Dangerous Love Chapter 6


Dangerous Love❤️
💮Chapter 6💮
Aiden Salazar POV
Bigla akong nagising dahil naramdaman kong sumasakit ang ulo ko. At may naririnig pa akong maingay kaya napilitan na akong bumangon.
Pagkabangon ko nakita kong nasa ibang bahay na ako.
“Teka Nasaan na ako? Kaninong bahay ito?”
Bumangon na ako sa kama at lumabas ng kwarto at iginala ko ang paningin ko sa bahay. . Maliit lang ang bahay na iyon pero kahit papapaano maayos naman ang pagkaka ayos ng bahay.
“Buti naman gising kana”.
Nagulat nalang ako ng may nagsalita sa likuran ko. Bigla akong kinabahan dahil busis yun ni Roxanne kaya. . Masaya akong Lumingon dahil makikita kona sa wakas si Roxanne. .
Napawi ang mga ngiti ko ng makita kong si Summer lang pala ang nagsalita sa Likuran ko.
Ang babaing manluluko.
Kaya nag iba ang mode ko ng makita sya.
“Anong ginagawa ko sa pamamahay mo?” Nainis kong sabi kay Summer.
” Hindi mo maalala? Pinabagsak kita kaya nawalan ka ng malay. Ang kulit mo kasi kagabi ” Mataray na sabi ni Summer.
” Eh bakit dinala mo ako rito. Siguro may pagnanasa ka parin sa akin ano!”
“Ang kapal din ng mukha mo!. Kung inaakala mo na may gusto ako sayo dahil inakit kita dati. Pwes. . Makinig ka sa sasabihin ko sayo at itatak mo sa kukuti mo na wala akong gusto sayo. At kaya lang naman kita inakit noon dahil napag utosan lang naman ako. ”
Biglang na curious ako sa sinabi ni Summer. At gustong malaman kung sino.
Kaya napahawak ako sa magkabilang balikat nya at pilitin na paaminin sya.
“Sabihin mo sino ang nag utos sayo na akitin ako dati. Si Roxanne ba? Sabihin mo si Roxanne ba ang nag utos sayo?”
“Ano ba bitiwan mo nga ako. Hindi sya ang nag utos sa akin at hindi ko sasabihin kong sino ang nag utos sa akin.. Actually.. nag panggap lang ako na kilala ko ang asawa mong si Roxanne para mas mapalapit ako sayo. ”
“Pero bakit mo yun ginawa? ”
Galit kong sabi
“Aminin mona kasi na kilala mo ang asawa kung si Roxanne. . Alam kong sya ang nag utos sayo”.
“Hindi tlaga sya ang nag utos saakin. ni hindi ko nga sya kilala eh. Kung ako sayo tumigil kana sa paghahanap. Dahil mahirap hanapin ang nagtatago. ”
“.You promise me na tutulongan mo akong hanapin sya. Kaya kilangan mong tuparin yun”
” Bingi kaba? Sinabi ko lang naman na killala ko sya para mapalapit sayo Pero dahil hindi umobra ang pang aakit ko sayo. ako na ang lumayo. Teka nga mona bakit alamo ang cellphone # ko? Stalker ka no? O baka naman tuloyan kang naakit sa akin kaya may Cellphone # ka sa akin?
” Ako maakit sayo? Ang kapal din ng mukha mo. Pinahanap kita dahil may kailangan ka pang pagbayaran sa akin? ”
“Excuse me wala akong utang sayo. ”
“Ah.. baka gusto isumbat ko sayo yung mga pinag gagawa mo sa akin sa. . ”
“O ito na nga eh. Nagbabayad na ako ng utang ko sayo. Hindi kita pinabayaan kagabi kaya siguro naman bayad na ako?”
Nginisihan ko sya at sinabayan ng masamang tingin.
“Nagpapatawa kaba? Kasalanan mo kaya...


ako natumba kagabi? At baka nakakalimutan mo ang dami mong atraso sa akin . Gusto mo isa isahin ko?”
Naiinis kong sabi sa babaing kaharap ko ngayon.
Ang lakas talaga ng loob nyang paglaruan ako dati. Pinaasa nya ako na kilala nya si Roxanne at matutolongan nya ako sa pag hahanap pero pinaasa nya ako dahil may iba pala syang motibo. Dahil gusto nyang akitin ako.
“Wag na alam ko naman ang atraso ko sayo. Paano ba ako makakabayad?” Inis na sabi ni Summer
” bago ko sabihin sayo. Paka inin mo ako ng almusal dahil nagugutom ako. Madami pa tayong pag uusapan at sa oras na tumakas kapa sa akin. Lagot ka. . Akala mo siguro hindi kita matotonton. Kahit saan ka magtago mahahanap kita”
“Weee. . Hindi mo nga mahanap ang asawa mo. Mag aabala kapang hanapin ako. Trying hard ka rin ano.”
“Sumasagot sagot kapa. Gusto mo ipakulong kita dahil sa ginawa mo?
“Ito naman hindi na mabiro. Sinabi ko naman sayo. Nagsisinungaling lang ako na kilala ko si Roxanne. Maniwala ka naman sa akin”
“Mamaya kana mag explain. Gutom ako pakainin mo ako..”
Summer POV
Nainis akong bumalik sa kusina. Gusto ko syang pagbabatukan at saktan ulit pero hindi ko yun dapat gawin baka sa kulongan na ang bagsak ko kaya kalma lang mona ako. Aaminin ko naman na ang laki ng kasalanan ko dahil niluko ko sya last year sinabi kong kilala ko ung taong hinahanap mya. Nagsinumgaling lang naman ako para mapalapit sa kanya.
Hindi ko naman masabi sabi na kya ko sya inaakit para makapag higante.
Ang boung akala ko maakit ko sya pero natakot ako na baka ako yung mahulog sa kanya. Kaya ako na yung umiwas at umamin sa pagsisinunging ko. Akala ko sa pag iwas ko sa kanya hindi na kami magkikita pero ng abala pa syang ipahanap ako. Grabie. Wala talaga syang pataWad.
Nang maihahin ko na sa kanya ang ginawa kong almusal sa kanya ay nakatitig lang ito sa niluto kong pritong itlog na sinamahan ng tuyo.
“O ano na bakit hindi ka pa kumain? Akala ko ba gutom ka?” Inis kong pagkakasabi.
” Sigurado ka na pagkain ito?” Pagrereklamo ni Aiden.
Biglang umosok ang ilong ko dahil sa pagrereklamo ng lalaking ito. Nag reklamo pa alam naman nyang mahirap lang ako.
” Oo pagkain yan. Pritong itlog yan. Wag mong sabihing hindi ka pa nakakain ng pritong itlog. ”
” Sempre naka tikim na ako ng pritong itlog pero bakit ito lang?”
“Nagreklamo kapa alamong mahirap lang ako. Kung ayaw mong kainin yan ako nalang ang ang kakain ”
“Hindi ko namn sinabing hindi ko kakainin yan ang sinabi ko ito lang ba ang ipapakain mo? ”
“Oo yan lang ang kaya kong ihain sayo. Kainin mo na yan lahat magpakabusog ka” inis kong sabi.
Bakit naman kasi hindi pa magpakita ang asawa ng lalaking ito. Umiwas na nga ako sa lalaking ito sya nmn itong lumalapit.
Ano kaya kung lasonin ko sya at ilibing kung saan? Ano ba itong nasa utak ko. Hindi ako killer kaya hahayaan kong mabuhay ang ugok na lalaking ito.
At balang araw maipaghihiganti ko rin ang tatay ko.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top