingon ako at binigyan sya ng matalim na tingin
“Girlfriend ko sya, at sa susunod na babastosin nyu sya ay hindi na kayo makakahinga pa” sabat ko na nakatingin ng seryoso sa kanila at hindi naman sila sumabat pa kaya lumakad na kami papalayo sa mga mokong na yun
Nang makalayo kami ay huminto ako sa paglakad at himarap kay chin
“Sa susunod, kung hindi ako ang kasama mo wag na wag kang susuot ng ganyang klaseng porma!” Seryoso kong sabi, tumango lang ito at nagulat ako ng bigla nya akong niyakap
“Salamatt, zackk! takot na takot ako kanina” sabi nito na pautal utal
“Shhh okay naa, gagamitin natin ang kotse ko pag uwi natin” sabi ko kaya tumango ito sabay bitaw sa pagkayakap sakin
“Tara na, baka abotin tayo ng dilim” sabi nito kaya ngumiti lang ako at lumakad na nga kami
Wait for chapter 6!!💌






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top